Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Lance Busa - Ako Muna Lyrics

Minsan, parang di pag-ibig ang sagot
Kahit na, sa pag-iisa ay nababagot
Aanhin, ko ang paghahanap ng magmamahal
Kung sa sarili ko ay 'di pa masaya

Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna, para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna

Minsan, alam kong lungkot ay kakatok
Ngunit kailangan kong tatagan ang loob
Aanhin ko ang pagbibigay ng pagmamahal
Kung ang sarili ko'y mapapabayaan

Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna, para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
(Ako muna)

Paano ko magmamahal
Kung 'di ko kayang mahalin ako
Ngayon, bukas, mapapagod din lang...

Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna, para sa akin
Mabuti pang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna
Ako muna

Lance Busa - Ako Muna (Music Video)


Ako Muna
Performed by Lance Busa
Words and Music by Yeng Constantino
Produced by Roque "rox" Santos
Vocal production by Rox Santos & Tim Recla
Recorded by Rox B. Santos
Arranged by Tommy Katigbak
Mixed and Mastered by Tim Recla
Published by Star Songs
Executive Producer Roxy Liquigan

Copyright 2021 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Jason Steele ft. Lance Busa - Hindi Tayo Pwede (Official Music Video)


The official music video of "Hindi Tayo Pwede" by Jason Steele feat. Lance Busa.

Composed by Carl Guevarra
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Teban Aquino & Jason Steele
Recorded by Teban Aquino
Mixed and mastered by Emil Dela Rosa
Recorded, mixed and mastered Amboy Studios

Jason Steele ft. Lance Busa - Hindi Tayo Pwede (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Hindi Tayo Pwede" by Jason Steele feat. Lance Busa.

Composed by Carl Guevarra
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Teban Aquino & Jason Steele
Recorded by Teban Aquino
Mixed and mastered by Emil Dela Rosa
Recorded, mixed and mastered Amboy Studios

Jason Steele ft. Lance Busa - Hindi Tayo Pwede Lyrics

Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
Hindi alam kung sa'n tutungo

Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
Di naniwala

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Ohh oh oh

Kay bigat na ng damdamin
Bakit di pa natin aminin
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban

Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
Dina umasa
Di naniwala

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Hindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit, hanggang dito na lang
Dito na lang

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Hindi tayo pwede

Lance Busa x KIKX - Sa Aking Mundo (Music Video)


Music/lyrics: Kiko “KIKX” Salazar
Music arrangement: KIKX
Mix/master: KIKX
Recorded at Bellhaus Recording Studio

Video by: John Ray Ebora and Crosby Tupaz
Edited by: Ian Francisco
Styling by: Odelon Simpao
Special thanks: The Secret Lounge

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Lance Busa x KIKX - Sa Aking Mundo Lyrics

‘Di na lang sana
Ayos lang namang mag-isa
Paulit-ulit lang nagmumukhang tanga
‘Di na rin tayo bata
Para pagsabihan pa

Ilang ulit pa bang
Mangangakong huli na
Sarado nang pintuan
Ayaw ko nang magbukas pa’t
Muli pang pagbigyan

Dito sa king mundo
Hindi mo na ako
Masasaktang muli

Dito sa sarili kong mundo
Hindi na nga ako
Ang maiiwan sa huli
Kaya’t mananatili
Dito sa king panaginip
At mundo... Mundo

Kailan ka ba magtatanda
Puso ba’y kayrupok pa
Iwasan nang paglapit lapit pa
Dito sa ‘yong mundo ay mas ligtas ka

Pag-ibig para ngang mantsa
Pag kumapit parang ‘di mabubura
Mahirap nang makasanayan pa
Mabuti nang mag-isa
Wala nang sisisihin pa

Dito sa king mundo
Hindi mo na ako
Masasaktang muli

Dito sa sarili kong mundo
Hindi na nga ako
Ang maiiwan sa huli
Kaya’t mananatili
Dito sa king panaginip
At mundo... Mundo


Lance Busa x KIKX - Sa Aking Mundo (Lyric Video)


Music/lyrics: Kiko “KIKX” Salazar
Music arrangement: KIKX
Mix/master: KIKX
Recorded at Bellhaus Recording Studio

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.