Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Zild - Apat Lyrics

Zild - Apat Lyrics

Tanggap ko na tayong lahat ay magwawatak
May oras ang tampo, luha, at pagkagalak
Nagsimulang nangangapa nang nakayapak
Magkakasama hinarap ang mga lubak

Huwag matakot magkamali
Lahat ay nagsisisi
Damdamin ang sandali
Namnamin mga saglit

Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit

Parang kahapon lang no'ng tayo'y magkasama
'Di namalayan tayong apat ay tumatanda
Ngunit ngayon tatanggapin na tayo ay magkakaiba
Alaala nga na lang kung sino ang mabaho ang paa

Katotohanan na mapait
Lilingon nang may hapdi

Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit
Walang mga pangalan
Ngayong kasalukuyan
Ito ang kapalaran
Nating magkakapatid

Nakakapagtaka
Nakakapagtaka
Nakakapagtaka
Nakakapagtaka
(Nakakapagtaka) Nakakasawa
(Nakakapagtaka) Nakakasawa na
(Nakakapagtaka) Nakakasawa
(Nakakapagtaka) Nakakasawa na
(Nakakapagtaka) Pigang piga na
(Nakakapagtaka) Pigang piga na ako
(Nakakapagtaka) Dire-diretso
Diretso

Lilipad sa hangin (Nakakapagtaka)
'Di na papawiin (Nakakapagtaka)
Lahat ay iipunin (Nakakapagtaka)
Hanggang sa mailibing (Nakakapagtaka)
Lahat ay may hangganan (Nakakapagtaka)
Sa pagkakaibigan (Nakakapagtaka)
Dapat matutunan (Nakakapagtaka)
May wakas ang sandali (Nakakapagtaka)
Nakaraang ikukubli (Nakakapagtaka)

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment