Di titigil sa pagmamahal sayo
Tanging hiling sana’y ako’y pansinin mo
Ikaw ang buhay, ang tanging pangarap ko
Para lang sayo ito ang alay ko
Ikaw pa rin ang sigaw ng damdamin
Ikaw pa rin ang laging nasa isip
Ikaw pa rin ang tibok ng puso
Ikaw pa rin, ikaw pa rin, ikaw pa rin
Akin ka na lang mahal
Ika’y aking iingatan
Ika’y pagsisilbihan habang buhay
Saktan mo man ako di aalis sa piling mo
Ikaw pa rin ang sigaw ng damdamin
Ikaw pa rin ang laging nasa isip
Ikaw pa rin ang tibok ng puso
Ikaw pa rin, ikaw pa rin, ikaw pa rin
Ang pag-ibig mo sa’kin ay pangarap lang
Ang pag-ibig mo sa’kin ay mananatiling panaginip
Ikaw pa rin ang sigaw ng damdamin
Ikaw pa rin ang laging nasa isip
Ikaw pa rin ang tibok ng puso
Ikaw pa rin, ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang dahilan ng paggising
Ikaw pa rin ang nais yakapin
Ikaw pa rin ang para sa akin
Ikaw pa rin, ikaw pa rin, ikaw pa rin
Ikaw pa rin… ikaw pa rin
Ikaw pa rin