Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

AM/FM - Playtime Lyrics

Kung sino ang unang ma-fall siya ang talo
At umasa ako pero di mo sinalo
One sided lang pala anong magagawa ko
Di para satin ang lovestoring ito
How could I ever resist your hugs and kisses
When you're not around, you are the only one I'm missing
I've given everything I could so you won't leave me
Yeah, I admit my feelings grew so quickly

Bakit ba, bakit ba ako na-fall agad sayo,
Di naman planado ang lahat ng to.
Ako'y umibig ng husto,
Pero balewala sa'yo.
Bakit ba, bakit ba tayo ay pinagtagpo pa
Di naman pala tayo tinadhana
Bakit, oh bakit, bakit ba?
Bakit, oh bakit, bakit ba?

The second day we met, her started to forget
The love I left behind when I met you
Niyakap mo ako, nilambing ng husto
At sabi mong "I love you" gamit ang micropono
At ako tanga, ako ay naniwala sa lahat ng mga sinabi mo
Di ko kayang tanggapin sa sarili
Na ikaw pala hindi para sa'kin
Sa twing magkalayo may ibang kapiling
Ang sakit sakit lang nitong isipin
Ang dami ko nang ipinagdaanan
Ilang beses na rin kita pinaglaban
Isa lang pala tong kalokohan
Na ang dreamgirl ko pala hindi pangseryosohan
Ginawa ko ang lahat upang mapakita ko sa'yo na ikaw lamang
Ano pa ba ang pagkukulang, kahit seryoso si ako, pero sa'yo playtime

Bakit ba, bakit ba ako na-fall agad sayo,
Di naman planado ang lahat ng to
Ako'y umibig ng husto
Pero balewala sa'yo
Bakit ba, bakit ba tayo ay pinagtagpo pa
Di naman pala tayo tinadhana
Bakit, oh bakit, bakit ba?
Bakit, oh bakit, bakit ba?

At sabi mo wala kang feelings para saken
Pag naglaro ang mainlove wag magalit
At sabi mo naman di mo inasahan
That I would take this so seriously

Bakit ba, bakit ba ako na-fall agad sayo,
Di naman planado ang lahat ng to
Ako'y umibig ng husto
Pero laro pala sa'yo
Bakit ba, bakit ba ako na-fall agad sayo,
Di naman planado ang lahat ng to
Ako'y umibig ng husto
Bakit, oh bakit, bakit ba?
Bakit mo ko pinaasa?
Sa mga simpleng salita?
Bakit, oh bakit, bakit ba?
Ito ay playtime lang pala

Beloved Abe - Alas Onse Lyrics

Inabot na naman ng gabi
Hanggang ngayo'y gising parin
Inabot na ng alas onse
Di makatulog kahit anong gawin

Di maawat ang sarili
Sa kaiisip kung ano nga bang nangyari

Pipikit na lang
Sabay pipiliting ika'y makalimutan
Pipikit hanggang
Ang mga alaala mo'y lumisan

Sa isip kong di makatulog
Di matahimik sa kaiisip sa'yo

Lumipas na naman ang gabi
Pasikat na ang araw ako'y mulat pa rin
Hindi na nga yata pupwedeng
Mahinto ang isip sa pag-intindi

Di maawat ang sarili
Sa kaiisip kung ano nga bang nangyari

Pipikit na lang
Sabay pipiliting ika'y makalimutan
Pipikit hanggang
Ang mga alaala mo'y lumisan

Sa isip kong di makatulog
Di matahimik sa kaiisip sa'yo

Because ft. Kris Delano - Gilid Lyrics

Ibulong mo lang
Bawal marinig ng iba
Ikay magtago't makikita ka nila
Kaya dito ka lang sa gilid
Dito ka lang sa gilid 2x
Dito ka lang sa gilid manahimik

Gusto mo ako na kalakip
Butas gusto mo na tumakip
Lahat ng pagkukulang niya gusto mo mabuo
Kaya ka pala sa akin kumabit
Alam ko naman ang iyong kaylangan
Dimo man sabihin ng lantaran
Sa aking tabi lang ako lalagyan mo ng
hindi ramdam na basta ka lang nakasangkap

Marami pa akung tinatago di lang rin ikaw
Kapag siya nasa malayo ako ang sinisigaw mo
Kaya palang ngayon ay iyo na ang sinusulit
Kasi alam nating walang bahong di sumisingaw
Maluwag man ang pagkatali
Gusto lumagpas pa sa alanganin
Pwede lang naman natin na gawing kumportable
Pero bawal maging kampante

Sapagkat ngayong araw lang iikot ang lahat
Pagkasapit ng bukas lilimutin din agad
Kunyari walang nangyari
Kundi man ay mayayari
Usapan ay wag sirain
Bawal satin ang magsabi

Ibulong mo lang
Bawal marinig ng iba
Ikay magtago't makikita ka nila
Kaya dito ka lang sa gilid
Dito ka lang sa gilid 2x
Dito ka lang sa gilid manahimik

Bago tayo magkaproblema
Dapat alam mo na yung tema
Dina bago ahas sa paligid kaya diba yung mansanas na kinain na ni eva
Ibulong ko na lang sa hangin
At sa tenga humalik at bumalik dun sa leeg
Pababa sa iyong panakip
Bumabalik ka lang para matikman ang
Ang walang kasing pait
Kung gano to kasarap
Ganun din siya kasakit
Lahat ng bagay nilulugar
Kapag nasanay na ay nasusundan
Hanggang sa dimo na alam ang kalalagyan
Pag nasobrahan kana don lang ito nagiging sugal

Sapagkat ngayong araw lang iikot ang lahat
Pagkasapit ng bukas lilimutin din agad
Kunyari walang nangyari
Kundi man ay mayayari
Usapan ay wag sirain
Bawal satin ang magsabi

Ibulong mo lang
Bawal marinig ng iba
Ikay magtago't makikita ka nila
Kaya dito ka lang sa gilid
Dito ka lang sa gilid 2x
Dito ka lang sa gilid manahimik

Aubrey Caraan - Hindi Ka Nyan Mahal Lyrics

Para kang malayo
Para kang susuko
Lagi na lang away at gulo
Sa ’kin didiretso
Hihingi ng payo
Matigas kasi ‘yang ulo mo

Ilang beses ko nang ginuguhit
Ang mukha mo na nasasaktan
‘Di mo ba nakikita sa linya na
Hindi ka nyan mahal

Ayaw mong aminin hindi ka nyan mahal
Tinatakpan mo lang ang punit
Ayaw mong aminin hindi sya kawalan
Tinatakpan mo lang ang punit
Hindi ka nyan mahal
Hindi ka nyan mahal

Nasa hugis ng ngiti mo
Ang naipong tampo
Luho sa inyo’ng magkasundo
Gusto mo siya pero
‘Di ka sigurado
Siya ba talaga’ng para sa’yo

Kabisado ko ang mga lukot
Ng palad mo ‘pag nagdaramdam
Masaya naman ‘yan
No’ng hawak ko dati
Bago nagpaalam

Ayaw mong aminin hindi ka nyan mahal
Tinatakpan mo lang ang punit
Ayaw mong amining hindi magtatagal
Tinatakpan mo lang ang punit
Hindi ka nyan mahal
Hindi ka nyan mahal

Nasa dulo ng ngiti mo
Ang pagsusumamo
Hindi nakuntento
Hihingi kang payo
Bumalik ka na lang dito
Iguguhit ko muli
Hindi ka nyan mahal
Ang kumupas nating litrato
Hindi ka nyan mahal

Gusto mo siya pero
‘Di ka sigurado
Siya ba talaga’ng para sa’yo

Ayaw mong aminin hindi ka nyan mahal
Tinatakpan mo lang ang punit
Ayaw mong amining hindi siya kawalan
Tinatakpan mo lang ang punit
Hindi ka nyan mahal
Hindi ka nyan mahal
Hindi ka nyan mahal
Hindi ka nyan mahal
Oh oh oh

Kung buburahin ko ang isang sandali
Oh oh oh
Iguguhit ko tayo ng nagsisimulang ulit

Hindi ka nyan mahal
Hindi ka nyan mahal

Eevee - Nakakamiss Lyrics

Hindi kita gusto
Lalong hindi kita trip
Magkaibigan lang tayo
‘Yun lang…

Ngunit bigla ‘kong nalungkot
‘Nung ikaw ay lumayo
Hindi ko namalayan na ang puso ko’y
Nabihag mo

Nakakainis ka
Nakakamiss ka
Naiisip ko na tayong dalawa
Pwede pala

Nagpatuloy lang ako
Kahit napaka-komplikado
May gusto ka rin pala
‘Yun lang…

Papaano na ito
Tayo ay magkaibang mundo
Pero habang tumatagal
Natututunan kong ipaglaban
Ang totoo

Nakakainis ka
Nakakamiss ka
Naiisip ko na tayong dalawa
Pwede pala

Nakakainis ka
Nakakamiss ka
Naiisip ko na tayong dalawa
Pwede pala

‘Di ko na kaya ‘to
Puso’t isipan ko
Sinisigaw pa rin pangalan mo

Nakakainis ka
Nakakamiss ka
Naiisip ko na tayong dalawa
Pwede pala

Nakakainis ka
Nakakamiss ka
Naiisip ko na tayong dalawa

Feel Day - Salamin Lyrics

Hanggang dito lang pala
Ayoko na, ayoko na
Paulit-ulit lang
At walang katapusan
Walang iba, ayoko na

At parang nawala na
‘Di ko na makita sa ‘yong mga mata
Ang hinahanap na ligayang nadarama
At ‘di na mapigilang
Lumuha ang damdamin sinusubukan pang
Ipaalala ang lahat ng nakaraan

Pinagmamasdan kita
Ibang-iba, ibang-iba
‘Di ko na kilala
Nasa’n na ang dating ikaw?
Sumisigaw, sumisigaw oh

Parang nawala na
‘Di ko na makita sa ‘yong mga mata
Ang hinahanap na ligayang nadarama
At ‘di na mapigilang
Lumuha ang damdamin sinusubukan pang
Ipaalala ang lahat ng nakaraan

Ayoko na, ayoko na

Lihim - Takipsilim Lyrics

[Verse 1]
Hindi ko alam, kung paano babalikan
Ang mga araw na tila ala-ala na lang
Bawat gabi, iisa lang ang naiisip
Kung lahat ng ito ay isang panaginip

[Chorus]
Ulitin natin, mga sandaling kay tamis
Babalikan mga nakaraan, na sadyang 'di malimutan

[Verse 2]
Kahit anong gawin, ay di na maibalik
Ang mga panahong punong-puno ng pananabik
Sadya nga ba, na ikaw ay masaya
Habang ako ay umaasa na maibabalik pa

[Chorus]
Ulitin natin, mga sandaling kay tamis
Babalikan mga nakaraan, na sadyang 'di malimutan

[Spoken Word]
Isang hakbang papasulong/
Ganyan ako katapang 'nung sinabi ko sayo na mahal kita nang pabulong/
Kahit na/ ang balik mo'y wala man lang salita at itong/
Puso ko/
na naghihintay ng sagot na manggagaling sa bibigkasin ng mga labi mo/
Ay wala pa ring kasiguraduhan na ako ay iibigin mo/
Hanggang sa/ nagkaroon ako ng nag-iisa at mumunting pag-asa/
Na makamit ang matamis mong oo at agad na umasa/
Na ang pag-ibig natin ay magtatagal hanggang sa/
Nanghingi ka na lang ng panahon para makapag-isip ng kung ano bang meron sa ating dalawa/
Na hanggang ngayon hindi parin malinaw
Madilim parin ang sikat ng araw
Na bumabalot sa mundo ko na pangalan mo ang isinisigaw.
Mahal na mahal kita
At sana marinig mo itong sinulat kong tula

[Outro]
Hanggang kailan, dapat na magtiis
Kung ngayon pa lang ay 'di na napapansin
Tama nga ba, na ako ay maghintay
Na muling makasama ang tunay na ikaw

Seira Briones - Ano Ba Lyrics

Maghapon nang nakatitig sa telepono
Naghihintay kung sasagot
Pakiramdam ko naglalakad ako sa kalsada
Sabay biglang natapilok

Ano ba ‘tong ginagawa sa akin
Oh oh oh…
Bawat ngiti may kakabit na panalangin

Atras abante
Ano ba talaga ang gusto mong mangyari
Nayayari na ako
Dito ka na lang kasi
Sa aking tabi palagi

‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
Ba’t ‘di ka maabot

Maghapon nang nakatambay
Sa labas ng classroom
Kung saan ka huling nakita
Umaasa na pumasok ka
‘Di namalayan na linggo pala ngayon

Ano ba ‘tong ginagawa sa akin
Oh oh oh…
Bawat ngiti may kakabit na panalangin

Atras abante
Ano ba talaga ang gusto mong mangyari
Nayayari na ako
Dito ka na lang kasi
Sa aking tabi palagi

‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
‘Di ka na malulungkot<
Oh oh oh… ‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
Ba’t ‘di ka maabot
Oh oh oh…

Maghapon nang nakatitig sa bintana
Nang wala namang tinitingnan
Bigla kitang nakita sa labas naming
Oh oh oh…
Ito na ba ang sagot sa’king mga panalangin

Atras abante
Ano ba talaga ang gusto mong mangyari
Nayayari na ako
Dito ka na lang kasi
Sa aking tabi palagi

‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
‘Di ka na malulungkot
Oh oh oh…
Ba’t ‘di ka maabot
Oh oh oh…

Avon Rosales - Hawak Lyrics

Walang katulad
Ginawa mo sa akin
Bulong ng puso
Dininig mo ang dalangin

Di maitatago
Ang pag-ibig mong lubos
Laging mapapawi
Ang damdamin kong malungkot

Bawat hakbang ay
Akala mo malayo
Kundi nakakapit
Saan ako tutungo

Di maitatago
Ang pag-ibig mong lubos
Laging mapapawi
Ang damdamin kong malungkot

Hawak mo ang aking kamay
Di mo kailanman iniwan
Pag-ibig mo ang siyang naging gabay
Sa buhay kong magulo
Sa isip kong tulala
Ikaw lamang wala ng iba

Sa puso kong lito
Ikaw ang nag-gabay
Ang buhay kong ito
Binigyan mo ng kulay

Hawak mo ang aking kamay
Di mo kailanman iniwan

Hawak mo ang aking kamay
Di mo kailanman iniwan
Hawak mo ang aking kamay
Sa buhay kong magulo
Sa isip kong tulala
Ikaw lamang wala ng iba

This Band - Tampisaw Lyrics

Nakatingin sa kalye
Ang bagal pa ng byahe
Patungo sa ating tagpuan
Naiinip, naiinis
Ang bagal ng andar
Pwede bang konting bilis
Dali na manong driver

Andito na sa’ting tagpuan
Sabay tayong kumakaway
Bigla na lang may pumatak
Nagkatinginan, kumislap
Nagkaisa ang ating isip at
Sabay na nating gagawin

Magtampisaw sa ulan
Tila walang pakialam
Sa mga tao sa paligid
O kung tayo'y lalagnatin
Tumakbo palayo
Taas kamay at hawak mo
Makikisilong kina manong
At magkwekwentuhan tayo

Ano mang trip o gimik
Kahit ano pa ang ating gawin
Basta’t kasama ka
Walang iba pang hahanapin
Ilabas ang chips, fries and dips
Sabay nating uubusin
At pagkatapos no’n ay
Tatayo’y mabibilang

Isa, dalawa, tatlo
Tayo ay tatakbo

Magtampisaw sa ulan
Tila walang pakialam
Sa mga tao sa paligid
O kung tayo'y lalagnatin
Tumakbo palayo
Taas kamay at hawak mo
Makikisilong kina manong
At magkwekwentuhan tayo

Isa, dalawa, tatlo
Tayo ay tatakbo

Magtampisaw sa ulan
Tila walang pakialam
Sa mga tao sa paligid
O kung tayo'y lalagnatin
Tumakbo palayo
Taas kamay at hawak mo
Makikisilong kina manong
At…

Magtampisaw sa ulan
Tila walang pakialam
Sa mga tao sa paligid
O kung tayo'y lalagnatin
Tumakbo palayo
Taas kamay at hawak mo
Makikisilong kina manong
At magkwekwentuhan tayo

Bea Lacson - Pundi Lyrics

Ang dami nang pinalipas
Kay dalas na ngang umiwas
Sige na, hayaan na
Wala namang mapapala

Ang dami nang kinalimutan
Mga munting kabiguan
Hindi na pinalalaki
Sa damdamin ay kinukubli

Ngunit may hangganan din
Ngayon ang puso’y ‘di susundin

Maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalan unti-unti
Gasera ma’y ‘di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo’y napapawi na nang kay bilis

‘Di matuyong unan at kumot
Mula sa luhang lihim na binuhos
‘Di ko na kikimkimin
Ngayon ang isip na ang diringgin

‘Pagkat may hangganan din
Ngayon ang puso’y ‘di susundin

Maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalan unti-unti
Gasera ma’y ‘di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo’y napapawi na nang kay bilis

Ang pagdilim ng ilaw natin ay
May kaliwanagan palang hatid
Ito’y hindi mali’t bulaang kabalintunaan
Kay tagal ko nang batid

Maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalan unti-unti
Gasera ma’y ‘di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo’y napapawi na nang kay bilis

Fatima Lagueras - Pang Habang Panahon Lyrics

Lagi ay ikaw ang tangi kong dasal hanggang sa kailanman
Buhay ko’y magkukulang kundi laging ikaw ang siyang namamasdan

Hanggang may’rong pintig ang puso ko
Sa hirap at saya, ako’y makakasama mo

Sa bawat araw at buwan na lilipas
Sa’yo’y ipapangako, ako’y laging tapat
Pagsikat ng araw hanggang dapit-hapon
Abutin man ng kailanman
Pag-ibig ko’y pang habang panahon
Hooh.. oohhh…

Kaya ko na tanggapin bawat kahapon mo
Kahit pa may dilim
Kapag wala ka’y kulang ako
Mundo’y malulungkot kapag ako’y iniwan mo

Sa bawat araw at buwan na lilipas
Sa’yo’y ipapangako, ako’y laging tapat
Pagsikat ng araw hanggang dapit-hapon
Abutin man ng kailanman
Pag-ibig ko’y pang habang panahon

Ako’y hinding-hindi magtataksil sa’yo
Habang may sikat ang araw, makakapiling mo
Mula ngayon alam ko na ikaw lang at ako
Ang magbibigay ng kulay sa ating mundo
Wohh.. ohh..

Sa bawat araw at buwan na lilipas
Sa’yo’y ipapangako, ako’y laging tapat
Pagsikat ng araw hanggang dapit-hapon
Abutin man ng kailanman
Pag-ibig ko’y pang habang panahon

Abutin man ng kailanman
Pag-ibig ko’y pang habang panahon

Wohh.. ohhh…

Assembly Generals - ABKD Lyrics

Aabangan na nila ang aking lyrisismo
Bababa mula sa langit na parang si Kristo
Kakayanin ba nila ang mga kritisismo
Darating mula sa isang lirikong obispo
Eto ang sagot sa mga nagtatanong
Gagawin na ang lahat wag lang tayo paurong
Hahabulin ang karera sa mundo ng ulupong
Itaya niyo na sa akin ang lahat basta ganon
Lalamunin ng buhay ang mga letra sa libro
Mamaya na huminga mabubulanan lang kayo
Napasubo, sa mga konseptong ganito
Nganga na naman kayo, wag kayong malilito,
mga Obra ng maestro gamit ang pagsalita
Pagkatapos pinaagos dumadaloy sa tinta
Ratsada na mga kasamang bwitre at daga
Sama samang Tatalunin ang mga bUWaYa

Aba aba kada banat ng mga bara
Lumalabas ang letra
Abakada bitaw nakalapag lahat sa mesa
Tinulak ng serbesa
Mula uno hanggang umabot na sa may sisenta

Aba aba kada kumpas ako’y makata
Aba kada talata
Aba sa kada sulat magmula sa pagkabata
Hindi namamayapa
Sinabi ko na yata
Aba kada sigaw ng tinubuan kong panata
Abakada…

Aalisin natin ang akala ng iba
Babasagin ng Bathala ang balakid sa mata
Kalayaan, ang sigaw ng aking kataga
Dadalhin kayo sa ilaw, walang mangangapa
Eeeh bakit ba ganon nasanay tayo sa dilim
Ganyan tayo magaling, hatakan pailalim
Hanggang lahat na tayo ay napapapapraning
Iniiwas ang tingin sa mga papapapating
Lalangoy sa tulin, aahunin ko lahat
Mamasilyahin ang lamat ng kagat sa balat
Nasa akin ang kidlat,
Ngayon umaangat
Oras nang ilabas ang kontrabida kong ganap
Para para pare, paki preno pwede please?
Ratratan na mga kasamang ipis at galis
Sasabugan ng mga barang walang tapon at panis
Talata ko’y Unos Wagas sa Yaman at tamis

Yayakapin ang sariling pluma at papel
Wagayway nitong watawat na walang dumiskarel
Umaasa sa anghel, buhatin tayo’t lumipad
Tatahakin natin ang bundok ng pag-unlad
Sama-sama sa ginhawa, kapit-kapit sa sakit
Raranasan ang paghirap kung ginto ang kapalit
Papasukin ang pahamak, maiitim na balak
Oo lang ng oo, sige sabak lang ng sabak
Ngayon ang pagkakataon, wala nang papalag
Nalagpasan na ang kahapon at ang kamandag
Mamalasin ang mga mistulang ahas gumalaw
Lalamunin ko ang araw, sabay utak ang sabaw
Iikutan ang planeta ng mga letrang kong anak
Hahatakin ang mga pwersang nakaukit sa aklat
Gagamitan ng lakas lagpas sa kulay ng balat
Eentradang may Dalang Katas ng Bayan kong Angat

UGG (U Go Girls) - Dati Lyrics

Bakit ba gan’to
Ambibilis naman ng tao
Ate, kuya ano?
Isang text lang biglang naging kayo
Ano na bang nangyayari
Nag-chat lang nagtawagan na ng “baby”
Ito na ba ang pag-ibig ngayon

Masyado na ba tayong nagmamadali
Ang puso ‘di mapakali
Hindi naman ganito dati

Kasi dati aakyat ng ligaw
Dati, kahit di bilhan ng hikaw
Dati, haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta’t ang puso mo’y tapat
Isang tula o kahit isang sulat

Dati, dati eh eh
Dati, dati eh eh dati
Sana ngayon
Katulad lang ng dati

Isang beses may lumapit sa’king
Isang lalaking may hangarin
Sabay tanong “ate, anong number mo?”
Sabi ko “kuya, call center ba ‘ko?”
“Bakit mo kailangan number ko?”
Sabay back out
‘Yun pala hindi seryoso

Hindi naman sa nagpapabebe
Iniingatan lang ang puso pwede
Hindi naman ganito dati

Kasi dati aakyat ng ligaw
Dati, kahit di bilhan ng hikaw
Dati, haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta’t ang puso mo’y tapat
Isang tula o kahit isang sulat

Dati, dati eh eh
Dati, dati eh eh dati
Sana ngayon
Katulad lang ng dati

Hindi lang ang lalaki ang may kasalanan
Pagkadelikadesa’y ‘wag din sanang makalimutan
Dati-rati ihahatid ka pa
Dati-rati susulatan ng tula
Dati-rati susuportahan ka pa
Bakit ngayon nagpakain sa sistema
Dati-rati hihintayin ka pa
Dati-rati hindi bigla-bigla
Dati-rati susuyuin ka pa niya
Mga ate

‘Wag magpadala sa bola
Ahhh ahhh…

Dati ika’y nirerespeto
Ngayon dinedire-diretso
Dati ikaw lang sapat na
Ngayon apat na kulang pa
Kulang pa…

Dati aakyat ng ligaw
Dati, kahit di bilhan ng hikaw
Dati, haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta’t ang puso mo’y tapat
Isang tula o kahit isang sulat

Dati, dati eh eh
Dati, dati eh eh
Dati, dati eh eh
Dati eh eh eh
Dati, dati eh eh dati
Sana ngayon
Katulad lang ng dati

Hilera - Sayang Panahon Lyrics

Nananaginip na naman ako
Di ko alam ang sasabihin ko
Di ko alam ang tatanong sayo
Di ko naman alam ang gusto mo

Ayaw ko namang pilitin ka
Syempre dun ka kung san ka sasaya
Gusto ko lang naman malaman mo
Nandito ‘ko pag kailangan mo

Nananaginip na naman ako
Napapaisip at nalilito
Sabihin mo kasi ang totoo
Kung nasan ba kasi ako sa’yo

Ayaw ko namang pilitin ka
Syempre dun ka kung san ka sasaya
Gusto ko lang naman malaman mo
Nandito ‘ko pag kailangan mo

Pero kung pareho lang
Ang gusto nating mangyari
Bat di mo masabi?

Sayang ang panahon
Ba’t di pwede ngayon
Na lang di ba pwede ngayon?
Eh ano naman kase?
Ano nga kung mali?
Sayang ang panahon
Sayang ang panahon

Nananaginip na naman ako
Di ko alam ang sasabihin ko
Kung ayaw mo eh di sabihin mo
Wala namang mawawala sayo

Ayaw ko namang pilitin ka
Syempre dun ka kung san ka sasaya
Gusto ko lang naman malaman mo
Nandito ‘ko pag kailangan mo

Pero kung pareho lang
Ang gusto nating mangyari
Bat di mo masabi?

Sayang ang panahon
Ba’t di pwede ngayon
Na lang di ba pwede ngayon?
Eh ano naman kase?
Ano nga kung mali?
Sayang ang panahon
Sayang ang panahon

Pero kung pareho lang
Ang gusto nating mangyari
Bat di mo masabi?

Sayang ang panahon
Ba’t di pwede ngayon
Na lang di ba pwede ngayon?
Eh ano naman kase?
Ano nga kung mali?
Sayang ang panahon
Sayang ang panahon

Sayang ang panahon
Sayang ang panahon
Sayang ang panahon
Sayang ang panahon

Even - Stolen Lyrics

I used to listen to whatever you would say
I used to believe in what you would tell me

You know it's hard to look back when you've already said it
How could you act this way?
When you left your promises broken

What do I have to do?
What else do you want from me?

I'd rather think that it's stolen
I'd rather think i'm lost and
I'd rather think it was not mine

Did you think that I'll be scared?
When you left me all alone
Did you think I won't make it?
So you just left and think that I'm gone
You think i'm gone

Did you think that I still care when I can stand on my own
You thought that I couldn't make it
'Coz you left and think that I'm gone

I'd rather think it's stolen
I'd rather think i'm lost and
I'd rather think it was not mine

I'd rather that it's stolen
I'd rather think i'm lost and
I'd rather think it was not mine

I'd rather think that it's stolen
I'd rather think i'm lost and
I'd rather think it was not mine

You think i'm gone
You think i'm gone

John Roa - Taguan Lyrics

Oh oh ooh oh...

Nagsimula sa asaran hanggang nauwi
Sa seryosohan ang pinag-uusapan
At 'di na namalayan
Na dahan-dahan na binubuksan ang pintuan
Ng ating mga damdamin na tila may
Kakaibang nangyayari di maipahiwatig
Ang ibig na sabihin may gusto ka bang aminin
Pero hindi mo na kailangan pa

Kasi alam mo ba
Na alam ko nang
May tinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na

Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang

Isa dalawa tatlo
Ayoko nang maglaro
'Di na naman tayo mga bata para
Itago ang tunay na nararamdaman
Pilit mang hanapin 'di ko pa rin mawari
Ang ibig na sabihin kailan ba aaminin
At tuwing nagtitinginan ang mga mata
Para bang nakapagtataka
Nahihirapan man na magbasa
Pero naiintindihan ko na

Kasi alam mo ba
Na alam ko nang
May tinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na

Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang

Kasi alam mo ba
Na alam ko nang
May tinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na

Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang

Jessica Sanchez - Millionaire Lyrics

You think that I don't know what you're up to lately
I've been praying for an angel to save me
I don't recognize myself like this
But I've been changing hard
Kept you away from noticing
But it's time to know

I'm not letting you proceed any longer
Cuz I have earned enough
Enough is, enough is, enough
I would be rich if it wasn't for love
If I got a dollar for every time he broke my heart
I would be rich if it wasn't for love
A dollar for every tear that has fallen down

I'd be a millionaire
I'd be a millionaire
Fool me once, fool me twice
Fool me three times and I'm blinded
Your heart cold as ice might be speechless
But I'm hard minded
Don't ever think for a second that
I would give u all my time
You know that u took your chances
For taking me for someone blind

I'm not letting you proceed any longer
Cuz I have earned enough
Enough is, enough is, enough

I would be rich if it wasn't for love
If I got a dollar for every time he broke my heart
I would be rich if it wasn't for love
A dollar for every tear that has fallen down

I'd be a millionaire
I'd be a millionaire
I would be living in a mansion
Buying a million dollar necklace
But you know money doesn't buy happiness
I would give it all back to the helpless

Cause I'd be alone
Cause I'd be alone
Cause I'd be alone
Cause I'd be alone

Cause I'd be alone…

Manilyn Reynes - Malay Mo Maging Tayo Lyrics

Paano ko aaminin ito
Tunay kong nadarama para sayo
Alam ko na magkaibigan lang
At may ibang nilalaman ang iyong puso

Paano ko kaya matututunan
Kalimutan lang…
Pagtibok ng puso ko’y mapipigil ko pa

Pag-ibig na di pa mapagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako, maghihintay sayo
Dahil bukas malay mo maging tayo

Kay tagal ko na nadarama
Paglukso nitong damdamin
Tuwing nariyan ka na
O bakit di mo tingnan
Tamis nating pinagsamahan
Bawat sandali tinawag mo ang aking ngalan

Pano kung nabubulagan na
Ang iyong pagtingin
Pagka’t sigaw ng puso ko
Ako’y iyo’t ika’y akin

Pag-ibig na di pa mapagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako, maghihintay sayo
Dahil bukas malay mo maging tayo

Sa tagal na magkasama
Ano bang di nakikita
At kailangan bang humanap ng iba
Kung hindi maging isa mundo nating dalawa
Ako sana’y iwanan na

Pag-ibig na di pa mapagbibigyan
Ngayon na ba ang panahong pakawalan
Ngunit natututo ba, tigilan na sa pag-asa
Na baka bukas malay mo maging tayo

Ohh… ohh…

Manny Paksiw ft. Blanktape - Kukong Bato Lyrics

Nang si Hudas nadulas
Ang balbas biglang nalagas
Tuhod nya ay nagasgas
Pero dedma lang si Hudas
Tinukso ni Barabas
Natawa naman si Hestas
Nang mapikon na si Hudas
Silang dalwa ay hinampas

Alam nyo ba ang tatlong to
Ay talagang mag-bestfriend
Sabay kung matulog at sabay din kung kumain
Pero ang nakaka-elib
Sa lahat sa tatlong ito
Parehong may patay na kuko

Kaya naman sila ngayon
Mas tumibay pa ang bonding
Panay na rin ang picture taking
Kahit bungal, walang ngipin

Alam nyo ba ang tatlong to
Ay talagang mag-bestfriend
Sabay kung matulog at sabay din kung kumain
Pero ang nakaka-elib
Sa lahat sa tatlong ito
Parehong may patay na kuko

Nang si Hudas nadulas sa loob ng bus
Ang tuhod niya’y nagkaroon ng gasgas
Sa sakit na dinanas para siyang hinampas
Pati puso nya ay parang nilaslas
Kaya panay kantiyaw ni Barabas, Hestas
Dahil balbas nya ay nalagas
Pero si Hudas natawa ng malakas
Nang ang dalawa ay nahulog sa bus

Alam nyo ba ang tatlong to
Ay talagang mag-bestfriend
Sabay kung matulog at sabay din kung kumain
Pero ang nakaka-elib
Sa lahat sa tatlong ito
Parehong may patay na kuko

Alam nyo ba ang tatlong to
Ay talagang mag-bestfriend
Sabay kung matulog at sabay din kung kumain
Pero ang nakaka-elib
Sa lahat sa tatlong ito
Parehong may patay na kuko
Parehong may patay na kuko
Na kung tawagin ay kukong bato
Na kung tawagin ay kukong bato