Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Cup of Joe - Tataya Lyrics

Cup of Joe - Tataya Lyrics

Umaga na sa 'kin ngunit ay
Bituin at buwan pa rin ang 'yong nakikita
Habang pumipikit ka na

Sa bawat pagtawag ang oras tinatabi
At ang puso ay magkalapit
Pero malayo ka pa rin

Kahit ilang dagat man ang pagitan natin
Hangga't ika'y abot-tanaw, ito'y lalakbayin

'Wag ka nang magduda pa
'Di mapagkakaila
Magkaiba man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad
Madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo

Akala ko dati malayong mangyari
Na mawawalan na ng gana
Parang paulit-ulit na


Ano mang humarang sa daan
'Wag mong lilimutin na ako
Ang hanging bumubulong
At ang araw na yumayakap

Sa iyong-iyo lang babalik ang puso kong ito
Kahit magunaw ang lahat 'di pa rin hihinto

'Wag ka nang magduda pa
'Di mapagkakaila
Magkaiba man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad
Madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo

Kahit na malayo
Kahit na 'di kabisado
Kahit na mundo'y magbago
Kahit na, kahit na
Kahit na walang masabi
Kahit na nandito palagi
Kahit na mananatili
Kahit na

'Wag ka nang magduda pa
'Di mapagkakaila
Magkaiba man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad
Madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo
Tataya pa rin sa 'yo

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment