Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Earl Generao - Katabi Lyrics

‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
Kaya iwasan mo nang manghusga

Teka muna, teka lang, sandali
Teka muna wag ka namang mag madali
‘Di naman lahat ng bagay at pangyayari
ay kailangan ng iyong opinion at masasabi

Teka muna bago buksan ang bibig
Tumahimik muna maupo, makinig
Di naman lahat ng pumapasok sa
isipan ay ang pinakamataas na katotohanan

‘Di naman kailangan nang buong mundong
malaman ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran
At hindi naman kailangan na lahat ay makikinig
Sa sasabihin

Ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan
Ang pinag daraanan ng makasalanan mong kapwa
Tulad mo

‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
Kaya iwasan mo nang manghusga

Pag may nakitang basurero
sasabihin ng nanay, tatay mo
Anak, mag aral kang mabuti upang dika matulad sa kanila
Alam niyo ba kung ‘bat siya nag resulba
sa pag babasura
Dahil kung hindi mo naman alam ay huwag ka ngang ganyan

Lahat ng tao may kaniya-kaniyang konstekto
na malalaman mo lang kung galing sakanya mismo
Kaya huwag kang makinig
sa sabisabi ng iba

Kung ako sayo mas pipiliin ko ng tumingin
sa kabutihan ng mundo
Bago kopa pansinin ang mali
ng aking katabi

‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
Kaya iwasan mo nang manghusga

Bago pa man ako matapos dito sa aking sinusulat
Ang aking tanging hiling ay lahat tayo ay mamulat
Susunod na may makitang ‘di minimithi
Dina mangungunang manuro ng daliri

Ayoko rin maman nung tipong nag mamarunong
Gusto ko lamang tumingin ka sa sarili't mag tanong
Tama bang pumulot ng bato't batuhin
Mga taong nagkakasala lamang din

‘Di naman kailangan nang buong mundong
malaman ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran
At hindi naman kailangan na lahat ay makikinig
Sa sasabihin
Ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan
ang pinag daraanan ng makasalanan mong kapwa
Tulad mo

‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
Kaya iwasan mo nang manghusga

‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinag daraanan ng iyong katabi
‘Di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
Kaya iwasan mo nang manghusga

Iwasan niyo na ang mang husga.

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment