Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Kakai Bautista - Huwag Ka Nang Babalik Lyrics

No'ng ako ay iwan mo, gumunaw ang daigdig
Pagka't tanging sa 'yo lamang ang aking pag-ibig
Ngunit sa pagdaan, sa paglipas ng taon
Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom

'Wag mo sanang biglain sa iyong pagbabalik
Ang idlip na damdamin, ang puso kong natinik
Ang tamis ng pagsinta at init ng halik
Ang ibig madama, 'di man umiimik

Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik
'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik
Kung saka-sakali man, akin na nang mabatid
Sa 'yo'y mahuhulog lang kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik

'Di ko kayang pigilin ang sigaw nitong damdamin
Labis man akong sinaktan, ikaw pa rin ang aking mahal, hoh

Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik
'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik
Kung saka-sakali man, akin na nang mabatid
Sa 'yo'y mahuhulog lang kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik

Kakai Bautista - Huwag Ka Nang Babalik (Lyric Video)

Huwag Ka Nang Magbabalik
Performed by Kakai Bautista
Music by Soc Villanueva
Lyrics by Arnel De Pano
Produced by Roque "rox" Santos
Vocal production by Rox Santos & Tim Recla
Recorded by Rox B. Santos
Arranged by Iean Inigo
Mixed and Mastered by Tim Recla
Published by Star Songs
Executive Producer Roxy Liquigan

Copyright 2021 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.