Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sassa - Pasensya Ka Na Lyrics

Ang panaho’y nakikisama sa aking nadarama
Bawat patak ng ulan, mula sa ulap
Sabay sa pagtulo ng aking luha

Ano ang nagawa, at ikaw ay nawala
Hooo nakapagtataka, damdamin mo ay nag-iba
Wala na bang pag-asa pa, isipin mo’y magbago pa
O may nadarama pa ba o sadyang wala na nga kaya

Pasensya ka na kung ‘di pa rin tugma
Mga kilos ko’t galaw
Pasensya ka na kung di pa rin akma
Dapat at tama
Pasensya ka na lang
Pasensya ka na
Pasensya ka na

Mayro’ng mga bagay-bagay na
Madalas pinag-aawayan pa
Bat di pa rin maiwasan ang mga tukso sa aking isip
Sigaw ng mga puso
Dinig hanggang doon sa dulo ng mundo
Sadya na kay gulo
Oooh! Ako’y litong-lito

Ano ang nagawa, at ikaw ay nawala
Hooo nakapagtataka, damdamin mo ay nag-iba
Wala na bang pag-asa pa, isipin mo’y magbago pa
O may nadarama pa ba o sadyang wala na nga kaya

Pasensya ka na kung ‘di pa rin tugma
Mga kilos ko’t galaw
Pasensya ka na kung di pa rin akma
Dapat at tama
Pasensya ka na lang
Pasensya ka na

Sadya ngang kay sakit
At biglang humagupit
Ang pag-ibig mong walang lakas
Subalit kay lupit
Hahayaan mo na lamang ba
Na lumuha nang nag-iisa
Ang pusong umibig sa’yo ng tapat

Ayoko nang isipin pa
Pasensya ka na
Kung di pa rin tugma
Kung di pa rin akma
Pasensya ka na lang
Pasensya ka na
Pasensya ka na
Pasensya ka na

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment