Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Righteous One ft. Apekz & Jay Moe - Di Pwede Lyrics

Natural lang paminsan minsan maumay sa buhay
Ang sukatan na lang kung papalamon ka ba sa hukay
Mahusay kung ikaw yung tipong palaging determinado pero
Tao ka lang minsan tumitiklop din kahit yero
Bueno, di mo naman kasalanan mangawi ang mahalaga
Alam mo sa sarili mong di pa tapos ang laban habang merong ibubuga pa
Minsan nakasara kaliwa mong mata subalit di yun kahulugan
Na hindi mo na pwede ipagpatuloy ang bakbakan na nasimulan, walang urungan
Natumba ka na dati anong bago don
Madaming higit na kalaban na nakaharang na tinalo mo non
Maulap lang ang panahon kumukulog man sa ngayon
Di ibig sabihin di pwede na makatugon iisa lang ang pagkakataon
Bihirang umayon ang kapalaran sunggaban mo na
Oo madilim ngayon gaserang hawak silaban mo na
Apoy na walang aapula, sa kaloob looban ng puso ngayon ay hawak hawak ko na

Saan ba to papunta?
Hindi ko alam ang sigurado ay hindi to hanggang dito na lang
Sa dami ng sinugal hindi madali basta hindi pwede na talunan akong umuwe
Nakapusta pati pamato kung masagad man ay walang urungan
Masagad man pinapangako na hindi pwedeng hanggang dito na lang
Dito na lang

Putol ang tulay at walang lilikuan
Berso na hindi alam kung pano sisimulan
Masyado kang tiwala na titigil din ang ulan
Limitasyon na pumipigil nasa isip mo lang
Akala mo lagpas ulo paglusong tuhod at binti
Lang ang inabot ang pinasok ko na buhay ubod ng sidhi
Tumupi lang nung una kasi nga ang kumot maiksi
Pwedeng maubusan ng bala pero ng pulbura hindi
Laging mag-aapoy ang gamit na lampara
Kung di ka pa tatalon wala kang mapapala
Hindi pa to ang pinakamaganda mo na magagawa
Minsan may ngawit din sa pagtingala
Hindi masama kung susubukan mo na maabutan sila ng mata sa mata
Kahit na madapa ko babangon mula sa putikan
Hanggang sa daan ay makabisado
Hindi pwedeng hanggang dito na lang aabante kahit
Parang karo pati pato sinugal lahat pinusta
Gumagawa pa rin ng bago yung inakala mong tapos na

Saan ba to papunta?
Hindi ko alam ang sigurado ay hindi to hanggang dito na lang
Sa dami ng sinugal hindi madali basta hindi pwede na talunan akong umuwe
Nakapusta pati pamato kung masagad man ay walang urungan
Masagad man pinapangako na hindi pwedeng hanggang dito na lang

Saan ba to papunta?
Hindi ko alam ang sigurado ay hindi to hanggang dito na lang
Sa dami ng sinugal hindi madali basta hindi pwede na talunan akong umuwe
Nakapusta pati pamato kung masagad man ay walang urungan
Masagad man pinapangako na hindi pwedeng hanggang dito na lang
Dito na lang

Righteous One ft. Apekz & Jay Moe - Di Pwede (Official Lyric Video)


Produced by: Clinxy Beats & Righteous One
Video Edited By: Mark Jinno
Recorded at the Factory Record