Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Apekz - AsaKaBwoii Lyrics

Apekz - AsaKaBwoii Lyrics

Di nila inasahan na tatagal ng ganito
Di huminto o nangalay parang mga kamay ng relo
Walang inaasahan nakakapit sa pinanghawakan
Sumaludo parang kapitan para sa isang kapitapitagan
Valenzuela bwo!!! Hell yeah!
Tablado mga peste
Mga tunay lamang ang pwede
Sa circulo walang peke
Sa harap sa likod ng lente
Natural parang amat ko pag nasa ere
Hilahan pataas to syempre
Maraming pumupusta na ako ang matutusta
Pero sino ang naubos ha
Bumuga ng apoy sunog laman ng mga bulsa
Sinalo ang mga kutya
Pero binalik ko sa kanilang mukha
Nilubog, binaon, pumalag at muling umangat na parang isang punla
Araw araw ko lang sinipagan
Naaning saking mga binitawan
Mga nasiraan ng bait
Kasi di matibag nung ako ay siniraan
Di pinanghinaan lalo pang ginaganahan kapag pinipilit nila na tapakan
Iba’t ibang uri ng kasikatan nabilad to kaya ginagalang
May napatunayan di umasa sa tsamba
Sa kruz o kara o bahala na si bathala
O tadhana tyinaga ng batang taga cuadra
Hanggang mahinog ang bunga nakapwesto malabo nang mapahinto pa
Kaya manawa ka sa itsura hanggang sa di mo na masikmura
Parang baliw kapag mag isa musika lang ang nagpapatino
Minsan nakakabanas dahil nga ang tadhana palagi ay palabiro
Pero maraming hinugot na aral, diskarte istilo sa pagkabigo
Ngayon kahit na mismong may ayaw sa akin nakaabang sa mga gagawin ko
Sa gera laging handa nasa aking kamay ang bandana kababa na ang balaclava
Natutunan ko sa kalsada
Yung iba may tira habang yung iba naman meron lang kargada
Nagmistulang tinta yung tingga nung sinalin na sa papel nagbabaga na parang


Ganja. Mapapalubog mo ako? Asa!
Matalo mo ko may tyansa
Pero babalik parang karma
Sipag ko mala mamba
Palaging ganado alam yan ng masa kaya nga ako masagana
Ngayon sinong huling nakatawa haha!
Di ako nagmadali
Kinuha muna respeto bago salapi
Nung nawalan ng pake
Meron pala tayong sariling tama’t mali
At kahit pa lumamig
Handa akong magmasid, magkulong at bumalik
Ng walang patid laging sabik na sa bagong lebel pumanik
Madulas man o matalisod pa
Dahil sa balanse matagal maitumba
Tinanim nagkabunga at naipon na
Ngayon na ang panahon para malikom ahh
Mga bibig ay napatikom
Bumubukas lang pag nakatalikod
Galit sila di na nila mabilog
Lipad ay matayog habang nasa kinton cloud
Nung unang pumasok agad nambulabog
At upang umabot papuntang tugatog
Nahulog bumangon naubos yung takot
Nawalan din kalaunan humakot
Kahit matandain limot ko yung pagod
Piniga yung ulo para mag-ingay parang bao kaya sulit yung kayod
Mulat na at di nangangapa
Hanggang madadala di madadala
Tatatak sa isip ng mga madla
Pamana na nagbunga sa pagkadapa
Nakahanda lagi lang nakakasa
Nakamarka dahil may pagmamahal
Kaya naman kung sa tingin mo di na to magtatagal o mawawala
Asakabwoii!

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment