Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Bita and the Botflies - Manghuhula Lyrics

Napapanisan ka na ba ng laway?
Sa mga banat ko’y ‘di ka makasabay
‘Di ka na rin ba mapakali
Sa likot ng utak mong nangangati

‘Di ako gagalaw kung ‘di ka kikibo
Hindi ko isisigaw kung ‘di mo ibubulong
‘Di naman ako manghuhula

Sinasaniban ka na ba ng gigil?
Bakit ang lagkit ng titig mong namimisil?
Laging may hawak na alak
Sa dami mong nilagok, wala pa rin tayong balak

‘Di ako gagalaw kung ‘di ka kikibo
Hindi ko isisigaw kung ‘di mo ibubulong
‘Di naman ako manghuhula

Lagi na lang bang matatakot sa kung anong kasasangkutan?
Lalong naduduwag habang numinipis ang espasyo sa pagitan
Malay mo naman makaramdam ka ng hindi mo pa nararamdaman
Kung tingin mo’y manhid ka na’t nakita mo nang lahat ng dapat mong makita

Malay mo naman makaramdam ka ng hindi mo pa nararamdaman
Kung tingin mo’y manhid ka na’t nakita mo nang lahat ng dapat mong makita
Hindi ako bibigay kung ‘di ka madudulas
Hindi ako sasayaw kung ‘di ka mangunguna
Hindi ko ibibigay kung ‘di ka kikibo
Hindi ako sisigaw kung ‘di mo ibubulong
‘Di naman ako manghuhula

‘Wag na tayong maglokohan
Nagpapatayan na ng ilaw
Tayo na lang ang naiwan
‘Wag na tayong magbolahan
Nagpapatayan na ng ilaw
Ako na ngang mauuna

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment