Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ezro x Alpuerto Sisters - Hanggang Dito Na Lang Lyrics

Naaalala ko pa lahat sa atin
Bigat ng ‘yong damdamin
Pati lamig ng hangin kahit anong aking gawin
Alam ko na ako’y hanggang tingin
Na lang sa’yong litrato
Ang dami ng nagbago

Siguro nga…
Hanggang dito na lang
Dito na lang
Siguro nga…
Hanggang dito na lang
Dito na lang
Dito na lang…

Kamusta na? Ano ang ‘yong ginagawa…
Pwede bang makipagkita wag na lang kaya
Baka hindi ko lang kayanin, awatin
Pilitin ang sarili kalimutan mga nagawa
Mauulit pa kaya? Yung tayong dalawa
Magkasama’t magkahawak ang kamay tanda ko pa
Palagi kang nakangiti harutan mga kiliti
Natin na para bang unti unting nabubura
Sa limot, lahat ng bagay
Mga sulatan natin inubos na ng anay
Mga lambingan natin pagkatapos ng away
Ang lahat ay nag-iba pero hanggang ngayon hindi pa rin nasanay

Naaalala ko pa lahat sa atin
Bigat ng ‘yong damdamin
Pati lamig ng hangin kahit anong aking gawin
Alam ko na ako’y hanggang tingin
Na lang sa’yong litrato
Ang dami ng nagbago

Siguro nga…
Hanggang dito na lang
Dito na lang
Siguro nga…
Hanggang dito na lang
Dito na lang
Dito na lang…

Ang dami nang nangyari at lumipas na taon
Ang dami mong nasabi kaso puro lang tanong
Kapag ako’y yayakap sa iyo ang lagi mong tugon
Ay pag-iwas sakin may kasama pang bulong
Teka sariwa pa sa akin ang mga nangyari
Umiiyak ka ‘non pakiramdam mo di masabi
Gusto kitang yakapin, sabihin mahal kita
Pero hindi na nangyari kasi ako’y naging tanga
Mas pinili kong umiwas palipas ng oras
Humanap pa ng butas at bukas lumikas
Imbes na ang luha mo sa damit ko ay ipunas
Tumalikod at inisip na ito’y wala ng lunas

Hindi mo sinubukan na lumapit
Ako’y naghihintay lamang sa yakap mo at kapit
Kaya ngayong lumipas ang mahabang panahon
Alaala natin ay tuluyan ng naikahon
Habang hawak ang litrato nating dalawa
Tuluyan ng tumulo ang luha saking mata
Alam ko sa sarili na huli na ang lahat
Pagmamahalan natin ay hindi na pwedeng mag-ugat
Siguro nga sa alaala lang kita
Muling makakapiling at muli pang sasaya
Nakakalungkot lang kasi hindi na talaga
Pwede pang maulit ang lahat lahat sa umpisa

Naaalala ko pa lahat sa atin
Bigat ng ‘yong damdamin
Pati lamig ng hangin kahit anong aking gawin
Alam ko na ako’y hanggang tingin
Na lang sa’yong litrato
Ang dami ng nagbago

Siguro nga…
Hanggang dito na lang
Dito na lang
Siguro nga…
Hanggang dito na lang
Dito na lang
Dito na lang…

Siguro nga wala na talaga
Wala na ngang pag-asang makasama pa kita
Dito na lang
Hanggang dito na lang

Ezro x Alpuerto Sisters - Hanggang Dito Na Lang (Official Lyric Video)


Song title: Hanggang Dito Na Lang
Artist: Ezro x Alpuerto sisters
Composer: ezequiel quejano
Beats & music: ezequiel quejano
Mixed & mastered by: ezequiel quejano, robert javier, jaworski garcia

BLACKSHEEP RECORDS MANILA