Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Noven Belleza - Tumahan Ka Na Lyrics

Umiiyak ka na naman
Bakit palagi kang ganyan?
Sa sarili’y di naaawa at laging luhaan
Hanggang kailan magmumukmok
Doon sa isang sulok
Hindi na ba magagawang kalimutan ang ‘yong pagsubok

Bakit di turuan ang puso’y magmahal muli
Nang maampat ang luha ng isang sawi
Narito ako para sa’yo upang ika’y ibigin ko
Sumandal ka sa’kin nang madama pag-ibig ko sa’yo

At ang iyong pagdaramdam sa puso ko’y tumatagos
Ang ‘yong pagdadalamhati ay di ko kayang maarok
Maari bang gumising na sa kay tagal na bangungot
Halika na at lulunasan ko luhang umaagos

Bakit di turuan ang puso’y magmahal muli
Nang maampat ang luha ng isang sawi
Narito ako para sa’yo upang ika’y ibigin ko
Sumandal ka sa’kin nang madama pag-ibig ko sa’yo

Tumahan ka na
Pakiusap ko siya ay kalimutan na
Tayo’y mag-umpisa
Tayo lamang dal’wa
Sa aki’y di ka na luluha pa

Bakit di turuan ang puso’y magmahal muli
Nang maampat ang luha ng isang sawi
Narito ako para sa’yo upang ika’y ibigin ko
Sumandal ka sa’kin nang madama pag-ibig ko sa’yo

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment