Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Join The Club - Mas Miserable Lyrics

Biglang gumitna sa patlang ng isipan
Mga salitang ayaw maunawaan
Bawat paglisan sadyang miserableng limutin kita
Saan hahantong aking nararanasan
Ayokong sabihing 'di ka kailangan
Sabik na maisip kung bakit malimit akong masaktan

Hindi rin naman ako magtatagal
Ang hangad ko lamang ay makita ka
Kahit sandali alam ko na
Na wala na ring ibang magagawa
'Tangka mang lumapit bakit pa?

Ninais ko sanang sundan ka man lamang
At kahit saglit sa'yo ay magpaalam
Ngunit kaya bang humarap nang mayron' kang kasamang iba?
Siguro nga dapat ka nang kalimutan
Bakas ng kahapon mo ay talikuran
Hanggang ang damdamin maglaho at kusang muling magmahal

Lasapin ang huling sandali ng alaala mo
Ang dating sa akin ngayon may iba nang nagmamay-ari
Lasapin ang huling sandali
Lasapin ang huling sandali

Hindi rin naman ako magtatagal
Ang hangad ko lamang ay makita ka
Kahit sandali alam ko na
Na wala na ring ibang magagawa
'Tangka mang lumapit
'Tangka mang lumapit
'Tangka mang lumapit bakit pa?

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment