Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Apekz, Flow G - Fullclip Lyrics

Apekz, Flow G - Fullclip Lyrics

Wala tong dulo kaya bakit di ko sasagarin
Suntok sa buwan
Kaya pati araw sasapakin
Pakiramdam nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin
Asa ka men
Hinding hinding hindi tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na mga balak pero may bala pa rin

Araw araw nangungutang ng tulog puro na puyat
Yung sulat di masukat laging pampudpuran ng utak
Tulak parin ng tulak lalo't ramdam kong umuusad
Ganun talaga siguro pagka pangarap mo lampas ulap
At ayoko masanay na makatikim ng puri
Baka mabusog yung gutom ko jusko ako din ang lugi
Bago pa man nakilala, andami nang gustong masulit
Ngayon namang nakilala na ko ang gusto ko na ay maikukit
Ang pangalan kong dala
Lalo ngayong dito ko dinala
At bago pa matabunan mag marka
Kahit mga bagay na hindi na dapat ginawa ay ginawa kasi pakiramdam ko'y para dito ako ginawa
Kung usapang sipag yung sampu ay sinasampu ko
'Sandaang porsyento lagi para puro
Nung natuto mas tumutok mas natuto sinapuso't sinaulo lahat ng pwede kasi sabi sa kuro-kuro wala tong dulo

Wala tong dulo kaya bakit di ko sasagarin
Suntok sa buwan
Kaya pati araw sasapakin
Pakiramdam nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin
Asa ka men
Hinding hinding hindi tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na mga balak pero may bala pa rin


Magmano ka muna saken bago ka magmagaling
Sa oras na maging bituin hirap ka ng matahin
Laging tinatalo yung tao sa harap ng salamin
Gulong ay makapit kahit malayo na ang narating
Lumusot sa butas ng karayom walang kupas ang tela
Dahil ang makina'y puno ng mga makukulay na letra
Lapis, upuan, lamesa
Naging puhunan sa gera
Kinalabit ko na ang gatilyo
Habang puro ka teka
Nakaabang sa pagkadapa
Asa ka pa para kang tanga
Mga talangkang walang magawa naghahanap ng kasama sa baba
Hindi na kailangan pa na mag abala
Kusa naman na mawawala
Walang makakadama
Tingnan mo bandang huli sila pa yung mga nakakatawa
Palaging puno ang tangke sa napiling daanan
Hindi hahayaan may makinabang sa pinaghirapan
Hindi mapapagod malabong matakot sa laban wala ng atrasan
Lilipad ng matayog kahit na umabot pa hanggang kalawakan

Wala tong dulo kaya bakit di ko sasagarin
Suntok sa buwan
Kaya pati araw sasapakin
Pakiramdam nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin
Asa ka men
Hinding hinding hindi tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na mga balak pero may bala pa rin

Wala tong dulo kaya bakit di ko sasagarin
Suntok sa buwan
Kaya pati araw sasapakin
Pakiramdam nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin
Asa ka men
Hinding hinding hindi tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na mga balak pero may bala pa rin

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment