I
Ikaw lamang, aking minamahal
Hinahanap-hanap lagi ang iyong ngiti
Ikaw lamang aking nag-iisa
Na nais makasama sa tuwina
CHORUS
Salamat sa iyo, ang puso ko’y binihag mo
Binuhos ang pag-ibig at hinilom ang sugat
Itong aking awitin, sa ‘yo’y inaalay
Himig ng damdamin ay ikaw lamang
Walang iba
Hmmm…
II
Ikaw lamang sa ‘king pangarap
Ako ay lumigaya sa’yong paglingap
Ikaw lamang, magpahanggang huli
Ikaw lamang sinta, walang iba
Hooo, ohhh
CHORUS
Salamat sa iyo, ang puso ko’y binihag mo
Binuhos ang pag-ibig at hinilom ang sugat
Itong aking awitin, sa ‘yo’y inaalay
Himig ng damdamin ay ikaw lamang
Ohhh
Ikaw lamang
Ikaw lamang…