Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

DJ Loonyo ft. Gloc-9 - Bakit Lyrics

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Nagdadalawang isip kung lalapit
Nagbabakasakaling kausapin
Sana’y madinig ang simple kong hiling
Hindi ko lang alam kung maaari
Sa dami ba kasing nakaabang
Gusto ko lang naman ipahayag
Ang aking nararamdaman

Di ko man masabi sayo kaagad
(Mag-aantay ng tamang oras, dala-dala ang mga rosas)
Ngayo’y hindi ka na matiis
Sana naman mapansin mo
Ang nararandaman sayo

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Kahit na anong iyong gawin
Di ka titigilan kahit ako’y alukin
Milyong milyong pera kotseng nakahilera
Babae’t bahay lupa pagkaing nasa mesa
Hinding hindi makumpara lakas ng ‘yong dating
Nag-iisang bituin sa langit ko tuwing gabi
Ako’y nanginginig, naduduling
Habang ako’y papalapit sa’yo “Kareng”

Di ko man masabi sayo kaagad
(Mag-aantay ng tamang oras, dala-dala ang mga rosas)
Ngayo’y hindi ka na matiis
Sana naman mapansin mo
Ang nararandaman sayo

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Kahit na marami diyang iba
Di ko kayang ibigay ang kayang ibigay nila
Sakin ay ikaw muna lagi kang una
Parang sibuyas sa bawang sa tuwing naggigisa
Hawakan mong aking kamay hayaan mong maging gabay
Simula ngayon di ka na mag-iisa
Alisin mo ang kaba iingatan lang kita
Hanggang dulo simula sa umpisa

Araw-araw liligawan ka
Laging hatid sundo malayo
Yan ay hindi batid kahit nasan pa
Hayaan mong alayan ka
Pitasin mo lang sa akin
Pagmamahal ko na sinasadya

Di ko man masabi sayo kaagad
(Mag-aantay ng tamang oras, dala-dala ang mga rosas)
Ngayo’y hindi ka na matiis
Sana naman mapansin mo
Ang nararandaman sayo

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Bakit, “awit”
Bakit, “awit”
Bakit, “awit”
Sa susunod na lang baka sakali

DJ Loonyo ft. Gloc-9 - Bakit (Official Music Video)


DJ Loonyo feat. Gloc-9 - Bakit (Official Music Video)

Universal Records Philippines

Matthaios, Gloc-9 - Araw-Araw Pasko Lyrics

[Intro]
Matthaios be wonderin'

[Hook: Matthaios]
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Iparamdam sa lahat ang pag-ibig na wagas
Lalo na't sa mga taong nagbibigay sa 'tin ng lakas
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Pamilya man o barkada, kasama sa Noche Buena
Merong Monito Monita, hamon, at Queso de Bola

[Verse 1: Matthaios]
Nandito na naman simbang gabi
Malamig na simoy ng hangin sa 'yo ay dadampi
Maririnig si Jose Mari Chan (yuh, yuh, yuh)
Sa bahay, mall, at kung saan-saan (wooh, wooh)
May puto bumbong at parol
Caroling, lata na tambol
Inaanak mo na budol, kahit saan ay hahabol
Masaya ang Pasko sa Pinas
Promise wala 'tong katumbas
Patunay ang nakaranas
Dito Merry aming Christmas
Merry Christmas

[Hook: Matthaios]
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Iparamdam sa lahat ang pag-ibig na wagas
Lalo na't sa mga taong nagbibigay sa 'tin ng lakas
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Pamilya man o barkada, kasama sa Noche Buena
Merong Monito Monita, hamon, at Queso de Bola

[Verse 2: Gloc-9]
Tao po
Dito sa amin ang Pasko ay mismo
Simoy ng hangin ang magsasabi sa 'yo
Luto na ’ng kutsinta, turon na may langka
Masayang pagsasaluhan ng lahat ng bata
Sana makabisita ang mga nasa ibang bansa
At matikman muli nila ang nakalakihang handa
Sa Noche Buena kulang man sa pera
Ang importante laging sama-sama
Kaya

[Hook: Matthaios]
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Iparamdam sa lahat ang pag-ibig na wagas
Lalo na't sa mga taong nagbibigay sa 'tin ng lakas
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Pamilya man o barkada, kasama sa Noche Buena
Merong Monito Monita, hamon, at Queso de Bola

[Outro]
You already know, MIDA$ Records

Matthaios, Gloc-9 - Araw-Araw Pasko (Official Music Video)


Official music video for "Araw-Araw Pasko" by Matthaios & Gloc-9.

Lyrics: Jun Matthew Brecio, Aristotle Pollisco
Beat Producer: Matthaios
Guitarist: Kevin Canaynay
Extra Vocals: Jiji, Angelica Brecio, Daryl Brecio, Joraine Brecio

Director: Edrex Clyde Sanchez, Nick Hernandez
Executive Producer: Jun Matthew Brecio
Producer: Nick Hernandez
Director of Photography: Benjie Philip
Cam A: Rommel Nicolas
Cam B: Jherome Reynosa
1st AC: Justin Bowley
Gaffer: Leonard Panaligan
Lighting: Cinejepoy
Camera: James Lau
Editor/VFX: Edrex Clyde Sanchez
Colorist: Edrex Clyde Sanchez
Production Design: Aian Salaysay
Set Design Team: Joshua Cyril Caballero, Charlie Caballero, Jaymar Caballero
Set Photography: Koozy Visuals
Styling: Nick Hernandez
Hair & Make-up: Mayton Loyola

Cameo Film Unit
Director of Photography: Clarence Macaraeg, Ephraim Abarca
Production Assistant: Nawaf Garcia Al-Hassawi
Camera Operators: Clarence Macaraeg, Ephraim Abarca

Gloc-9 ft. Jillian Ita-as - Pag Nagising Ako Lyrics

Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pangmuli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikukwento ko sayo
Ikkwento ko sayo
Pag nagising ako

Wala na daw mahirap
Lahat tayo mayaman
At sa kapangyarihan ay wala na daw gahaman
Kung may nagsusumikap
Nagagantimpalahan
Kapag mata'y dumilat
Laging may kagandahang Matatanaw
Wala nang uhaw Nakukuntento
Kasi parepareho lamang
Tayo ng porsiyento
Pantay pantay ang hatian kasi nakasentro
Puro salamat at walang inggit na kinukwento
Gumagaling lahat ng sakit Walang malubha
Tuyuin kapag ipinikit Matang paluha
Walang mga palad
Ang sa langit ay nakakura
Ano nga bang ibig sabihin ng salitang dukha
Puro tawa lang ang madidinig mo sa mga bata
May kasiyahan, kasaganahan walang kawawa

Ang lahat ng galit ay napapalitan ng awa
Pagmamahal na bayad ang laging sukli sa kapwa

Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikkuwento ko sayo
Ikukwento ko sayo
Pag nagising ako

Wala ng mura kasi lahat ay nagmamahal
Para sa mabuti lang ang pinagdarasal
Hindi naiinip kung meron mang nagtatagal
Sa buhay di mo na kailangan pa na sumugal
O hanapin ang kapalaran mo sa malayo
Kaganaha'y makita mo
Hindi nakatago
Kinabukasan ay malinaw
Hindi malabo
Mahal sa buhay na abot kamay maipangakong
Masamahang lumaki ang iyong mga anak
Alalayan sila sa kanilang bawat yapak
Makilala ka sa isipan nila'y tumatak
Ang maihele sila sa tuwing umiiyak
Di kailangang mahati pa sa tama o mali
Di na rin ugat ng kasamaan ang salapi
Walang digmaan ang lahat ay magkakabati
Pinapahalagahan lagi ang bawat sandali
Dahil alam mo na ang bukas ay 'di naka pako
Hawakan ng mabuti kapag sa'yo dumapo
Lakasan mo ang loob panabla pati pato
Lumakad man sa baga ay hindi ka mapapaso
Sana lahat ng pangit ay kabaligtaran (ay kabaligtaran)
At ang kasamaan ay may katapusan (ay may katapusan)
Himulin mo'ng nagdurugo ang sugat ko nang maimulat at mabuksan ko ang aking mga mata

Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikkuwento ko sayo
Ikukwento ko sayo
Pag nagising ako

Gloc-9 ft. Jillian Ita-as - Pag Nagising Ako (Lyric Video)


Written and Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by Paulo Zarate of Studio Z Audio Productions
and Recording Studios
Mixed and Mastered by Paulo Zarate and Martin Andrew Guevara
Studio Z Audio Productions and Recording Studios

Gloc-9 ft. Grace Cristobal - Maulit Man Lyrics

May mga pangako na kahit di masabi pa
Basta makasama ka sinta
Laging bubuhatin ko ang mga pasanin mo
Ika’y aakayin ko sa twina

Kapit ka lang sa akin di tayo bibitaw
Salubong man sa hangin ay di maliligaw
Mahigpit kang yayakapin kapag giniginaw
Ako lamang at ikaw

Ang syang bida sa istorya at kwento nating dalawa
Pupunasan ang luha kaya’t panghawakan mo na
Gagalangin, pipiliin mga lagi lang sayo
Makapiling, susulitin kung maulit man ito

Hahanapin, ako’y lagi lamang babalik sayo
At ang tanging dalangin ko lang ay ang pagmamahal mo

Tanda ko pa noon nung tila yata ang lahat
Kahit hindi sumisigaw ay palaging malat
Sumusugod sa ulan at hanging pasalungat
Pero pag kasama ka ay walang mabigat
Bubuhatin ang papasanin ko ang anuman
Pagmamahal mo sakin nais kong masuklian
Ngayon, bukas o kahapon aking babalikan
Basta para sayo ay hindi ko hihindian
Natutupad lang ang pangarap pag kapiling ka
Balewala ang yaman pag ako’y nag-iisa
Madami mang di sigurado sa tanong nila
Yan lamang ang palagi kong sagot hindi maiiba
Palasyo man o kubo kahit wala sa uso
Ako ang syang kasama mo malayo man ang dulo
Masugatan man ay hindi ko isusuko to
Panghawakan mong pakaiingatan ko

Bawas ****, pipiliing tumanda sa piling mo
Susuyuin, susulitin kung maulit man ito
Bawat linya ng istorya at kwento nating dalawa
Di kailangan pang lumuha kaya’t panghawakan mo na
Kapit lang sa akin di tayo bibitaw
Salubong man sa hangin ay di maliligaw
Mahigpit kang yayakapin kapag giniginaw
Ako lamang at ikaw

Ang syang bida sa istorya at kwento nating dalawa
Pupunasan ang luha kaya’t panghawakan mo na

May mga pangako na kahit di masabi pa
Basta makasama ka sinta
Laging bubuhatin ko lahat ng pasanin mo
Ika’y aakayin ko sa tuwina

Gloc-9 ft. Grace Cristobal - Maulit Man (Official Music Video)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged, Mixed and Mastered by Thyro Alfaro
Vocal recording by Martin Andrew Guevara Studio Z Audio Productions and Recording Studios

Music Video Production by ECSFILMS
Directed by Edrex Clyde Sanchez
Online Editing and Colour Grading by Edrex Clyde Sanchez
Project Manager by Jeff Cruz
DOP by Justin Bella Alonte
2nd Camera and Glide Shots By Patrick Paragoso
3D Supervisor and Animations by John Patrick Lacson Palomar
Assistant Director and Offline Editing by John Selirio
Gaffer by Jehrald Meña
Production Head Migs Alcid
Production Design by Migs Alcid | Studio Tatin
Production Design Team : Justinn Mig "Migs" Alcid
Sophia Adrao, Claudine Verzosa, Aian Salaysay
Production Team: Edward Amante, Rafael Lucero
Allan Arevallo
Official Photo and BTS Photos by Miguel Herce
Official BTS Video by Neil de Belen

