Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Aikee X Omar Baliw - Lipad (Music Video)


Aikee X Omar Baliw - Lipad

Aikee - Boo Lyrics

Dos mil nueve tandang tanda ko pa
Pinagtagpo tayong dalawa
Ikaw at ako mata sa mata
Walang kaba at di na nagbaka
Sakali pa na lapitan ka
Kunin ang kamay kapitan nang
Mahigpit, mukhang langit na ang nag-adya
Hindi pilit dalawang pusong pinaglapit ng sadya
Ngunit ang kalagayan ko ay hamak at
Alam mong maaari ka sakin na mapahamak
Dahil ako’y kapos di pa nagtapos
Pinanghawakan mong lubos pag-ibig na taos

Halos di ko sukat akalain
Sa dami ng bangin nahulog ka pa sakin
Pabigat lamang ako sa iyong mga pasanin
Bukang bibig mo ng palaging kakayanin natin
Ang lahat basta’t kasama ka
Sa iyo napatunayan na

Ikaw na lang ang kulang na sangkap
Sa nilulutong kinabukasan, ng maranasan
Ang pag-ibig ayaw ng wakasan
O kay hirap magpanggap kapag nahulog na ng lubusan
Puspusang inibig at pinusuan ko

Ang aking taktika parang may mahika
Nakakagulat ng lubusang mapasakin ka
Ikaw ang sumalo nung nadapa ako
Ikaw ang lunas sa mga sugat na natamo
Nagsilbing kamao sa lahat ng laban
Sa bawat kaganapan ikaw ang kasangkapan
Nung halos sumuko muntik tumumba
Salamat sa Diyos dahil andoon ka

Upang ipadama ang pag-ibig na
Kakaiba na hindi magigiba
Ikaw at ako meron o wala
Kahit may ligalig sa paligid nating dalawa
Di di di di mo tinitigan
A a ang aking kalagayan
Bagamat maraming kapintasan
Minahal mo ng lubusan at hindi ka nanghinayang
Sa lahat basta’t kasama ka
Sa iyo napatunayan na

Ikaw na lang ang kulang na sangkap
Sa nilulutong kinabukasan, ng maranasan
Ang pag-ibig ayaw ng wakasan
O kay hirap magpanggap kapag nahulog na ng lubusan
Puspusang inibig at pinusuan

Bumabagyo, bumabaha ang bugso ng damdamin
Bumukas, bumungad na ang bagong buhay sa atin
Kung burahin o buwagin hindi na kayang pigilin
Buhat noon hanggang ngayon araw araw kitang pipiliin

Ikaw na lang ikaw na lang
Ikaw na lang ikaw na lang

Oh ikaw na lang ang kulang na sangkap
Sa nilulutong kinabukasan, ng maranasan
Ang pag-ibig ayaw ng wakasan
O kay hirap magpanggap kapag nahulog na ng lubusan
Puspusang inibig at pinusuan

Ikaw na lang ang kulang na sangkap
Sa nilulutong kinabukasan, ng maranasan
Ang pag-ibig ayaw ng wakasan
O kay hirap magpanggap kapag nahulog na ng lubusan
Puspusang inibig at pinusuan

Ikaw na lang ang kulang na sangkap
Sa nilulutong kinabukasan, ng maranasan
Ang pag-ibig ayaw ng wakasan

Aikee - Boo (Music Video)


"BOO"
performed by Aikee
Music and Lyrics by Aikee
Back-up Vocals by Yumi Lacsamana

Produced, arranged, recorded, and mixed
by Marlon Barnuevo
at GString Studio, Quezon City, Philippines

Video: MR Designs
Edited by: Romeo Bolos Jr.

Chloe Redondo, Aikee - Mapa (Music Video)


Mapa by Aikee | Interpreted by Chloe Redondo, Aikee | PhilPop 2020

Warner Music Philippines

Chloe Redondo, Aikee - Mapa Lyrics

Siyam na buwan sa sinapupunan
Dugo, luha at pawis ang naging puhunan
Pinag-ukulan ng tiyaga at pagpapagal
Ang tanging pinagkukunan ng lakas ay pagmamahal

Sa lahat ng sandali
Kailanma’y di iniisip ang kanilang sarili
Mapamalagi lamang at mapanatili
Na araw gabi kumakandili hanggang sa paglaki at kahit

San makarating
Ang bilin nyo ang dadalhin
Laging lilingunin
Mga payo nyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo
Mapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso
Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa 3x
Mapa 3x

Mapatawad nyo po sana
Ang inyong anak na madalas nagkakasala
Pagpasensyahan nyo na kung minsan di ko alintana
Ang mga kamalian ko na hindi ko maitama
Mga salita na pabalibag at padabog
Ngunit kayo ni ayaw nyo kong padapuan sa lamok
Iningatang huwag mahulog sa papag ng hindi mabagok
Nilunok ko ang pangaral hanggang sa huling lagok
Na palaging baunin ang pagiging mabuti
Walang batang napahamak na sumunod at nalugi
Kayo ang humalili upang mapanatili
Ang tatag ng tahanan dahil sa ilaw at haligi
Walang ibang hangad kundi ang mapabuti
Maiayos, mapag-aral, mapatapos at mapangiti
Mapasaya, mapaganda ang buhay sa hinaharap
Dala-dala ang paalala san man mapadpad na kahit

San makarating
Ang bilin nyo ang dadalhin
Laging lilingunin
Mga payo nyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo
Mapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso
Di ako maliligaw dahil

Kayo ang lumalarawan sa patag kong mundo
Hilaga, Silangan, Timog at Kanluran
Ng aking puso kayo ang bumuo
Hinarap, pinasan ang bigat binigay ang buong lakas
Upang mapangalagaan at mapatunayan
Dalisay na pag-ibig sa anak hanggang sa wakas kahit

San makarating
Ang bilin nyo ang dadalhin
Laging lilingunin
Mga payo nyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo
Mapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso

San makarating
Ang bilin nyo ang dadalhin
Laging lilingunin
Mga payo nyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo
Mapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso
Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa mapa mapa nandiyan kayo
Mapa mapa mapa

Mapadpad man sa malayo
Mapapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso
Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Chloe Redondo, Aikee - Mapa (Lyric Video)


PhilPop Musicfest Foundation presents:

Mapa
Written and composed by Aikee

Performed by Chloe Redondo , Aikee


Vocals : Chloe Redondo , Aikee
All instruments arranged, performed and recorded by Brian Lotho
All vocals recorded by Brian Lotho at Sonic State Audio
Mixed by Chrisanthony Vinzons
Produced by Brian Lotho
Publisher - PhilPop Musicfest Foundation, Inc.

Sub publisher - Warner Music Philippines

Lyric Video created and edited by Nicolai Maverick.

Special thanks to Warner Music Philippines , the official partner label of the PhilPop 2020 Songwriting Festival.

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline Lyrics

Hindi biro ang trabahong malagay sa alanganin
Trabaho na isugal ang buhay sa ngalan naming
Nangangamba kami maging sila maging ako
Dahil katulad ng lahat, may pamilya rin kayo
Puyat at gutom ang lagi niyong kasama
Mapagaling nyo lang yung pasyente na nakaratay don sa kama
Para kumita ng pera kahit papano magkaron
Laging overtime tapos takbo rito takbo ron
Pag may problema o kalamidad lagi kayong nandyan
Kayo ang unang umaakay sa mga nasasaktan
Kahit ang buhay minsan ay sadyang mapait
Kayo ang superhero ng mga nagkakasakit
Salamat po sa pagtuloy niyo na kabayanihan
Gabayan nawa kayo ng Diyos na makapangyarihan
Gusto ko lang malaman niyo kaya kami nag-collaborate
Marami po kami na nakaka-appreciate

Tunay na kahanga-hanga ang pinamalas niyong katapatan
Kahit merong haka-haka buong puso ang katapangan
Bawat laban katatagan ang pinagkukunan
Determinasyon at dedikasyon ang nagsilbing puhunan
Para sa bayan handang makipagsabayan
Saludo po ako maging ang mga kababayan
Sa kabi-kabilang banta na meron sating bansa
Di nyo po alintana ang panganib na dala
Nakahanda kayong itanggi ang sarili
Mas pinili sa kalsada’t ospital na manatili
Nakangiti habang matindi ang sinasagupa
Kayo ang makabagong bayani dito sa lupa
Alam namin ang inyong lagay ay alanganin
Kaya laging laman kayo ng aming panalangin
Nakabaling ang tingin naming sa taas
Ang suliranin ito sa tulong nyo ay magwawakas salamat

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Habang ang lahat ay balot ng takot at kaba ang kanilang damdamin
Heto sila kung nasan ang peligro at ang lagay na pinaka-alanganin
Ang panalangin ay ang malagpasan ang hamon ng ligtas
Muling makapiling ang pamilya na iniwanan para sa Pinas
Sila yung mga nasa hanay na kung saan buhay nila ang syang nakataya
Batid man nila ang panganib na pwedeng masapit ay di sila nagpabaya
Nakikipaghatakan kay kamatayan sa lubid ng buhay ng mga pasyente
Kahit sila ay pwedeng makalawit ng mahabang karit na hugis pa syete
Dama ng gutom at pagod ay di makuha na magpahinga
Ang tanging lakas na pinagkukunan ay ang larawan ng pamilya nila
Na nakaabang sa muling pag-uwi makayakap makasama nilang muli
Habang ang iba naman ay di pinalad na napasama sa mga nasawi
Salamat ng marami sa lahat ng inyong mga sakripisyo
Walang salapi na pwedeng itumbas sa inyong binigay na serbisyo
Para sa bawat Pilipino ito ang aming pagpupugay
Sa mga nasa unang hanay na handang itaya ang buhay para samin

Di ko alam kung makakaya ko bang tumbasan
Ng awit ang yong dalang malasakit na kung saan
Ka man mapadpad na merong gantong sitwasyong pangit
Sayo kami kumakapit salamat sa di mo pagsuko kahit
Dumadami na ang lista akalaing parang mitsa
Puro takot kaya hakot ng hakot paubos na ang tinda
Pero sa halip na magpahinga ikaw pa nasa gitna
Pinipilit mo kaming sagipin kahit di mo alam kung masasagip ka
Tulad naming ay tao ka rin pero alam mo ang dapat gawin
Pag alanganin at madilim ikaw ang gabay sating lalakbayin
At tatawirin lalagpasan kapit kamay ang mga palaban
Sa mga panahon na may ganito lagi kayo ang nasa harapan
Buti na lang merong katulad niyo na pag ganito na merong sakuna
Kahit na minsan maraming puna lagi pa rin kayong nauuna
Para tumulong mabahiran ka man ng dugo na pula
Di ka papayag na bandera ng pinoy matumba

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline (Official Lyric Video)


Repablikan Records Syndicate Productions (Mandaluyong)
Repablikan Records Pasig (Pasig)
Sicktunes Music (Valenzuela)
Dello Records (Cavite)

Michael Angelo Aplacador - Oka (Interpreted by Thyro Alfaro featuring Aikee) Lyrics

Ako na yata ang
Pinakaswerteng nilalang sa ibabaw ng
Mundo nating kumikunang
Sobrang kinang, kumikislap ang

Bawat pangarap sa’yo ko nahanap
Nang aking mayakap ang tulad mo
Oh oo ikaw, tanging ikaw ang naligaw
Sa puso ko na, na, na, hindi bumitaw
At lumitaw ang tunay na ikaw

Nakakabigla, ako’y nangamba
Ang dating ikaw biglang nag-iba dahil

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Laging ako laging ako
Ang nakikita mo
Ako laging ako
Ang nasisisi mo
Ako laging ako
Laging ako ako ako

Ako ang nagsilbing tagapagmana ng poot
Laging yamot kang sasalubong na lukot
Ang ‘yong mukha na para bang
Pinaglihi ka sa sama ng loob
Wala akong ginawa pero laging lagot uh
Hinusgahan mo agad ako
Sa ‘di ko ginawa kaya hindi na ako magtataka na baka
Ang mga sakuna lindol at pagbaha
Pati traffic sa EDSA isisi mo dahil

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Ako ba ang mali ako ba ang sanhi
Ng mga kamalasan at pagkasawi
Sa mga minithi hindi nagwagi
Ako ang nasisi sa pagkagapi
Bihirang ngiti sa’kin ikinubli
Inabot ko lahat pati na ang sukli
Ako’y nagtanggi, puso’y naapi
Bumangon muli ay hindi madali

Lumakad humakbang papalapit sayo
Subalit ikaw ang nagtulak sa’kin palayo sa’yo
Napagod nasaktan takot nang harapin
Kapag ako’y naglaho ‘wag mo na akong hanapin dahil

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit

Ako ako ako ang madalas na nakikita ng mga mata mo
Kaya kakaba-kaba katakataka bakit ganito ang natamo
Ang gumimbal sa pagkahimbing at matagal ko nang kinimkim
Gabi-gabing napapailing hindi ito ang aking hiling
Kaya tuluyan natunaw nalusaw ang tingkad
Gumunaw ang aking mundo sa pagbaliktad dahil
Sa bawat daanan ng pag-uusapan sa tagal ng ating pagmamahalan
O kahit ano ang mga kaganapan palaging ako ang may kasalanan

Laging ako laging ako
Ang nakikita mo
Ako laging ako
Ang nasisisi mo
Ako laging ako
Laging ako ako ako
Bakit ba laging ako?

Laging ako laging ako
Ang nakikita mo
Ako laging ako
Ang nasisisi mo
Ako laging ako
Laging ako ako ako

Sabay tanong ng bakit

Michael Angelo Aplacador - Oka (Interpreted by Thyro Alfaro featuring Aikee) Lyric Video


PhilPop MusicFest Foundation presents:

Oka
Official Lyric Video
Composed by Michael Angelo Aplacador
Interpreted by Thyro Alfaro featuring Aikee
Produced by Civ Fontanilla, Alwyn Cruz and Michael Angelo Aplacador
Arranged by Marlon Barnuevo
Recorded by Joel Vitor and Thyro Alfaro
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios

Directed and edited by Jaimee Dejelo Bernardo
Co-edited by Martin Dejelo Campita

Special Thanks to Viva Records

Patricia Hernandez ft. Aikee - Pinaasa Lyrics

Oohhh…

Kay dali naman sa’yo
Na ipagpalit ang katulad ko
Kay tagal naging manhid
Naniwala sa mga pangako mo

Binilog-bilog lang
Ang puso kong hibang sa’yo
Na kay tagal niloko

Pinaasa at binola
Hanggang maging isang tanga
Sa pag-ibig na akala
Ay kay tamis
At di na magbabago
Ang mga takbo
Ngayon sa isip ko ay kay gulo
Pinaasa-asa lang ang puso kong ito

Sa’yo ako’y mali
Kahit na ‘di ko alam ang sanhi
Pag tinatanong kita
Sisi ay sa akin uuwi

Binilog-bilog lang
Ang puso kong hibang sa’yo
Na kay tagal niloko

Pinaasa at binola
Hanggang maging isang tanga
Sa pag-ibig na akala
Ay kay tamis
At di na magbabago
Ang mga takbo
Ngayon sa isip ko ay kay gulo
Pinaasa-asa lang ang puso kong ito
Ohhh…

Akala mo’y ikaw lamang ang kanyang minamahal
Ngunit hindi pala pag-ibig nya sa’yo’y ‘di nagtagal
Pinaasa-asa lang ang puso mong naging tanga
Naghihintay, nagtitiis hanggang maagaw ng iba
Bakit ‘di ka bumitiw para kang isang baliw
Dahil sa onting lambing lang ang puso mo’y naaaliw
At pagmulat ng mata sa piling mo’y wala na siya
Naglalaho parang bula agad sumama sa iba
Harapin ang totoo na ‘di ka para sa kanya

(Pinaasa at binola) Pinaasa-asa lang
(Hanggang maging isang tanga) Hanggang maging isang tanga
(Sa pag-ibig na akala ay kay tamis) Tanga…
(At ‘di na magbabago ang mga takbo) Tanga…
(Ngayon sa isip ko ay kay gulo) Tanga…
(Pinaasa-asa lang ang puso kong ito) Ahhhhh…

(Pinaasa at binola) Pinaasa-asa lang
(Hanggang maging isang tanga) Sa pag-ibig na ‘di totoo
(Sa pag-ibig na akala ay kay tamis) Ang puso, ang isip, paano?
(At ‘di na magbabago ang mga takbo)
(Ngayon sa isip ko ay kay gulo)
(Pinaasa-asa lang ang puso kong ito)

(Pinaasa at binola) Pinaasa-asa lang
(Hanggang maging isang tanga) Hanggang maging isang tanga
(Sa pag-ibig na akala ay kay tamis)
(At ‘di na magbabago ang mga takbo) Ako’y naging isang tanga
(Ngayon sa isip ko ay kay gulo) Tanga…
(Pinaasa-asa lang ang puso kong ito) Tanga…

Pinaasa

Inigo Pascual ft. Aikee - Extensyon Lyrics

Tatlong taon apat na buwan
Tayong magkasama
Ikaw at ako tayo noon
Ngunit ngayo’y wala na na
Nais mo pa sanang magbaka sakaling bumalik
Ang init ng yakap at halik

Ngunit merong mga pangyayari
Na hindi na maaari
Ikaw ang bumitaw
Sa kamay kong hawak mo na na na
Nang mahigpit nawala ang kapit at masakit
Alalahanin ang ‘di na babalik

Ako’y nangamba ha ha ha
Na biglang gusto mo pa
Tanggap ko na na na na na
Na tayo ay wala na
Tanggapin mo na rin
Na hindi ka para sakin
Iba na lang wag na ako
Dahil alam ko nang tayo’y

Wala ng babalikan itigil na ang ilusyon
Sayang lang ang oras at ang panahon
Talikdan na ang magulong sitwasyon
Ang masaktan ka ay hindi intension
Kung nabunot man ang saksakan ng
Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon
Ito ang leksyon sa aking bagong misyon
Kapag nandyan si ex siguradong may tension

Woah oh oh woah oh woah oh
Woah oh oh woah

Labis labis akong nabahala
Nang ako ay meron ng iba
Ikaw laging ikaw
Ang kontra sa eksena nanalig
Ka pa rin hanapin ang wagas na damdamin
Na alam mong ‘di na sa atin kaya

Wala ng babalikan itigil na ang ilusyon
Sayang lang ang oras at ang panahon
Talikdan na ang magulong sitwasyon
Ang masaktan ka ay hindi intension

Kung nabunot man ang saksakan ng
Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon
Ito ang leksyon sa aking bagong misyon
Kapag nandyan si ex siguradong may tension

Tensionado, kabado at batid ko na iyong napuna
Maalab na pag-ibig natin ngayon ay limot ko na
Ang dating mapula, kumupas na bigla
Namutla at tila nawalan na ng sigla
Ang mali sayo ikaw lagi ang tama
Napagod at nagsawa na ako sa gantong drama
Kaya ang puso ko nagkusang lumayo sayo
Pinilit layuan isipan mo na magulo
Bagama’t pinagtagpo pero di nakatadhana
Ang tunay na ligaya ay nasa pagpapalaya
Hindi man nagwakas sa magandang paraan
Kalimutan na lang natin ang ating nakaraan
At tandaan na sayo ay may nakalaan
Hindi man ako yon maaaring nariyan
Harapin at tanggapin mo ang katotohanan
Na ang lahat ng bagay ay mayroong hangganan

Kung nabunot man ang saksakan ng
Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon
Ito ang leksyon sa aking bagong misyon
Kapag nandyan si ex siguradong may tension

Wala na wala na wala ka ng babalikan itigil na ang ilusyon
Sayang lang ang oras at ang panahon
Talikdan na ang magulong sitwasyon
Ang masaktan ka ay hindi intension

Kung nabunot man ang saksakan ng
Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon
Ito ang leksyon sa aking bagong misyon
Kapag nandyan si ex siguradong may tension

Woah oh woah oh
Oh woah oh
Nakatuon sa misyon ang buong atensyon
Woah oh woah oh
Oh woah oh
Dahil kapag nandyan si ex siguradong may tension

Banda Ni Kleggy ft. Aikee - Pabili Po Lyrics

Pabili po oh oh ale pabili
Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi
Pabili po oh oh ale pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x) pabili sige na ale

Pabili, ale meron ba kayong tindang pag-ibig
Na nilalako parang tsitsirya at tubig
Uhaw na at gutom ang puso kong sawi
Kung san san na nagawi halos di na mapakali
Baka meron pong tingi kahit konting pagtingin
Na pwedeng palamuti sa buhay ko na rin
Dahil ang pag-ibig daw ay pwede ng instant
Kung meron kang yate, kotse, malawak na fish pond
Pwedeng pabili ng isang kilong pagmamahal
Hindi po napapanis at dapat ay nagtatagal
Padagdag na rin ng apat ng tumpok na yakap
Dalawang sakong halik na aking hinahanap… kaya

Pabili po oh oh ale pabili
Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi
Pabili po oh oh ale pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x) pabili sige na ale

Pabili po, meron ba kayong kapeng matapang
Yung sakto sa panlasa handa akong ipaglaban
Tsaka sabon para laging iwas sa sakit
Mighty bond na hindi bibitaw dahil sa sobra ang dikit
Ako’y napapikit buhay mo’y parang tindahan
Hihingi ako ng tawad kahit di ko kasalanan
Sasabihin mong tapat ang taas ng presyo mo
At sa sobra mong taas napamahal na ko sayo
Kaya ang pag-ibig ba ay merong halaga, as in halaga
Yung presyo talaga kung ito’y nabibili para di na maapi
Edi mag-iipon ako ng maraming salapi

Pabili po oh oh ale pabili
Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi
Pabili po oh oh ale pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x)

Pero aking napagtagpi-tagpi na mali
Napag-isipan kong mabuti at di madali
Di sapat ang salapi dahil di nabibili
Ang tunay na pag-ibig hindi munamadali
Kaya ale bale maliwanag na sa akin
Ang dati na Malabo at mahirap hagilapin
Ngayon nandito na di na bibitawan pa
Kaya ale…

Pabili po oh oh ale pabili
Ng magara na damit may okasyon lamang kasi
Pabili po oh oh ale pabili
Ng isang kumot dahil bukas kami nang magkatabi
Pabili po oh oh ale pabili
Ng gamot na pampakalma excited po kasi
Pabili po oh oh ale pabili
Ng mamahalin na singsing ikakasal na po kami
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x) pabili sige na ale

Pabili (3x) pabili sige na ale…
Pabili po oh oh ale pabili