Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Blind Side - D'wata Lyrics

Meron akong kwento sa inyo
Tungkol sa isang babaeng may pusong bato
Sa unang tingin siya’y mukhang anghel
Ngunit ‘pag siya’y iyong inibig puso mo’y durog parang papel

Kaya ika’y mag-ingat na
Bago ka pa mabiktima ng

D’watang may pusong itim
Ba’t ‘di ka tumingin sa salamin
Nang iyong makita ang iyong ugaling
O kay sama, o kay sama, yeah

Ewan ko ba kung bakit ang dami niyang naaakit
Kung alam lang sana nila na paglalaruan lamang sila
Siguro ay meron siyang mahika
Kaya ‘pag siya’y iyong nakita tumakbo ka na

Kaya ika’y mag-ingat na
‘Wag ka nang magpabiktima sa…

D’watang may pusong itim
Ba’t ‘di ka tumingin sa salamin
Nang iyong makita ang iyong ugaling
O kay sama, o kay sama

Subalit sa lahat ng aking sinabi
Meron pa ‘kong ‘di nakukwento sa inyo tungkol sa diwatang
May pusong bato
Dati ay ‘di siya ganyan
Isa siyang mabait na tao at mapagmahal

Ngunit isang araw bigla siyang nagbago
Nawala ang pagkatao
Kaya gabi-gabi ako’y nagdarasal
Umaasa ng milagro mula sa Maykapal
Na balang araw ay babalik
Ang diwatang aking mahal…

Aking mahal…
D’watang aking mahal

D’watang may pusong itim
Ba’t ‘di ka tumingin sa salamin
D’watang aking mahal
Kahit pa ako’y nasasakal
Sa iyong ugaling ‘di ko maisip
Ba’t kay sama, ba’t kay sama
Ba’t kay sama, ba’t kay sama

Blind Side - D'wata (Official Lyric Video)


Official lyric video of "'D'wata" by Blind Side.

Composed and arranged by Riane Foronda
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Sancho Sanchez and Civ Fontanilla
Recorded, mixed and mastered by Joel Mendoza at Viva Recording Studios

Riane Foronda - Guitar/Vocals
Matthew Dooma - Bassist
Wakin Ramos - Drums