Special thanks to ECSFILMS, Greyhounds Creatives, Justin Bella Alonte Photography Studio,

Gloc-9 - Tindero Lyrics

Basta merong bibili
Lagi akong may paninda na nakatabi

Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi

Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi

Alam mo na ang
Mga baraha
Na ibinigay sa’yo
Ng tadhana

Bawal ngumawa
Bawal din ang tumunganga
Kahit mahina na ang apoy
Ingatan mo ang baga

Kaya sige
Humalige
Pwestuhan
Ng maigi
Para hindi ka pag pyestahan

Mamimili
Ka ng mga tatambayan
Huwag ka agad magtitiwala
Taga san ba ‘yan

Kaya tandaan
Mo lahat
Mistulan na
Mga pamagat

Kahit makinang
Ang pabalat
Iwasan na basta ka na lamang kumakagat

Baka nilason ang baso ng atraso
‘Yan ang kaso pero wala namang bago

Matatalo ang kabado
Na sundalo
Gera sa ibabaw ng entablado

Kahit buo man o barya ako’y may panukli
Talian ng goma kasi mahirap itupi

Malutong makapal di madali
Sa panahon ngayon wala ‘kong oras mag atubili

Mag usap tayo pag dala mo na yung sa’kin
Bawal dito ang sagot na ‘di mo akalain

Napaka tagal na panahon na mahiyain
Di na siguro masama na samin mo ihain

Bunga ng puno
Diniligan
Binungkal mo na lupa napakatigang

Sino ang pasimuno hindi ako ‘yan
Taga-gapas lang ng talahib upang mabalikan

Ng maayos walang galos
Tumingin
Sa malayo makisalo sa piging

May respeto kung sino man ang The King
Nawala narito umalis dumating

Gloc-9 - Tindero (Official Music Video)


Written and Composed by Aristotle Pollisco
Guitar Tracks by Maki Mendoza Vaño
Arranged by Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed and Mastered by
Martin Andrew Guevara of Studio Z Audio Produtions and Recording Studios

Gloc-9 ft. Hellmerry - Langit Lupa (Official Lyric Video)


Written and Composed by Aristotle Pollisco
Additional words by Hellmerry

Arranged by
Lester Paul “Klumcee” Vaño

Mixed and Mastered by
Carlo “Corrgtd” Gaspar

Gloc-9 - Bente Quatro Lyrics

Sinimulan ko noon
Ang mangarap kahit na parang pagong di maawat

Di baleng balagoong
Aking hawak
Ay siguradong mag kakaron ng lamat

Pag nag karoon ng tsansa
Mailakad ko to sa kalsada
Maipalo ang aking tagalog
Parang may bumatok upang makilala

Sino yan batang taga rizal
Ako ay paldo palagi sa dasal
Mahiyain pero makapal
Ang mga sulat kahit na hindi nag almusal

Lamesa ng karangyaan magaling na mekaniko aking tatay
Masarap ang mga luto at turo
Ng aking nanay

Sinubukan ko na
Lahat ay ipusta
Sa sugal na malamang ay di ka kumubra

Pero ayos lang kasi wala naman ako
Talaga na hinahangad
Kundi ang marinig ang mga awit
Kahit na mangawit at naka bilad

Parang daing na hinain sa mahanging kakain
Ama namin ang laging sinasabi ng malalim

Baka sakaling tumawid
May makarinig sa daigdig
Kahit di pa lumalabas sa bibig
Uhaw na pangarap ay may dumilig

Dalawang dekada
Na ang dumaan dagdagan mo pa ng apat na taon

Ilan nang sibuyas ang binalatan
Hindi umiyak kahit na mapikon

Aking nilunok kahit di masarap
Sinalo ko lahat ng bawat patak
Ang mga trabaho dapat manganak
Nakabase sa iyong itinatak

Tandaan mo na madaling gumaling
Kung ako lang ang iyong tatanungin

Ang mahirap ay ikay maging maayos
Huwag kang mag padalos dalos sa bangin

Hindi man ako ang pinaka sikat
Pinaka mabigat na pwedeng itapat
Sa nakakaangat banat kahit binat
Ginawa kong lahat bilang kaibigan mo

Gloc-9 - Bente Quatro (Official Audio)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by: Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: Rassel “Goodson” Tiquia and Airon Paul P. Bayani

Gloc-9 ft. Yuridope - Saranggola Lyrics

Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Sinasambit mo ang pangalan
Mga kamay ko ay hawak mo
Walang kasing tumbas na yaman
Ang pagkakataong ito

Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis

Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko bitawan mo

Huwag umalis ang sinasabi
Lahat ay gusto mong mabawi
Mga nadarama’y nahati
Kilala mo pa ba ako?
Sa alaala nakatali
Salita na sari-sari
Na galing sa’yong mga labi
Patalim na itinarak mo

Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis

Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko bitawan mo

Sa huling pagkakataon ikaw pa rin ang rason
Kung bakit ba ako nasa alapaap ngayon
Andami dami kong gusto sana na itanong
Pero kung nandito na’ko balewala na din ang ‘yong tugon
Kaya mangyari na ituon na lang ang pansin
Sa mga sumbat na huling maririnig na mula sa akin
‘Di pa man ako nawawala bakit ba ambilis mo agad tanggapin
Nawalan ng pag-asa ba masalba bagay na gustong-gusto kong sagipin
Yun na lang naman ang dahilan kung ba’t pa’ko nabubuhay!
Sa mundo ko ay kumukulay! Ikaw na gusto ko sanang makasama ko hanggang sa kabilang buhay
Tila hinatid mo ‘ko dun sa, dapat ko na higaang hukay
Kinulang ba ‘ko o lumabis sa paglalambing eh bakit ka naumay?
‘Yan lang ang katanungan kong nais magkasagot
Paliwanag na magpapaatras sa’kin sa liwanag! Sumalubong!
Pero malamang kung nais mong tulungan ako
Makabangon ikaw ay nandirito
Tuwing mapapatalon ako sa saya o lungkot ikaw ang dahilan nito

Hangin saking pisngi na kay sarap
Kahit mga halik mo’y nagpanggap
Haba ng biyahe ko’y patapos na
Bumilang ka ng segundong lima

Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko bitawan mo

Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito

Gloc-9 ft. Yuridope - Saranggola (Official Lyric Video)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: Martin Andrew Guevara of Studio Z Audio Produtions and Recording Studios
Video Edited by Sean Daniel Pollisco

Hero ft. Gloc-9 - Ipakita Mo Lyrics

Ipakita mo ang kaya mong gawin
Bulong-bulungan ay wag mo ng pansinin
Wag lang basta tititigan kung anong gusto mong maging
Dapat lang na kilusan kung talagang may gustong marating

Malayo layo babyahehin
Laging baunin ang galing
Para kahit saan pumunta handang handa
Kasi may pasabog kang dala

Dati akala nila madali ang magtantya
Kung gano karami dapat ang ibibigay na ibabagay mo sa kanila
Pero panahon ay binibago talaga
Kinahiligan ko na pagbase sa iba

Di na pwede at bahala na sila
Magpapa-apoy ako ng bitbit ang gasolinang
Matatalinghaga na galing sa iba't-ibang bibig
Papuri at paghanga na sakin ay nagpapakilig

Pero lubos paring bilib ako sa mga di bilib
Yung pilit higit ng higit nang-gigit git para makasingit
Teka parang gusto ko ulit baliin
Sa kakaibang tunog para kabisaduhin

Pepwede tayo duet, pwede mo rin solohin
Kung ano ang iyong trip basta sasabayan mo ang beat
Ni goodson, pangmalupitan
Eto yung tandem na parang robin at batman

Di mauubusan
Malabong magutuman
Laging pasok sa panlasa ng masa
Bawat ihain na ulam

Hindi ko alam kung anong narinig mo
Sa sinasabi ng iba na tunay na sikreto

Heto pakinggan mo
Aking nang hinanap
Ilang susing kinalap
Upang mabuksan ang mga baol na
Matagal ko nang ipinakalat

Pinalaganap
Ang mga balak
Kaalaman na palaging malaman
Di ako tumigil habulin
Kahit di matulin
Tuwing napag iiwanan

Ng mga may pera pwera
Kaya pwede ba tumabi ka na lang
Kung hindi mo naranasang magutom
At maplusong sa putikan

Umiling humiling
Na sanay makarating
Kahit walang pamasahe
Parang dati sa kamuning

Kahit na sino ang tanungin
Di ko gawain ang masamang
Tumingin
Di baleng mag isa hindi maaaning
Alam kong ang dala dala koy magaling

Kinabaliwan dati to
Pinabalatan ko nang mga libro

Kung inaakala mo na madali
Madami nakong namali
Di lang ako pwedeng huminto
Sa Ginto

Hero ft. Gloc-9 - Ipakita Mo (Official Audio)


Composed by Airon Paul “Hero” Bayani and Aristotle Pollisco
Arranged by: Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: Airon Paul “Hero” Bayani
Additional instruments by : Gabriel Shaquiro Pascual

Gloc-9 ft. Hero - Pasan (Official Audio)


Composed by Airon Paul “Hero” Bayani and Aristotle Pollisco
Arranged by: Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: Airon Paul “Hero” Bayani

Gloc-9 - Tunay Lyrics

Meron akong gustong itanong
Sagutin ng malakas ayoko ng pabulong
Kung palaliman din lang kunin mo yung malukong
Punuin natin ng mga salitang malutong
Alam kong ang mundo na nilalakaran natin
Ay nababalutan palupitan ng porma na pamatay
Pataasan ng sampay, di nyo kayang pumantay
Gano karaming ginto at singsing na nakalagay
Sayong kamay at leeg malayo mo na madedma
Palaging nakaangkla si Elsa, Lorna at Edna
Nagmamahalang tsikot ang kanilang pinaparada
Di makita sa bintana kapag pinaarangkada
Aha, hanep palakasan ng dating
Lahat na lang ay kalaban sa tuwing nalalasing
Hindi naman manipis mga napakapraning
Bakit di nauubusan ng mga hinanaing
Hindi daw sya makasulat kapag hindi naka-weed
Di naman nakakagulat halos di makatawid
Sa makatuwid kung gusto mo na may masamid
Pag lumakad sa alambre dapat napakatuwid

Oppp, sabi na ganto ako na si cursy
Dapat makatas pataas palagi
Ano mang di mo naabot ay bahagi
Balikan mo na lang pwede pang mapawi

Isang anak na naghahanap ng pera, para sa
Hapagkainan ng pamilya kahit malayo pa
Pansit na nakabalot sa supot kanyang dala-dala
Kahit na hindi sapat ay pagsasaluhan nila
Tapos gigising sa hatinggabi upang timplahan ng
Gatas ang kanyang sukling kahit ilang takal na lang
Bukas tuloy ang kanyang pakikipagsapalaran
Para sa kapakanan hindi magpapalamang
Pero lalaban ng patas dahil ang pinapangarap
Sa kanyang mga anak ay ang kabutihan ng asal
Mabagal man ang pag-usad kulang man ang pantakal
Maaga lagi sa bungad sipag na walang angal

Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to

Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to

Gloc-9 - Tunay (Official Audio)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by: Ron Jefferson “AK BEATS” Perez feat. Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: John Edmel “Gcode” Tabuniar