Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

J-Twist - Laing Lyrics

Ilang taon nang nasa ilalim, sa pinaka ilalim,
kaya wag na wag mong sasabihin na di luto ang mga isinaing,
dahil miski isa wala pa akong inihain
kung gusto mo na kumagat, patikim, sige lang kapatid Ito muna yung laing.

Simula nung natutunan ay nakahiligan narin na sumulat ng tula,
laruin na parang leggo habang ang mga binubuo'y imahinasyon at palaisipan na mga salita.
Tinuklas ang mga lihim na lagusan sa isipan para mas lalo ko pang mailabas,
Ang mga nakatagong kayamanan lan taon narin naman ang aking mga pinalagpas,

Alam mo na sa dame ng mga nangyare,Kasama dun yung mga di pwedeng masabe,
Sarili ang kalaban ang mali ko lamang ay pinanghinaan imbis na mas lalong umabante,
Tuloy ang lakad kapatid,kahit ang danaanan ay masyadong matarik,
di man sigurado ang landas ko papanik, isa lang ang sigurado ko di nako babalik.

Huli na para magsisi kaya hindi narin para makipag-unahan,
Masaya kong tatapusin ang karera kahit pa na laging manatili sa hulihan,
tuloy ang ambag,diba nga mas ok din kapag, marami ang naglalapag,
pero sinisigurado ko sayo na iba parin talaga yung galing sa tunay na thug. (still thuggin)

maniwala na merong pag-asa na mahahawakan malayo man ang gusto na abutin,
makibabaka para sa mga pangarap kung ano ang nasa puso yun ang dapat sundin,
tandaan na walang imposible basta pursigido ka lamang lahat ay kaya mong gawin,
talunin, liparin, hanggang maabot ang mga bituin.

Ilang taon nang nasa ilalim, sa pinaka ilalim,
kaya wag na wag mong sasabihin na di luto ang mga isinaing,
dahil miski isa wala pa akong inihain
kung gusto mo na kumagat, patikim, sige lang kapatid Ito muna yung laing.

J-Twist - Laing (Official Music Video)


Written and performed by : Juan Malubay a.k.a. J-Twist
Directed by: Red EspeƱa
Beat Produced by : Tower Beatz Pro