Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Krisostomo - ALMA Lyrics

Nakahiga dinadaga
Dibdib kong punong-puno gustong kumawala
Walang iba itong gusto
Ikaw lang at ako
Nakahandang ika’y samahan
Kahit saan mo gusto

Tahimik man ako
Merong telepono
Naghihintay lang ako sagutin mo mga tawag ko
Umaga o gabi ‘kaw iniisip katabi
‘Di ako nagmamadali pabagalin pa natin sandali
‘Di ko maintindihan
Parang pagsusulit na ‘di ko masagutan
Ang akin lang naman ikaw ang nilalaman
Ng aking mga sinulat aking pinamagatang
Alam mo yan

Dami nang sabi-sabi sa tabi-tabi
‘Di kaya na magalit kaya lagi na humihindi
Kaya naman halika na paligid ay tahimik na
Wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya

Tumitig ka sa’king mata
Sabihin ang iyong nadarama
Halika na tumitig ka
Sabay natin na sabihin ang nadarama

Sa’kin ay tumingin ka
Sa’kin ay ngumiti
Hinding-hindi tatanggi
Kung sakaling tumabi
Ka sa’kin ay tumingin ka
‘Lika na’t humimbing
Pumikit hanggang sa kung saan
Na makarating


Panibagong araw na naman
Pagpasok ko sa trabaho hay traffic na naman
Ayos lang naman nasanay na naman
At ang mahalaga ‘kaw ang aking inaabangan
Sa bawat oras ay hindi makapapayag na maagaw
Mga pagkakataon nais sa inyo na dumalaw
Hiniling sa itaas mga bituin, buwan, at araw
At ang tangi niyang sagot sa akin ay kumalma nga raw
O sige aking pakikinggan ang sasabihin
Kung manalo o matalo tanggapin ang sasapitin
Limitado ang galaw kay dali mo akong akitin
Kung hindi ang kasagutan ‘di na natin pipilitin pa
Panhik panaog alas tres a dose ng umaga
Napupuyat kakaisip dala-dala pa sa kama
Ang larawan sa’king utak ikaw ang makakasama
At wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya

Tumitig ka saking mata
Sabihin ang iyong nadarama
Halika na tumitig ka
Sabay natin na sabihin ang nadarama

Sa’kin ay tumingin ka
Sa’kin ay ngumiti
Hinding-hindi tatanggi
Kung sakaling tumabi
Ka sa’kin ay tumingin ka
‘Lika na’t humimbing
Pumikit hanggang sa kung saan
Na makarating

Sa’kin ay tumingin ka
Sa’kin ay ngumiti
Hinding-hindi tatanggi
Kung sakaling tumabi
Ka sa’kin ay tumingin ka
‘Lika na’t humimbing
Pumikit hanggang sa kung saan
Na makarating

Krisostomo - ALMA (Official Lyric Video)


The Official Lyric Video of 'ALMA' by Krisostomo.

Composed by Crisner Mercado
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by SNDY
Arranged by SNDY
Recorded by SNDY
Mixed and Mastered by SNDY at WLNJM STUDIO

krisostomo - Mahal Na Kita Lyrics

Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na Mahal na kita

V1
Teka pakinggan mga huni nilang nag-aawitan
Pagmasdan kislap na dulot ng pagtitinginan
Umiling kahit tayo’y pinagpipilitan
Wag nating sagutin di ba mapipigilan?

Itong nararamdaman natin ay sa atin lang
Hindi na natin kailangan na ipaalam
Kung magtatanong ay pwede ba na sa iba nalang
Dadami lang kase ng dadami ang mangingialam

Chorus
Hindi ko na namamalayan na mahal na kita
Basta ang gusto ko ay dito ka lang
Magkasama magkahawak at magkatitigan
Ikaw lamang at wala ng iba
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na mahal na kita

V2
San na ba tayo
Pupunta ba sa malayo?
Hindi naman yung lugar
Dahilan bakit ko dinadayo

Ikaw ang gusto ko lang na kasama
Isa pa
Ikaw lang gustong makasama at
Wala ng iba

Hindi na tatanggi kahit saan mo to dalhin
Ikaw lang at ikaw lang ng ikaw ang aking susundin
Wala namang iba at wala ng iba pang gagawin
Tanging alam kong lang gawin ngayon ikaw ay mahalin

Masyado na atang matamis
Pero lagi mong tandaan ay kayang kayang magtiis
Nitong aking damdamin, tangi kong panalangin
Wag na sanang huminto kung ano man ang meron satin diba

Ikaw ang tanging bida sating palabas
Magtityagang pumila presyo man ay tumaas
Di ka na maiiwan, di para ko’y lumisan
Hanggang sa mahatid ka ng ligtas sayong tahanan kasi

Hindi ko na namamalayan na mahal na kita
Basta ang gusto ko ay dito ka lang
Magkasama magkahawak at magkatitigan
Ikaw lamang at wala ng iba
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na mahal na kita

Hindi ko na namamalayan na mahal na kita
Basta ang gusto ko ay dito ka lang
Magkasama magkahawak at magkatitigan
Ikaw lamang at wala ng iba
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na
Hindi ko na namamalayan na mahal na kita

krisostomo - Mahal Na Kita (Official Music Video)


Starring
Florence Margaret Aquino

Written and Performed by: krisostomo
Video Produced by: Cinemanahan
Directed and Edited by: Mark Jasper Manahan
Music Produced by: StickBeats
Mixed and Mastered by: StickBeats

Krisostomo ft. Khael Domaro - 2K Lyrics

Hook (krisostomo)
Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway
Magpatuloy ka dapat sa iyong paglikha

Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway

V1: (krisostomo)
Hayaan na ilatag ang mga salita,
Bunbunan napatag at tila ba napisa
ng kaalaman na pilit na kinakabisa
Sa sarili to nawili nagpakabihasa

Kinulang sa tasa, natutong kumasa
Sa hamon nilang iba na sa awa lang pumasa
Sinong nagdala, sarili kong mag-isa
Maigi na binalasa mga baraha sa
aking buhay tumatak
Ilang ulit may nabaling pakpak
Patuloy lang na pinapapak
Kilong palpak nilamutak
at tinulak ko sa utak ko pilit sinalpak

Karunungan sinibak, inihain sa hapag
Sa dami ng isinulat kamay nawalan ng libag
Wala naman na nilabag bakit may pumapalag
Sa larangan na pinasok ito ang aking ambag

Teka teka teka repa sinong umeentra
Ikaw na pala yung tumatawa sa eksena
Mahina ba bigayan kaya di na bumebenta
Baka katapusan mo na sabik sayo a trenta
Sinong walang kwenta daming pinoproblema
Subukan mong ayusin ang sarili mong sistema
Bago mo punahin ang nilatag nila sa mesa
Isipin mong maiging may kanya kanyang panlasa

Pera pera nalang talagang pantawid
Wala ng kinalaman ang storya na hatid
Lamang ang malaman di mo kayang mapatid
Wala ng palamang kaalaman sayo ang beat

Lamat ang iniwan kaya di lumawak
Kalat iginatong kaya di paawat
Dapat pero hindi nga karapatdapat
Puro lamang paninipat di kayang lumapat

Hook: (krisostomo)
Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway
Magpatuloy ka dapat sa iyong paglikha
Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway

V2: (Khael Domaro)
Matagal ko ng itinaya ang sarili ko sa laro para lang makapanalo
Nung nangyare ang daming nag sabing kumusta? Kahit hindi pumusta gusto makabalato
Sakin di sila nakikinig date! Kaya kanta ko'y kinakanta ko lang sa banyo
Ngayon kahit nasa malayo o sa kabilang ibayo lagi mong maririnig "Ako lang to" sa kanto
Di mo pwedeng husgahan alam ko na di mo alam anong pinag hirapan ko
Sinasabi nila sakin na tigilan ko
Mga bagay na gusto't kinahiligan ko
Kaso nga lang Malabo na mapigilan to
Pantasya ko kahit na inirapan mo noon,
Ngayon pumabor na sakin ang mga pangarap pangako sayo na iingatan ko
Di ako katulad ng anak ni manny pac!
May talento at mayaman madali lang inaangat
Makata ka mang mahirap wag mong ikahihiya
Sa baba din nang gagaling tunay na mabibigat
Salat sa salapi man aking magulang pangarap ko'y di apektado
Bagkus lagi pa kong nagpapasalamat walang tigil ang suporta sa anak nyo na talentado
Kesa mag reklamo
Ginalingan nalang sa bawat kataga
Hanggang lahat ay napasabi na ay napasabi ba mahusay talaga ko
Panaginip totohanin kunin ng walang kaba
At wag mong ipamumuka may halaga
Ako ikaw pati walang pinag kakaiba
Lika sama sama magkaron ng pag kakaisa
Harapin ang salamin at alamin kung sino ka
Khaeldomaro nga pala makata sa industria

Krisostomo ft. Khael Domaro - 2K (Official Music Video)


Written & Performed by krisostomo & Khael Domaro
Shot/Directed/Edited by: MJ Manahan
Assistant: Bryan Artuz
Music Produced by: StickBeats
Mixed and Mastered by: TrappyBoyFromSouth

© 2020 krisostomo