Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Shortone - Ingat Lang (Music & Lyric Video)


shortone - ingat lang (MUSIC & LYRIC VIDEO)

Shortone - Ingat Lang Lyrics

(Verse 1)
Nilisan ang nakaraan
Bulong sa'king sarili ay pinakinggan
Paningin ko na ay binuksan
Ngunit nakakasilaw kung kaya't pakipat-kipat lang

Sinunod ang sabi-sabi
Humakbang nang paabante
Pinatid na'ng kadenang nakatali
Gamit isipa't pambakal na lagari

Muling simulan
Bumarog na parang tandang
Hinilamos na ang
Tubig ng katotohanan

Dilim na ay pinaglaon
Aking nakaraa'y ginawa kong baon
Nilisan ang kama, muling bumangon
Kama ng bangungot at itinapon

Dahan-dahan
Puwede ka ring gumapang
Iwas ka lang
Tadhana'y sobrang gulang

(Pre-chorus)
Titigan nang mabuti ang reyalidad
Sa panahon ngayong uso'ng kunwarian
'Di na bale na ako ay matagalan
Hindi ako takot sadyang nag-iingat lang

(Chorus)
Ingat lang, ingat lang, ingat lang
Ingat ka, ingat ka, ingat ka
Ingat lang, ingat lang, ingat lang
Ingat ka, ingat ka, ingat ka

(Verse 2)
Kakagaling sa sakit takot mabinat
Gusto ko sa taas ng gulong ng palad
Durog na puso, kakaligpit lang ng kalat
Iwasan kung ano man ang balak

Mga sangkap sana ay hindi na maalat
Nauto na dalawang mata ko ay namulat
Tinandaan sa listahan at nakasulat
Malasin man ay hindi na magugulat

Pagisipang mabuti ang mga galaw
Tulisan ang isipan parang balaraw
Ayusin ang timpla dapat ay nakanaw
Mo nang maigi upang 'di na umayaw

Ayaw ko nang maiwan ng eroplano
sa biyaheng papunta sa ating mga plano
Linawin ang lahat gusto ko klaro
Kung 'di ka tatagal ay 'wag na lang kako

Lahat lilinawin upang maayos
Ang pananaw pagkat ayoko nang magapos
Sa lubid, aking leeg, nakakapaos
Ayaw ko na sa salita na tapos

(Pre chorus 2)
Ayaw ko nang umasa sa mga parang
Paglaon ng panahon ay gustong pumara
Pakiusap lang ayoko pang mapana
'Di ko pa natagpuan karapat-dapat

(Chorus)
Ingat lang, ingat lang, ingat lang
Ingat ka, ingat ka, ingat ka
Ingat lang, ingat lang, ingat lang
Ingat ka, ingat ka, ingat ka

(Chorus 2)
Tumingin ka sa kaliwa't kanan
Bago ka tumawid magalinlangan
Huwag magpakain sa sariling karupukan
Ingat lang, ingat lang, ingat lang