Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Belle - Una Sa Lahat Lyrics

Walang oras na hindi ka naiisip
Walang gabi na wala ka sa panaginip
Parang kating hindi maalis ng kamot
Parang sakit na wala atang gamot

Pabalik-balik ka rito sa isip ko
Kahit matagal mo nang limot ako

Mahirap limutin ang una sa lahat
Ang una mong minahal
Ang dinarasal-dasal

Kaya mong limutin
Ang mga sumunod pa
Pero nakapako sa alaala
Ang pinakauna

Mahirap limutin ang una sa lahat
Kay hirap limutin ang una sa lahat

Matagpuan man ang tunay na iibigin
Ang unang minahal sumisingit pa rin
Sa isip ko’y hindi malilimutan

Mahirap limutin ang una sa lahat
Ang una mong minahal
Ang dinarasal-dasal

Kaya mong limutin
Ang mga sumunod pa
Pero nakapako sa alaala
Ang pinakauna

Mahirap limutin ang una sa lahat
Oh, ang hirap limutin ang una sa lahat
Imposible limutin ang una sa lahat
Mahirap limutin ang una sa lahat

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment