Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Kilos - Darating/Aalis Lyrics

Kilos - Darating/Aalis Lyrics

Ang lahat nama’y nagbabago
Nagsasabay, sumasayaw
Sa indak ng tadhana’t panahon
Sa bawat salitang nandito
Sana’y malaman mo lahat ay nasa’yo

Parang sinulat ko sa hangin
Ang tanong ko at dalangin
Kung hindi ka para sakin ay
Bakit ‘di mo sabihin

Darating at aalis
Sana’y pag-ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako
Sa mundong ‘to na ginusto mo
Patawarin mo sana
Kung iiwan ka na sa ala-ala

May mga araw parang walang nagbago
Ramdam ko na lang ang pagtulak mo palayo
Sa bawat salitang ‘di nabanggit
Unti-unting bumabalik at muling uulit

Tinangay na nga ng hangin
Ang tanong ko at dalangin
Kung hindi ka para sakin ay
Bakit ‘di mo sabihin

Darating at aalis
Sana’y pag-ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako
Sa mundong ‘to na ginusto mo
Patawarin mo sana
Kung iiwan ka na sa ala-ala
Sa ala-ala

Darating at aalis
Sana’y pag-ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako
Sa mundong ‘to na ginuhit mo
Patawarin mo sana
Kung iiwan ka na sa ala-ala
Sa ala-ala

Bakit ‘di ba pwede tayong tumandang
Magkasama
Magkasama…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment