Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Feel Day - Nandito Pa Lyrics

Pwede ko bang malaman
Ang nasa isip mo?
Anong gumugulo sa'yo
Kasi, parang paminsan-minsan
Nasisilayan ko ika'y nalulungkot

Nasisilip ko sa'yong mga mata
Ang mga ‘di mo maaming pangangamba

Pwede bang
Lumapit ka sakin?
Ika'y yayakapin ko
Hayaan mo
At ang mga suliraning
Hindi mo masabi no’n
Alam ko na 'yon

At nandito pa naman ako, 'di ba
Iniibig ka, Iniibig ka
'Yung akala mong biglang mawawala
Nandito pa
Iniibig ka pa rin pala

Sino'ng mag-aakalang kaya ko palang
Magmahal nang totohanan?
Nakakatakot pala
Akala ko ako 'yung unang bibitaw na lang
‘Pag parang pwede nang masaktan

Pero bakit parang ang dali-dali
Manatili lagi sa iyong tabi

Sana laging pwede
Lumapit ka sa'kin
Ika'y yayakapin ko
Hayaan mo
At ang mga suliraning hindi mo masabi no’n
Alam ko na 'yon

At nandito pa naman ako, 'di ba
Iniibig ka, Iniibig ka
'Yung akala mong biglang mawawala
Nandito pa
Iniibig ka pa rin pala

Kahit minsa'y parang ang sakit-sakit
Ay hindi ko bibitawan ang yakap mong humihigpit

Lumapit ka sa'kin
Ika'y yayakapin ko
Hayaan mo
At ang mga suliraning hindi mo masabi no’n
Alam ko na 'yon

At nandito pa naman ako, 'di ba
Iniibig ka, maniwala ka
'Yung akala kong hindi ko rin magagawa
Nagawa ko na
Talagang iniibig na pala kita

Ooh hoh
Nandito pa
Talagang iniibig na pala kita
Ooh hoh
Nandito pa
Talagang iniibig na pala kita

Feel Day - Nandito Pa (Official Lyric Video)


The official lyric video of “Nandito Pa” by Feel Day.

Composed by Jeriko Buenafe
Published by Viva Music Publishing Inc.
Arranged by Feel Day
Drums and Vocals recorded at Amerasian Studios
Mixed and mastered by IƱigo Mortel at Banana Rising Studio