Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Kiyo, Alisson Shore - Urong; Sulong Lyrics

Kiyo, Alisson Shore - Urong; Sulong Lyrics

Bakit ba kung kailan kaya’y naisip na
Bibitawan, ikaw yung paraiso ‘di ba
Wag ka nang mag-alinlangan satin ‘di ka
Iiwanan, ikaw yung tahanan ‘di ba (Diba)

Kahit san man tayo magpunta
Tinadhanang magkikita (Diba)
Kung ang oras man ay humadlang
Pipiliting balikan

Alas dose ng gabi dilat pa din ating mata
Kahit hindi magkatabi, kahagkan pa din kita
Sulyap ko mga ngiti mo magmula sa kabila
Ramdam ko din ang takot dahil ikaw ay nagdududa
Kung sigurado ka ba sakin
Kung dapat bang ikaw ay maging akin
At lahat ay isugal sa di tiyak na tatahakin mong landas
Iniisip na lahat ng to ay matatapos at biglaan na lang kukupas
Pagdating ng panahon aakalain ay ikukulong ka sa kahon
Iiwanan pag nagkaroon ng pagkakataon
Kahit problema ay mala-ambon lang aba mali ka kung ganon
Hinding hindi ko sa iyo magagawa iyon
Kaya sakin na lang itugon ang pansin
Pagtingin ko sayo ay walang kahambing

Bakit ba kung kailan kaya’y naisip na
Bibitawan, ikaw yung paraiso ‘di ba
Wag ka nang mag-alinlangan satin ‘di ka
Iiwanan, ikaw yung tahanan ‘di ba (Diba)

Di ka pinipilit maniwala pero alam ko ramdam mo diba
Tama tamang hinala kapag kasama, oo kakaiba
Mga gulo sa isip mo’y di alintana kaya wag mababahala na
Sumama sakin sabay ka lang sa biyahe wag kang bababa
Sa’kin magtiwala ka matakot ka ganon lang talaga
Sasaluhin kita, dadalhin kita, ipapasan ka sa likod kapag napagod ang paa

Hindi ka mananalo kung
Hindi ka susugal sa laro ng puso
At lalong hindi kita sasalubungin para lang sumalungat
At iwan kang mag-isa sa mundong mapaglaro
Alam ko na gusto mo din
Kaya wag kang magbibiro, malilito
Dahil tunay ang pag-ibig ko

Kahit san man tayo magpunta
Tinadhanang magkikita (Diba)
Kung ang oras man ay humadlang
Pipiliting balikan (Diba)
Kahit san man ako magpunta
Tinadhanang magkikita (Diba)
Kung ang oras man ay humadlang
Pipiliting balikan

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment