Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Raffi Deaño - Munting Tinig Lyrics


Paligid natin dati’y kay linis
At kay sarap pagmasdan ang langit
Sa dagat ay kay linaw ng tubig
Walang basura sa mga paligid

Paano na kaming mga bata
Kung sa mundo’y walang nagpapala
Ang hangin sa usok ay kay dumi
Babalik pa ba ang dati

Ako’y nakikiusap sa bawat isa
Sana ang bukas naming ay bigyan niyo ng pag-asa

Ako ang munting tinig
Ang pakiusap ko sana ay marinig
Ito ang ating daigdig
Ang tanging kailangan tunay na pag-ibig
Huwag hayaang magdilim ang langit

Ba’t sisirain ang kalikasan
Sa’yo’y wala ba ang pagmamahal
Bundok at ilog ay pagyamanin
Ito ay bigay sa satin

Ako’y nakikiusap sa bawat isa
Sana ang bukas naming ay bigyan niyo ng pag-asa

Ako ang munting tinig
Ang pakiusap ko sana ay marinig
Ito ang ating daigdig
Ang tanging kailangan tunay na pag-ibig

Ako ang munting tinig
Ang pakiusap ko sana ay marinig
Ito ang ating daigdig
Ang tanging kailangan tunay na pag-ibig
Huwag nang hayaang magdilim ang langit
Ako ang munting tinig

Munting tinig


If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment