Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , » ALAMAT - Dayang Lyrics

ALAMAT - Dayang Lyrics

Dayang (Mm-mm)
Dayang (Ooh, woah)
Dayang (Yeah, yeah)
Alamat, handa 'rap

Nauupos na nang madatnan
At para bang naghihintay na lang
Mahanginan
At mawala na nang tuluyan
Nang dahil sa'yong mga kamay
Unti-unti akong nabuhay
Iyong tinakpan
Butas na gawa ng nakaraan

Pa'no ko susuklian
Ang iyong kabutihan
Buong buhay ko
Ilalaan

Sa tangi kong dayang
Kalasahan ta kaw
At pipiliin ka sa bawat araw
Tangi kong dayang

Nagagawa ko nang ngumiti
Ang bukas ay nakikita ko nang muli
Mga binhing itinanim mo sa dilim
Umuusbong unti-unti, nawawala ang pighati


'Di ko hahayaang manaig
Ang takot sa aking isip
Panatag ang puso
Dahil kasama ko

Ang tangi kong dayang
Kalasahan ta kaw
At pipiliin ka sa bawat araw
Tangi kong dayang

Matagal
Matagal ding naging hangal
Kung saan-saan hinanap ang pagmamahal
Pero walang nagtatagal
Inuna ko siya bago sarili
Pero wala ring nangyari
Nagtataka, bakit bigla na lang siyang nawala
Nang walang pasabi?

Nawalan ako ng gana
'Di na naniwala na meron pang pag-asa
Pero kung kailan 'di mo inaakala
May isang darating na magbabalik ng ningning
Sa mundo mong balot na balot ng dilim
Liwanag niya ang magsisilbing
Gabay patungo sa kaniyang bisig at mananatiling

Tangi kong dayang (Tangi kong dayang)
Kalasahan ta kaw (Ooh-ooh, oh, ooh-ooh-ooh, yeah)
At pipiliin ka (Pipiliin ka, pipiliin ka)
Sa bawat araw (Sa bawat, sa bawat, sa bawat araw, woah-woah, woah-oh)
Tangi kong dayang

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment