Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

FRANCE - Isang Beses Lyrics

Nagsasayaw sa ilalim ng buwan
Ikaw ang dahan-dahang hagkan
Kada musika’y paglapit n gating puso
Isang beses pa muli mong ituro

Sabay sa hangin ang ating galaw
Hawak ko’y pangako na walang bibitaw
Isang beses pa’t lumapit ka, isang beses ay kumapit ka
Sa huling beses na isasayaw kita

Kumapit ka’t sumunod sa kumpas ng aking musika
Pumikit at lahat ay ibaling sa boses ko sinta
Sandali pa’t humagkan sa akin
Isang beses pa bago tayo tangayin ng hangin
Ng hangin…

Aking puso’y iyong damhin
Pagmamahal ko’y iyong dalhin
Kahit ika’y wala na ako’y naghihintay
Ng isang beses pang muli kang matanaw

Kumapit ka’t sumunod sa kumpas ng aking musika
Pumikit at lahat ay ibaling sa boses ko sinta
Sandali pa’t humagkan sa akin
Isang beses pa bago tayo
Kumapit ka’t sumunod sa kumpas ng aking musika
Pumikit at lahat ay ibaling sa boses ko sinta
Sandali pa’t humagkan sa akin
Isang beses pa bago tayo tangayin ng hangin
Ng hangin…

Nagsasayaw sa ilalim ng buwan
Ikaw ang dahan-dahang

Iniwan

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment