Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gloc-9 - Takdang Aralin Lyrics

Gloc-9 pano ba sumulat (Pano ba)
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat (Mulat)
Gloc-9 yung nakakagulat (Gulat)
At lahat ay gustong umakbay sayong balikat (Gustong umakbay)
Gloc-9 pano ba sumulat (Pano ba)
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat (Mulat)
Gloc-9 yung nakakagulat (Gulat)
At lahat ay gustong umakbay

Kung walang asukal sa kape dapat makale
Kahit na ano pang ingay dyan ok lang kami
Kapag merong makikiraan ay tumatabi
Papel at panulat sa kamay ang aming pambili
Sa tindahan ng buhay lagi naming pambayad
Nagsawa nako sa gulay lalakad lang ng banayad
Buhat-buhat ang karne mga kamay na may lamat
Ang nakaguhit sa palad ay prenong di sumasayad
Mabilis, mabangis, palihis man ang alon
Natuto nang sumagwan sa bangka na walang tapon
Nainis sa panis na diniss mo kahapon
Piliin ang laban at ang papatulan na hamon
Dahil di kailangang patunayan ang sarili
Sa taong ang pinangungusap lang ay gitnang daliri
Ang sayo ay sayo kahit na di ka mapili
Basta handa kang lasahan kahit ang nakakadiri

Gloc-9 pano ba sumulat
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9 yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay sayong balikat

Gloc-9 pano ba sumulat
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9 yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay

Di madali mahirap pinaghirapan ko yun
Buhayin ang kulisap sa kamay na nakakuyom
Intindihin ang sinabi sa tenga nang pabulong
Alam mo kung san liliko kahit hindi ka lumingon
Luwagan mo ang kapit nang hindi ka bumibitaw
Aralin ang sinapit ng mga unang gumalaw
Huwag mong ihain ang kanin kung ang sinaing ay hilaw
Lalo na kung alam mo ang nagluto ay ikaw
Ang gusto kong sabihin ay napaka simple lang
Di mo dapat pinapakinggan ang imposible yan
Kapag meron kang naipon at alam mo kung ilan
Pumunta ka sa palengke sabihin mo pagbilan
Basta manahimik ka lang pag di ka kinakausap
Inuupuan ang silya hindi ito binubuhat
Mag suot ka ng relo iwasang maging makunat
Pag hindi ka dumating sa oras yan ang mauulat

Gloc-9 pano ba sumulat
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9 yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay sayong balikat

Gloc-9 pano ba sumulat
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9 yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay

O pano tapos na ko
Kayo naman

Gloc-9 pano ba sumulat
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9 yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay sayong balikat

Gloc-9 pano ba sumulat
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9 yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay

Mag tanim ay di biro pwede kang matibo
Pag lusong mo sa putik kailangan kang maligo
Ano mang iyong piliin dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin

Mag tanim ay di biro pwede kang matibo
Pag lusong mo sa putik kailangan kang maligo
Ano mang iyong piliin dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment