Ibulong mo sa akin
Panaginip sa paghimbing
Sa gabing madilim
Na ang kumot ang tanging kapiling
Ipakilala mo sa'kin
Mga boses na naririnig
Ipagkatiwala mo sa'kin
Mga tinatagong lihim
Yayakapin at iibigin
'Wag matakot, dumilim man ang paligid
'Di maglalaho ang aking pag-ibig sa’yo
Lumabo man ang mundong ito
Pakinggan mo ang aking himig
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Sumandal sa'king bisig
Iingatan ka sa'yong pag-idlip
Malayo ka na sa panganib (panganib)
Dahil
Yayakapin at iibigin
'Wag matakot, dumilim man ang paligid
'Di maglalaho ang aking pag-ibig sa’yo
Lumabo man ang mundong ito
Pakinggan mo ang aking himig
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Kumapit ka sa'king kamay at tayo'y maglalakbay
Patungo sa matagal nating hinihintay
Lalayo tayo sa lumbay
'Wag matakot, dumilim man ang paligid
'Di maglalaho ang ating pag-ibig
'Wag matakot, dumilim man ang paligid
'Di maglalaho ang aking pag-ibig sa’yo
Lumabo man ang mundong ito
Pakinggan mo ang aking himig
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Alyssa - Yakap Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 4:45:00 PM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment