Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Migz Haleco - Bes Lyrics

Bes bakit lumuluha?
Ano ba ang nangyari?
Sabihin mo sa’kin at nang masampolan ko ang kanyang mukha
Makinig sa’king payo
‘Di mo siya kailangan
Pero may katanungan
Dito sa aking isipan

‘Pag hindi na kayo
Pwede na ba tayo?
Pero bakit ako napipigilan
Bes sabihin mo, kung hindi na kayo
Andito naman ako
Pero sayang naman ang pagkakaibigan
Pa’no na tayo, bes?
Pa’no na tayo, bes?

Ba’t hindi mo subukan
Mahalin ang kaibigan?
Nang iyong maranasan
Tunay na pagmamahalan
Pero dapat malaman
Takot lang bang maagawan?
Dapat ba kong batukan
Sa aking nais malaman?

‘Pag hindi na kayo
Pwede na ba tayo?
Ang tagal kong naghintay
Para lang malaman ko
Kung hindi na kayo
Andito pa rin ako
Pero pa’no kung ‘di magkatuluyan?
Pa’no na tayo, bes?

‘Pag hindi na kayo
Pwede na ba tayo?
Kay tagal kong naghintay
Para lang malaman ko
At kung ‘di na kayo
Andito pa rin ako
Pero sayang naman ang pagkakaibigan
Bes sabihin mo at kung hindi na kayo
Andito naman ako
Andito naman ako
Andito naman ako

Kung hindi na kayo , woah woah
Andito naman ako
Andito naman ako
Andito naman ako
Pero pa’no na tayo, bes?