Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , » Bassilyo ft. Eman The Great - Pagmamahal Lyrics

Bassilyo ft. Eman The Great - Pagmamahal Lyrics

Ang pagmamahal kapag nasumpungan
Tuloy-tuloy na yan kay hirap tanggihan
Walang makakaharang tumutol mang lahat
Sukdulang tayo’y maghirap

Ito ay aking inaalay
Sa lahat ng nagmamahal

Ilaw ilaw sa gabing mapanglaw
Ako’y naliligaw pag di ka natatanaw
Halos araw araw kung ikaw ay mawala
Pag nariyan ka na ako’y tuwang-tuwa (Haha)
Nag-aadjust ka nga pabor naman sayo
Walang magagawa kundi sundin ang gusto mo
O gusto mo nito o gusto mo noon
Parang gusto mo maputol ang ating relasyon
Hindi na makaahon sa utang na madami
Di tulad ni pepe mapalad maswerte
Ako’y namumulubi ng dahil sa iyo
Masyado namang mahal ang pagmamahal mo

Ang pagmamahal mo’y hindi makatarungan
Sa pagmamahal mo ako’y nahihirapan
Dapat ba na magtiis pag nagmamahal ng labis
Kawangis ng tubig at langis

Kaparis ng langis ika’y nagbibigay lakas
Nakakapanlambot kapag ika’y nagmatigas
Laging nagtataas ang boses mong wagas
Ako’y nababanas kaya’t lumalabas
Na lang ako sa bahay sa kalye ang tuloy
Kasama kapitbahay kami’y mananaghoy
Sayo’y manghaharana hindi naglalaboy
Buksan mo ang bintana wag mong itataboy
Ibaba mo na ang pride mo yan lang ang sagot
Masyadong mataas, hindi ko maabot
Nakakalungkot at nakakasakal
Nakakayamot ang iyong pagmamahal

Ang pagmamahal mo’y hindi makatarungan
Sa pagmamahal mo ako’y nahihirapan
Dapat ba na magtiis pag nagmamahal ng labis
Kawangis ng tubig at langis

Kailan ba ako makakaahon sa hirap
Pagputi ba ng uwak, pag-itim ba ng tagak
Woo hoo woo hoo oohhhh

Ang pagmamahal mo’y hindi makatarungan
Sa pagmamahal mo ako’y nahihirapan
Dapat ba na magtiis pag nagmamahal ng labis
Kawangis ng tubig at langis

Ang pagmamahal
Ang pagmamahal mo
Ang pagmamahal
Ang pagmamahal mo
Ang pagmamahal
Ang pagmamahal mo
Ang pagmamahal
Ang pagmamahal mo

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment