Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gloc-9 - Tunay Lyrics

Meron akong gustong itanong
Sagutin ng malakas ayoko ng pabulong
Kung palaliman din lang kunin mo yung malukong
Punuin natin ng mga salitang malutong
Alam kong ang mundo na nilalakaran natin
Ay nababalutan palupitan ng porma na pamatay
Pataasan ng sampay, di nyo kayang pumantay
Gano karaming ginto at singsing na nakalagay
Sayong kamay at leeg malayo mo na madedma
Palaging nakaangkla si Elsa, Lorna at Edna
Nagmamahalang tsikot ang kanilang pinaparada
Di makita sa bintana kapag pinaarangkada
Aha, hanep palakasan ng dating
Lahat na lang ay kalaban sa tuwing nalalasing
Hindi naman manipis mga napakapraning
Bakit di nauubusan ng mga hinanaing
Hindi daw sya makasulat kapag hindi naka-weed
Di naman nakakagulat halos di makatawid
Sa makatuwid kung gusto mo na may masamid
Pag lumakad sa alambre dapat napakatuwid

Oppp, sabi na ganto ako na si cursy
Dapat makatas pataas palagi
Ano mang di mo naabot ay bahagi
Balikan mo na lang pwede pang mapawi

Isang anak na naghahanap ng pera, para sa
Hapagkainan ng pamilya kahit malayo pa
Pansit na nakabalot sa supot kanyang dala-dala
Kahit na hindi sapat ay pagsasaluhan nila
Tapos gigising sa hatinggabi upang timplahan ng
Gatas ang kanyang sukling kahit ilang takal na lang
Bukas tuloy ang kanyang pakikipagsapalaran
Para sa kapakanan hindi magpapalamang
Pero lalaban ng patas dahil ang pinapangarap
Sa kanyang mga anak ay ang kabutihan ng asal
Mabagal man ang pag-usad kulang man ang pantakal
Maaga lagi sa bungad sipag na walang angal

Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to

Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to

Gloc-9 - Tunay (Official Audio)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by: Ron Jefferson “AK BEATS” Perez feat. Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: John Edmel “Gcode” Tabuniar

Soulstice - Tunay Lyrics

'Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi 'di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

Malamang wala nang hahanapin
Biglaan na lang naalis yung buhay ko sa alanganin
Simula nung napasa'kin hindi na takot tahakin
Ano mang daan ay walang imposible kahit pa hamakin
Ng kahit sino diyan ako ay laging nasa harapan
Sasamahan kahit sa'n ano man ating mapagtripan
Lagi kong sisimulan na ligawan ka araw-araw
Isang pananaw lang ang meron yun ay kahit kailan
'Di ka pwede na maagaw
Sapagkat matik lagi lang 'tong nakakapit
Nang mahigpit higit sa lahat 'di gagawa ng pangit
Malayo man o malapit talagang nakakaakit
Lalo 'pag nalasap 'yung yakap mo para ba 'kong nasa langit
Dahil sa 'yo nawala yung galit sa mga nakaraan
Ikaw din ang nagturo maging mabait magpakailanman
Walang problema na hindi gumagaan 'pag kasama ka
Kaya para sa 'kin ay 'di ko na kailangan maghanap pa ng iba (yeah)

'Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi 'di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

That's right dito ka lang sa 'kin babe
'Di ko papalungkutin mga ngiti mo
Sa 'yo ko lang 'to naranasan kaya 'la 'kong balak na tigilan
Na ika'y mahalin at alam ko din na ganun ka din sa 'kin yeah
Kung ano 'ko dati lalong iigihan
Nang walang masayang sa 'ting pag-iibigan

Handa 'kong ibigay sa 'yo lahat-lahat
Handa 'kong magtiyaga at papakita ko sa 'yo na ikaw lang
Ang gustong makasama hanggang dulo
Lahat na yata ng nasa 'kin ay 'yong kabisado
Napatunayan ko nung nahuli mo kiliti ko
At dahil sa 'yo nagbago ang ngiti ko

'Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi 'di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

I don't even know about love
But when you came into my life
Oh I understand everything how to be in love
You're my wish from above
Kasi ikaw lang naman ang nakakaintindi sa 'kin
At 'di lang 'yun at lagi ring may baon na halik at yakap mo
Sa tuwing sasalubungin mo
Girl you mah happy happy pill that's just what I feel
At 'yung pinakagusto ko sa 'yo ay chill
Kasi 'pag ganun less drama and no stress
And ang sarap sa feeling I'm so blessed
Tingnan mo kung pa'no natin iningatan ang isa't-isa
Noon pa man walang nagbago ni isa sa 'ting dalawa
Kasi natuto tayo sa nakaraan at ngayon natin ginagawa at kung

'Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi 'di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

Soulstice - Tunay (Official Music Video)


Soulstice - Tunay (Official Music Video)

Directed by: Mhellan Narciso
Creative Director: Warren Tablo
Executive Producer: Peso Mercado
DOP: Kayl Orata
Motion Graphics / VFX: Warren Tablo
Colorist: Cid Bacolod
Videographer: Kayl Orata / Diockyvic Loro
HMUA: Ness Bigornia / Anessa TV

Pao Lofranco - Tunay (High on Life) Official Lyric Video


The official lyric video of Tunay (High on Life) by Pao Lofranco.

Viva Records