Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

1096 Gang - Matsalab Lyrics

Kahit na ano mang sakuna (Lahat makakaya)
Kapit lang wag ka mag alala (basta sama-sama)
Kung minsa’y parang madadapa (Parte yun diba)
Kapit lang wag kang magpadala (Oo nga naman)

Kapit lang anumang sakuna ito ay tatawid
Ano mang baliko wag ihinto itutuwid
Kung lumiko wag malito ito’y mahahatid
Pauwi at pabalik pag ibig ang mananig
Sa daming umaakay salamat hindi nangalay
Pag abot nyo ng kamay gintong galaw ang maaalay
Musika ang kaagapay panahon na madilim
Taimtim mong sinubukan tagumpay ikaw salarin
Wag mo lang iindahin tayo din ay darating
Sentro puso mo sa gusto konektatdo sa maging ikaw
Wag ka lang bibitaw sayong natatanaw
Patuloy ka sa byahe ang tagumpay ay ikaw

Marahil dami ngang nabago simula pa lang nung simula
Siguro nga andito na kala wala wala lang
Kala nawawala na sa paggagala (ah)
Dami napapala nakilala’t katuwa
Ilan lang katuwang panahon laging lutang
Naglilibang libang na parang nahihibang
Buti sa pagtapik agad nakabalik
Sa isang kalabit lahat nakapanik
Sagad agad layag hirap ipreno
Kaya eto bweno tapos na bumwelo
Pumapareho kaya kami nakiterno
Liit na bagay makibagay ‘la nang pero pero

Kahit na ano mang sakuna (Lahat makakaya)
Kapit lang wag ka mag alala (basta sama-sama)
Kung minsa’y parang madadapa (Parte yun diba)
Kapit lang wag kang magpadala (Oo nga naman)

Kahit ano mang dami ng suliranin
Di papipigil patitibag damdamin
Nag iisa ang aking grupo sa hangarin
Ngayon sigurado sa likha papalarin
Tagumpay naming ay tagumpay ng mundo
Maharlikang paghubog sa iyo ay bubuo
Wag kang papipigil isulong mo ang totoo
Darating din ang araw huhupa na mga gulo
Masaya akong makitang masaya kayo
Hindi lang labi nakangiti pati mata ko
Pag-asa natin sa kultura muling itayo
1096 sa musika yan ay ang simbulo

Daming pagsubok sinalo mga pasa
Kit sa mundo, tintatamo mga pasa
Tanaw mo sa mata aking mga nadarama
Di na dapat pang sabihin kung alam mong magbasa
Pero di ka nawala noong wala kong magawa
Nagpatangay lamang sa hangin sabay tayong nawala
At lumaban hanggang sa tuluyang makawala
Sa kulungang mapanira nanghihila pababa
Kaya salamat sa pananatili aking kaibigan
Lagi kang nasa tabi di na kailangan pang sabihan
Dating mabisyo bumalik na nga sa wisyo
Di na ko ngayon perwisyo musika kinaadikan

Matagal tagal na din muli nung huling pagkikita
Wala na kong balita, saking mga kababata
Sobrang dami ng nagbago pagtanaw sa salamin
Halos di ko makilala yung sarili ko mamen
Ang bilis ng oras ang bagal ng panahon
Dating nakaposas dati ring nakakahon
Pero sayong pag-alis dadating yung panahon
Na mababago mo lahat ng pagkakamali noon
Mahirap man ano mang mangyari o kahinatnan
Walang dapat katakot manindigan lang
Sa dulo bahaghari ay makakamtan

Kahit na ano mang sakuna (Lahat makakaya)
Kapit lang wag ka mag alala (basta sama-sama)
Kung minsa’y parang madadapa (Parte yun diba)
Kapit lang wag kang magpadala (Oo nga naman)

Kahit na ano mang sakuna (Lahat makakaya)
Kapit lang wag ka mag alala (basta sama-sama)
Kung minsa’y parang madadapa (Parte yun diba)
Kapit lang wag kang magpadala (Oo nga naman)

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment