Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » ALLMO$T - Iiyak Nalang Lyrics

ALLMO$T - Iiyak Nalang Lyrics

Oohh...

'Di na gano'n 'pag nakikita kita
Takot na lang tangi kong nadarama
Ngayon sabihin mo nang masaya ka
Sanayin ako na nag-iisa

Gusto ko mang bumalik sa 'yo
Humalik kahit na saglit lang
Kaso natatakot na ako
Na baka balang araw ako ay iwanan mo lang
'Lang magbabago
Palagi kang magtatago
Ako pa rin 'yung talo
Kahit saan mo tingnan
Pero 'di ako galit kahit na
Madalas mo man na gawing tanga
At halata sa 'yong mga matang kapag kasama mo 'ko
'Di ka na masaya
Walang naghihintay
Tapos na tayo bye bye
'Di na rin ako mangungulit

Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa 'kin ang 'yong kamay

Ngayon tayo ay narito
'Di pa rin makapaniwala sa sinabi mo
Balewalain mo na lang at pagtulakan mo
Ano bang pagkukulang ko
Para magawa mo lang na mawalan kaagad ng lambing
Para mahalin mo 'ko
Ako lang pala 'yung may alam na meron kang pagmamahal
Pa'no ba kakayanin 'to sanayin ko ma'y 'di natututo
Ikaw ang gusto kaso lang ang daya naman na nitong mundo


Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa 'kin ang 'yong kamay

Ang dating pagtingin sa'n na ba napunta
Hirap lang din tanggapin balewalain na tayo'y tapos na
Pero ako ba ay minahal mo
'Di ganto ang inasam ko
Sana nga'y tinapat mo na lang para 'di na ganto
Akala ko tayong dalawa tinakda
Sa panibago na hamon lang pala ako inihanda
Kung alam ko lang pinigilan kita bago nawala ang halaga
Kaso nga pinakita mo na ako lang pala mag-isa ang merong napadama

Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa 'kin ang 'yong kamay

Ano ba ang totoo mong rason
Bakit mo 'ko iniwan sayang nga 'yung relasyon
Hanggang ngayon nagtatanong
Ang sarili ko kung ba't gano'n
Ako ay nakatulala, kinapos ang hininga
Laging umiiyak, 'di na makasalita
Nasanay lang kasi ikaw ang tanging medisina
Ngayon wala ka na pakiramdam ko ay nanghihina

Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa 'kin ang 'yong kamay

Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa 'kin ang 'yong kamay

Ooh hoo...
Sana'y 'di mo maramdaman

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment