Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Keiko Necesario - Paos Lyrics

Sana marinig mo
Ang kakaunting tinig kong – paos
Na halos di mo na makilala
Pagod nang magtanong muli
Tungkol sa’ting pag-ibig na naubos
Kinapos na’t pinili mong mawala
Pagod na pagod na ako
Di pa rin ba halata sa iyo?

Na gustong sumigaw pero di na, di na kaya
Gustong magsalita pero di na, di na kaya
Gustong magpaliwanag pero di na, di na kaya
Paano kung wala nang maibigay pa
Papakinggan mo pa ba ang boses kong paos
Na nagsasabing “Mahal Kita”?
Mukhang di na, di nakaya
Mukhang di na, di nakaya
Mukhang di na, di nakaya

Di na ba magbabago
Pag-ibig na unti-unting naglalaho
Iiwan na lang bang parang abo?
Lubos na ubos na ako
Di pa rin ba halata sa iyo?

Na gustong sumigaw pero di na, di na kaya
Gustong magsalita pero di na, di na kaya
Gustong magpaliwanag pero di na, di na kaya
Paano kung wala nang maibigay pa
Papakinggan mo pa ba ang boses kong paos
Na nagsasabing “Mahal Kita”?
Mukhang di na, di nakaya
Mukhang di na, di nakaya
Mukhang di na, di nakaya

Di ko na kayang huminga
Parang di na makapagsalita
Di ko na kayang huminga
Parang di na makapagsalita

Pero gustong humiyaw kahit di na, di na kaya
Gustong ipadama kahit di na, di na kaya
Gustong huwag nang lumuha pero di na, di na kaya
Paano kung wala nang maibigay pa
Papakinggan mo pa ba ang boses kong paos
Na nagsasabing “Mahal Kita”
Na nagsasabing “Huwag mawala”
Na nagsasabing “Ikaw sana”
Ngunit di na, di nakaya
Di nakaya
Di nakaya

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment