Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ang Bandang Shirley - Alam Mo Ba? (Ang Gulo) Lyrics

Kanina pa tayo naglalaro sa aking utak
Paligsahan, palakasan ng hila at tulak
Ngunit parang hindi mo naman ata gustong manalo
Wala na ‘to. Pareho lang tayong malabo

Nais kong malaman mo
Nang walang paalam

Di ko sinasadya
Pero walang kang pakialam
Kahit ilang beses pa
Wala kang matandaan

Ang gulo-gulo
Gusto ko? O ayaw bang ganito kagulo?
Alam mo ba ang nasa isip ko?

Sabi ng mga mata mo’y
di na kailangang sabihin
Tubig para sa apoy
Itigil na ang panalangin

Walang hinto ang mga salita
Inamin ko pero ‘di halata

Tinatago ang sarili
Pero laging nahuhuli

Walang hinto ang mga salita
Inamin ko
Ikaw na ang bahala

Ang Bandang Shirley - Alam Mo Ba? (Ang Gulo) Official Music Video


Directed by: JP Habac
Featuring: Elisse Joson

Special thank you to TBA Studios, Studio Cuento and 52 Blue Projects

Ang Bandang Shirley - Maginhawa Lyrics

mahiyain / ano kaya ang mangyayari sa atin?
nakapagtataka.

corner mahusay 2nd floor /
saan kailan paano ka nakilala before?

ang daming nangyayari/
isang daan

burning bridges, making plans
taking pictures, holding hands
naaalala mo pa ba?
maginhawa

malingap / buwis buhay / parang slow-mo / makulay
3am na tapsilog with feelings

ilang beses kaya ako tatawid /
para ika’y makapiling

ang daming nangyayari/
isang daan

improvising / standing still
heavy lifting / say what will
naaalala mo pa ba?
maginhawa

Ang Bandang Shirley - Siberia Lyrics

May darating na pag-ibig
sa wakas hindi kunwari
o binuo mo lang sa isip
o pinilit ang sarili.

Hindi ito duwag
ika'y kanyang nilapitan
naakit sa usapan
at hindi ka na nakalimutan.

Saglit ang oras
ngunit hindi mahalaga
may taning ang ginawa
pinili ang sarili sumaya

May dumating na pag-ibig
sa malayo nanggaling
distansya ang, kalaban ng,
naglapit na damdamin

Hindi ka malulungkot
walang tunay na nagtatapos
magkikita pang muli
sa ibang pagkakataon.

Saglit ang oras
ngunit hindi mahalaga
may taning ang ginawa
pinili ang sarili...sumaya

Ang Bandang Shirley - Umaapaw Lyrics

Awit, masaya ang mga tenga
Sa aking alaala ito nagsimula
Ilaw, ika’y pinakilala
Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda
Antok at pagod tila naglaho
Pagkagising, panaginip ang dumalaw
Damdamin ko’y umaapaw

Labi, halik na ninanais
Sa dulo ng aking dila salitang matatamis
Yakap, higpit ng mga braso
Sa ‘yong pagkadiin ay dumadaloy ang dugo
Halo-halo sa isipan ko
Init, tinig at tamis sa araw-araw
Damdamin ko’y umaapaw

Handing sabihin at ipakita
‘wag pigili ang pagbugso
Pagkagising, panaginip
‘wag pigilin ang damdamin

Puso, hayaang paganahin
Sa muling pagkikita mayroong dadalhin

Talumpati sa harap ng isang tao
Walang ibang kailangan lahat kabisado
Buo ang loob ko sa iyo
Ganito ako kasigurado
Init, tinig at tamis
Awit, yakap at halik
Ikaw ang tubig na papawi sa ‘king uhaw
Pag-ibig ko’y umaapaw