Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Rocksteddy - Tropa Song Lyrics

Tingnan mo nga naman
Dami na pala nating napagtripan
Di mo na mabilang na pinagdaanan
At tingnan mo nga naman
Mga kwentong ang sarap na balik-balikan
Di magpapaawat sa mga kalokohan

Sa may tambayan, inuman
Kahit na walang pulutan
Asaran, kantahan, kulitan magdamagan
Magmula noon hanggang ngayon
Di tayo mapaghiwalay ng panahon

Malayo layo na rin pala ang ating narating
Tila kay bilis para bang hinipan lang ng hangin
At kung sakali man tayo’y magsipang-abot sa dilim
Wag kang aalis dahil sabay pa rin nating lalakbayin

Tingnan mo nga naman
Kay tagal na rin pala ng ating samahan
Lalong lumalalim na pagkakaibigan
At tingnan mo nga naman
Tropa pa rin tayo at walang nag-iwanan
Kahit na paminsan-minsan may tampuhan

Mga tawanan, tuksuhan at kung anu-anong kwentuhan
Kantyawan, pikunan, pano ko malilimutan
Magmula noon hanggang ngayon
Di tayo mapaghiwalay ng panahon

Malayo layo na rin pala ang ating narating
Tila kay bilis para bang hinipan lang ng hangin
At kung sakali man tayo’y magsipang-abot sa dilim
Wag kang aalis dahil sabay pa rin nating lalakbayin

At kahit na mayrong mga
Umalis, lumisan at mga nagpaalam na
Mananatili kang nakaukit sa aking puso’t alaala

Malayo layo na rin pala ang ating narating
Tila kay bilis para bang hinipan lang ng hangin
At kung sakali man tayo’y magsipang-abot sa dilim
Wag kang aalis dahil sabay pa rin nating lalakbayin

Malayo layo na rin pala ang ating narating
Tila kay bilis para bang hinipan lang ng hangin
At kung sakali man tayo’y magsipang-abot sa dilim
Wag kang aalis dahil sabay pa rin nating lalakbayin

Lalakbayin
Lalakbayin
Lalakbayin

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment