Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , » Michael Angelo Aplacador - Oka (Interpreted by Thyro Alfaro featuring Aikee) Lyrics

Michael Angelo Aplacador - Oka (Interpreted by Thyro Alfaro featuring Aikee) Lyrics

Ako na yata ang
Pinakaswerteng nilalang sa ibabaw ng
Mundo nating kumikunang
Sobrang kinang, kumikislap ang

Bawat pangarap sa’yo ko nahanap
Nang aking mayakap ang tulad mo
Oh oo ikaw, tanging ikaw ang naligaw
Sa puso ko na, na, na, hindi bumitaw
At lumitaw ang tunay na ikaw

Nakakabigla, ako’y nangamba
Ang dating ikaw biglang nag-iba dahil

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Laging ako laging ako
Ang nakikita mo
Ako laging ako
Ang nasisisi mo
Ako laging ako
Laging ako ako ako

Ako ang nagsilbing tagapagmana ng poot
Laging yamot kang sasalubong na lukot
Ang ‘yong mukha na para bang
Pinaglihi ka sa sama ng loob
Wala akong ginawa pero laging lagot uh
Hinusgahan mo agad ako
Sa ‘di ko ginawa kaya hindi na ako magtataka na baka
Ang mga sakuna lindol at pagbaha
Pati traffic sa EDSA isisi mo dahil

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Ako ba ang mali ako ba ang sanhi
Ng mga kamalasan at pagkasawi
Sa mga minithi hindi nagwagi
Ako ang nasisi sa pagkagapi
Bihirang ngiti sa’kin ikinubli
Inabot ko lahat pati na ang sukli
Ako’y nagtanggi, puso’y naapi
Bumangon muli ay hindi madali

Lumakad humakbang papalapit sayo
Subalit ikaw ang nagtulak sa’kin palayo sa’yo
Napagod nasaktan takot nang harapin
Kapag ako’y naglaho ‘wag mo na akong hanapin dahil

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Ako ako ako ang madalas na nakikita ng mga mata mo
Kaya kakaba-kaba katakataka bakit ganito ang natamo
Ang gumimbal sa pagkahimbing at matagal ko nang kinimkim
Gabi-gabing napapailing hindi ito ang aking hiling
Kaya tuluyan natunaw nalusaw ang tingkad
Gumunaw ang aking mundo sa pagbaliktad dahil
Sa bawat daanan ng pag-uusapan sa tagal ng ating pagmamahalan
O kahit ano ang mga kaganapan palaging ako ang may kasalanan

Laging ako laging ako
Ang nakikita mo
Ako laging ako
Ang nasisisi mo
Ako laging ako
Laging ako ako ako
Bakit ba laging ako?

Laging ako laging ako
Ang nakikita mo
Ako laging ako
Ang nasisisi mo
Ako laging ako
Laging ako ako ako

Sabay tanong ng bakit

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment