Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Katrina Velarde - Kung Naging Tayong Dalawa Lyrics

Ano nga bang meron ka
Bakit ba kailangan pa
Ang landas natin at magkatagpo
Ako’y nasa tahimik na masaya sa piling niya
Ngunit nang dumating ka’y puso’y nagulo

‘Di inakalang, ikaw pala ang hanap ng puso kong ligaw
Ngunit kailangang piliin ang tama’t dapat
Na ‘kong bumitaw sa’yo
Ngunit tanong ng puso'y paano

Kung naging tayong dalawa
Nakamit kaya’ng minimithing saya
Sakali mang naging tayong dalawa
Kung umayon lang ang pagdating sa buhay ko’y baka naging
Tayong dalawa, kung naging tayong dalawa,
Tayong dalawa, kung naging tayong dalawa,
Pa’no nga ba kung naging tayong dalawa

Mahal kita kahit na alam kong kasalanan na
Isipin na parang tayo ang ‘tinakda
Ang lambing ng tinig mo at init ng bisig mo
Ang asam asam t’wing kayakap ko sya

‘Di inakalang, ikaw pala ang hanap ng puso kong ligaw
Ngunit kailangang piliin ang tama’t dapat
Na ‘kong bumitaw sa’yo
Ngunit tanong ng puso'y paano

Kung naging tayong dalawa
Nakamit kaya’ng minimithing saya
Sakali mang naging tayong dalawa
Kung umayon lang ang pagdating sa buhay ko’y baka naging
Tayong dalawa, kung naging tayong dalawa,
Tayong dalawa, kung naging tayong dalawa,
Pa’no nga ba kung naging tayong dalawa

Kung pwede lang sanang
Kathain muli ang nobela
Isusulat ko ang eksena
Kung saan malaya nang

Maging tayong dalawa
Nakamit na ngang minimithing saya ‘pagkat doo’y
Naging tayong dalawa
Ngunit hanggang ngayo’y hiling na lang na sana ay maging
Tayong dalawa o maging tayong dalawa
Tayong dalawa o maging tayong dalawa
Tayong dalawa o maging tayong dalawa
Pa’no nga ba kung maging tayong dalawa

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment