Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Hailie ft. Edray Teodoro - LDR Lyrics

Ilang gabi na rin palang wala ka
Sa bisig ko ngunit hindi to para sa iba ko magpabaga
Kahit alam ko’ng di ganon kadali
Maiwasan ang apoy na gusto sakin tumabi
Di naman ako nagmamadali
Batid ko’ng darating ang araw na makakatabi
Na muli kita dito sa malambot ko na kama
Wag mag-alala dahil di mababagot sa kaka
Hintay na ikaw ay magbalik
Kahit sabik ako sa mga yakap at mga marka ng ‘yong halik
Marami ka’ng gawi na malabo kong makalimutan
Pag nilalamig pinapainit imbes na kumutan
Nung umalis ka tanging kayakap lang ay unan
Na laging namamagitan sa tuwing nagkakatampuhan
Patunay yan na kung paano mo ako iniwan
Na baon sa lungkot ikaw pa rin ang paghuhugutan

Kahit na magkalayo
Ay hindi magbabago
Ang pag-ibig kong ito
Para sayo ohhhhh, para sayo ohhhh

Kada tawag mo kahit papano ay ginaganahan
Pa rin na kumain mag-isa kahit nagkakamay lang
Kaharap larawan mo habang tinititigan
Natatanaw na ang langit sayong pamamagitan
Walang malayo o malapit sa pag-ibig
Kung tunay di maaakit sa iba di rin tititig
Kahit maraming magandang tanawin sa paligid
Ikaw pa rin ang dadayuhin ng gala kong isip
Nga pala nagpadala ko sa ihip ng hangin ng halik
Damhin mo ito sa ‘yong panaginip
Wag kang mangamba ang magsawa’t mawala ko sa tagal natin ni minsan ay hindi
Sumasagi saking isip
Napakapalad ko na merong ikaw na dumating nung panahon na ako ay naligaw
Kaya sayong pagbabalik ay magputi ka ng damit
At ihanda ang sarili sating pag-iisang dibdib

Kahit na magkalayo
Ay hindi magbabago
Ang pag-ibig kong ito
Para sayo ohhhhh, para sayo ohhhh

Makakapiling kang muli
Mahagkan sa bawat sandal
Makakaasa kang di ako hahanap ng iba
Kahit na malayo sayo aking sinta

Kahit na magkalayo
Ay hindi magbabago
Ang pag-ibig kong ito
Para sayo ohhhhh, para sayo ohhhh

Kahit na magkalayo
Ay hindi magbabago
Ang pag-ibig kong ito
Para sayo ohhhhh, para sayo ohhhh

Hailie ft. Edray Teodoro - LDR (Lyric Video)


Lyric video by Hailie Ft. Edray performing LDR. © 2020 MCA Music, Inc., a Universal Music Group Company.

Executive Producer: Ricky Ilacad
Director and Editor: Akmi