Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Banda ni Kleggy - Mandirigma ng Pag-ibig Lyrics

Natambakan man ng basura ang paligid mo
Di ko kayang hakutin yan
Wag lang mabalitaan na ang puso mo'y naputikan
Dahil kaya kong linisin yan

Natrapik ka pauwi ng Marikina
Di ko alam ang shortcut diyan
Pero kung nagkabuhol-buhol ka sa pag-ibig mo
Ako ang bahala diyan

Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Tagapagtanggol ng mga pusong sawi
Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Gagamutin ko ang masakit mong dibdib

Nanakawan daw ang kapitbahay mo
Pulis nang bahala diyan
Maliban na lang kung pag-ibig mo ang nanakaw
Kaya kong isauli yan

Nasusunog daw ang planta ng yelo
Di ko kayang maging bombero
Pero kung napaso ang iyong pag-ibig
Kaya kong hilumin yan

Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Tagapagtanggol ng mga pusong sawi
Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Gagamutin ko ang masakit mong dibdib

Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Tagapagligtas ng pusong naaapi
Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Tatanggalin ko ang bakas na mapait

Nahuli ka ng pulis dahil kumaliwa ka
Di ko kayang aregluhin yan
Pero kung nangaliwa ka sa misis mong maganda
Handa na ang pampiyansa mo sapagkat

Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Tagapagtanggol ng mga pusong sawi
Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Gagamutin ko ang masakit mong dibdib

Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Tagapagligtas ng pusong naaapi
Ako ang mandirigma ng pag-ibig
Tatanggalin ko
Gagamutin ko
Tatanggalin ko ang bakas na mapait
Ang bakas na mapait
Ang bakas na mapait

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment