Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Delaney - Hiling Lyrics

Delaney - Hiling Lyrics

Hindi mo ba naririnig?
Hindi ka ba nakikinig?
Pumapatak, umuulan
Kumakatok, sinusundan
Hindi sapat, nagkulang ba?
Sa piling ko’y wala ka na

Isang sulyap sayo’y napapawi ang lungkot
Sa ingay ng tibok, tumatahimik ang gulo

Hindi ko hahayaang mawala ang kilig
Kahit aminin mo pa sa akin
Magbibingi-bingihan nalang na parang walang naririnig
Ako’y nasanay nang lumaban ng mag-isa
Kahit ano pa ang sabihin ay ikaw lang ang hiling

Kinukurot, baka sakaling magising
Kumikirot, nagdurugo sa pagkahumaling
Susubukan nang kumawala sa iyong mga kadena
Nang malaman na may iba ka ng mundong ginagalawan

Kung maibabalik ko lang
Sana’y iyong dinggin ang pusong humihiling
Kung maibabalik ko lang sa una
Hangad ang iyong ngiti, kaya't ika’y papalayain

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment