Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Davey Langit - Breaksary Lyrics

Bubuksan ang TV at hahanap ng mapapanuod
‘Pag walang mahanap magpi-PS3 na lang ako
‘Pag nabagot magluluto ng kahit ano
Kahit hindi nagugutom ay kakain ako

Maibsan lamang ang kalungkutan ko

Tatawagan ang kaibigan at magbabakasakali ako
Na wala silang mga lakad at masasamahan nila ako
Kung hindi sila pupwede e gitara na lang
Susubukan ko na lang ang magsulat ng kanta

Maibsan lamang ang kalungkutang dulot ng aking pag-iisa
Ahhhh…

Dahil isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo’y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu’t limang gabi
Ito ang ating breaksary

‘Di ko rin naman kailangan maghanap ng bagong kasintahan
Yan kasi ang laging payo sa’kin ng aking mga kaibigan
‘Di ko rin iniisip makipagbalikan sa’yo
Ang kailangan kong ayusin ay ang aking mundo

Maibsan lamang ang kalungkutang dulot ng aking pag-iisa
Ahhhh…

Dahil isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo’y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu’t limang gabi
Ito ang ating breaksary

Ang hirap pala ng mag-isa
Nasanay kasing nand’yan ka

Dahil isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo’y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu’t limang gabi
Ito ang ating…
Ito ang ating…

O isang taon na rin pala ang lumipas
Buhat ng tayo’y maghiwalay
At hindi pa rin ako sanay na wala ka
Tatlong daan animnapu’t limang gabi
Ito ang ating…
Ito ang ating…

Ito ang ating breaksary

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment