Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Davey Langit - Handa Na Lyrics

Hindi ko na hinanap ni wala na sa hinagap
Na darating p’ang araw na ito
Nakuntento na akong magpatangay na lang sa alon
Kung saan man mapadpad ay dun ako

Dahil sa dami ng nakita ko mga pusong di nagkatagpo
Inisip kong di para sakin to
Ngunit ang bawat pangamba ang bawat takot ko at duda
Ay nawala nung narito ka na
Ngayon alam ko ng…

Ako’y handa na
Ang puso kong ito ay handa na
Na mapasaiyo habang buhay
At sa susunod pang magpakailanman
Pangako ko sayo
Na ikaw, tanging ikaw
Ang laging pipiliin ko


Akalain mo nga naman
Na ang dating wala naman
Kaibigan lang ako sayo
Ngunit biglang may naramdaman
Na hindi pa naramdaman
Mula ng magmahal itong puso
Nag-alangan pa ko nung una
Baka lahat ng pinuhunan ay
Masayang lang dahil hindi ikaw
Kaya’t aking pinagpanata upang ako ay mapanatag
At sinagot naman ang panalangin ko
Ngayon alam ko ng

Ako ay handa na
Ang puso kong ito ay handa na
Na mapasaiyo habang buhay
At sa susunod pang magpakailanman
Pangako ko sayo
Sa isang daang milyong alternatibong mundo
Ikaw at ikaw lang ang hahanapin ko
Dahil ikaw, tanging ikaw
Ang itinakda sa akin
Ikaw lamang ang mamahalin
Ikaw, tanging ikaw ang laging pipiliin ko

Davey Langit - Handa Na (Official Music Video)


The official music video for "Handa Na"

Handa Na means "I am ready" in Filipino. It is a song I wrote for my wife on our wedding day. It is about being ready in every facet to dive into this new chapter of giving your whole heart and spending your life with someone.

Davey Langit - Book Mo Ko Lyrics

Need mo ba ng singer?
Pang-gig, event, debut o kasal?
Magaling pero di masyadong mahal
Covers o original, live man yan o digital
Walang problema, ‘tol

O baka naman kailangan mong kanta
Yung pang-kompanya o yung pang-kampanya
O di naman kaya, kailangan mo ng gitaristang
Sobrang pogi na uma-akompanya
Ang dami kong alam na chords
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P
Wag nang mag-atubili
Baka kailangan mo me?

Sige na, i-book mo ako! (Book mo ‘ko!)
I’m not gonna lie
Kailangan ko ng trabaho
I-book mo ako! (Book mo ‘ko!)
yung merong pa-budget na hindi naman talo
I-book mo ako!
Kailangan kong gawin ito
Kasi walang ibang gagawa
Baka may kilala ka?
Promise ko referral fee
Pag nai-book mo ako!

Book mo ‘ko!
Boo-boo-boo, book mo ako!
Book mo ‘ko!
Boo-boo-boo, book mo
Di lang ako singer
Songwriter, guitarer, pwede rin akong mag-voice over!
Pwede ring pang TV palabas tuwing tanghali
Yung may song and dance (Na maraming fans)
Feeling ko naman magaling ako
‘di lang nabibigyan ng chance (Na marinig ng fans)

Ang dami kong alam na chords
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P
Wag nang mag-atubili
Baka kailangan mo me?

Sige na, i-book mo ako! (Book mo ‘ko!)
I’m not gonna lie
Kailangan ko ng trabaho
I-book mo ako! (Book mo ‘ko!)
yung merong pa-budget na hindi naman talo
I-book mo ako!
Kailangan kong gawin ito
Kasi walang ibang gagawa
Baka may kilala ka?
Promise ko referral fee
Pag nai-book mo ako!

Book mo ‘ko!
Boo-boo-boo, book mo ako!
Book mo ‘ko!
Boo-boo-boo, book mo ako

Davey Langit - Book Mo Ko (Lyric Video)


Book Mo 'Ko (Davey Langit)
Written, arranged, recorded and produced by Davey Langit
Mixed by Toto Sorioso
Sponsored by No One

Davey Langit and Vanya Castor - Boboto Ba Ako? (Lyric Video)


PhilPop Musicfest Foundation presents:

Boboto Ba Ako? (Official Lyric Video)
Written and Composed by: Don Flores and Ilah Ayop
Performed by Davey Langit and Vanya Castor

Arranger and Producer: Toto Sorioso
Drums: Rickson Ruiz
Bass: Joshua Royeca
Crowd:
Ilah Ayop, Don Flores, Davey Langit, Vanya Castor, Krina Cayabyab, Adjeng Buenaventura, andToto Sorioso

Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Recording Studio: Studio Z Audio Productions
Drums recorded at OnQ Studios by Angelo Rozul
Davey Langit's vocals recorded at GString Studio by Marlon Barnuevo
Vanya Castor's vocals recorded at home

Lyric Video Shot, Directed, and Edited by Jaimee Dejelo Bernardo
Special thanks to Joe Salcedo and Marlon Barnuevo
Executive Producers: Gab Cabangon, Jared Kuo, and Dinah Remolacio
Publisher: PhilPop Musicfest Foundation, Inc.

This song is a product of the PhilPop DigiCamp 2021 Program.

Davey Langit - Hinga Lyrics

Romeo Vidal, bente siyete anyos
Nars sa ospital, taga Malolos
Katawan ko ay pagal at sobra nang tagal
Mula nang huli kong mayakap ang aking mama’t papa
Dito ay wala nang kama
Nagkakaubusan ng kwarto sobra ng puno
Oras-oras may tinatakbong bagong kaso
Pila-pilang sasakyan
Mga pasyente na walang mapaglagyan
Labing anim na oras na ‘ko dito
Walang pumapalit mga kasama ko, isa-isa nang nagkakasakit
Paano kung ako naman ang tamaan?
Paano kung hindi ko pala ito kayang labanan
Sa nasa itaas, nagmamakaawa na matapos na
Nakakapagod na, ayoko na
‘Di na ako makahinga

Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?

Gabriel Andrada, tatlumpu’t lima
Ahente sa umaga, sa gabi ay banda
Nagrerenta sa Maynila
Kasama ang asawa ko’t dalawa naming anak
Nung wala pa ‘tong delubyo
Ang hirap nang pagtagpuin ng dulo’t dulo
Kahit pagsamahin pa ang aming sweldong mag-asawa
Minsan sapat, madalas pa rin salat
Biglang nagkaganyan hindi ko napaghandaan
Biglang walang mabenta, biglang walang matugtugan
Ang dati nang mahirap, mas humirap pa
Kahit anong diskarte ang gawin ko, nagkukulang talaga
Paano kung hindi na tayo bumalik sa dati?
Paano ang pamilya kong batbat ng dalamhati
Sa nasa itaas, parang awa na
Nakakapagod na, ayoko na
‘Di na ako makahinga

Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?

Albert Domingo, singkwenta’y kwatro
Positibo
Hindi ko alam paano ko nakuha ‘to
Nag-ingat naman ako
Ang huling naaalala ko namili kaming pagkain
Gayun na rin lahat ng pwede naming kailanganin
Ilang araw lang lumipas, nilagnat ng alanganin, naghahabol ng hangin
Itakbo nyo na ako! Kahapon lang mapayapang nasa bahay
Ngayon isang tangke sa paghinga’y umaalalay
Naisip ko pamilya ko, kailangan pa nila ako
Buntis pa ang panganay ko sa una kong apo
Natatakot na ako
Paano kung hindi ko na mayakap ang asawa ko?
Sa nasa itaas, pahingi pa sanang oras
Parang awa mo na, sige na
‘Di na ako makahinga

Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?

Davey Langit - Hinga (Lyric Video)


Isang kwentong Pilipino sa gitna nitong delubyong pandemya. Bahagi din po ng M-FLix 2021: Da Pinoy Pandemic Palabas. Sana po ay maibigan ninyo.

HINGA
Written by: Davey Langit and Therese Villarante
Arranged by: Marlon Barnuevo
Videography by Stephen Viñas and Mikko Angeles
Produced by Davey Langit and M-Flix 2021

Davey Langit x Regine Velasquez-Alcasid - Ipinagpanata Kita Lyrics

Gabi-gabi sa itinakda kong oras
Bago ako humimbing
Hinihiling kita
‘Di madaling maghintay sa bawat bukas

Takot nang magkamali
Hinihiling kitang dumating na

Mabuti na lang hindi ako nag-alinlangan
Na pararatingin ka n’ya sa tamang panahon
Ito na yun, narito ka na

Kay tagal, kay tagal kitang hinintay
Oo, kay tagal, kay tagal kitang hinintay
Sa buhay ko nga’y ‘di pa ko naging ganto kasigurado
Sayo lang ipinagpanata kita

Bawat hindi sa inaakalang oo
Bawat sandaling nasaktan (Bawat sandaling nasaktan)
Bawat hikbi at luha mali at duda’t
Kailangan kong daanan ang lahat ng ito
Dahil sayo pala ito patungo

Mabuti na lang hindi ako nag-alinlangan
Na pararatingin ka nya sa tamang panahon
Ito na yun, narito ka na

Kay tagal, o kay tagal kitang hinintay
Oo, kay tagal, o kay tagal kitang hinintay
Sa buhay ko nga’y ‘di pa ko naging ganto kasigurado
Sayo lang ipinagpanata kita

Higit ka pa (Higit ka pa)
Sa lahat ng pinangarap ko
Pinangarap ko…

Kay tagal, kay tagal kitang hinintay
Oo, kay tagal, kay tagal kitang hinintay
Sa buhay ko hindi pa ko naging ganto kasigurado
Sayo lang ipinagpanata kita
Kay tagal tagal ng hinintay
Ipinagpanata kita
Kay tagal ng hinintay
Ipinagpanata kita
Gabi-gabi kang hiniling
Ipinagpanata kita

Narito ka na
Ipinagpanata kita

Davey Langit x Regine Velasquez-Alcasid - Ipinagpanata Kita (Official Music Video)


IPINAGPANATA KITA
Written by Davey Langit and Therese Villarante
Performed by Davey Langit and Regine Velasquez-Alcasid
Musical and vocal arrangements by Marlon Barnuevo at GString Studio
Guitars by Davey Langit
Post production by Melvin John Aluning of Amber Studios PH
Artwork by Aidon Panlaqui
Produced by Davey Langit, Marlon Barnuevo and A-Team PH

Davey Langit - Isuna (Official Music Video)


ISUNA (Official Music Video) #AmiananPop

Back to the roots! Reppin' the culture! #AmiananPop #SikamiMet
Track six of twelve. WLNGPLNB.

Davey Langit - Mama (Official Music Video)


MAMA
Written by Davey Langit and Therese Villarante
Arranged by Gino Cruz
Guitars by Davey Langit
Mixed and Mastered by Gino Cruz
Produced by Davey Langit and A-Team
Video by Bam Bulao
Artwork by Ben Villarante

Davey Langit - Huwag Nang Magsulat Ng Kanta Lyrics

Maghanap na lang kaya ako ng ibang trabaho
Buwanang sahod na sigurado
9 to 5 na empleyado, teller dun sa bangko
May SSS, PAG-IBIG, samu’t saring benepisyo
Mag negosyo na lang kaya ako ng isda?
Magbukas na lang ng panaderya?
Wag nang magsulat ng kanta

Pag nagkaganon hindi ko na poproblemahin
Ang Youtube hits o Spotify streams
Di na mababahala kung hindi man ‘to kumita
Di na mababalisa kung ang ticket di mabenta
Mag aya sa show wala namang magsisipunta
Iisang lamesa, nanay ko pa
Wag nang magsulat ng kanta

Oh para bang wala namang mapapala
Ah, hanggang kailan ako magbabakasakaling
Ako naman ang iyong pakinggan

Sabi nga ng tatay ko, maganda ‘to
Gawin mo lang siyang hobby
Wag mo nang masyadong career-in
Total naman tapos ako, pwede ko daw magamit
Diploma, bio data ko ipasa ko sa jobstreet
Kesa gastusan ko ang recording nito
Hindi naman maganda ‘tong kantang ‘to
Wag nang magsulat ng kanta

Instrumental na may sipol

Ba’t ba ako nagsusulat ng kanta?
Oh, tinanggap ko na ang katotohanan na
Ako’y pinanganak upang umawit, mag-gitara
Magkwento, magsulat ng kanta
At akin ngang napagtanto sa modulation na ito
Hindi ko kailangan ng ibang trabaho
Alam ko na ito mula nung bata pa ako
Kahit mahirap gagawin ko ‘to hanggang sa pagtanda ko
Alam kong ‘di ako ang pinakamagaling
Pero gagawin ko pa rin
Magsusulat ako ng kanta (Pasasaan ba)
Magsusulat ako ng kanta (Tuloy tuloy lang)
Magsusulat ako ng kanta (Woah-oh-oh)
Magsusulat pa rin ako ng kanta

Davey Langit - Huwag Nang Magsulat Ng Kanta (Official Music Video)


Ika apat na awit mula sa WLNGPLNB album. Sana'y magustuhan ninyo.

HUWAG NANG MAGSULAT NG KANTA
Written by: Davey Langit
Arranged by: Marlon Barnuevo
Guitars by: Gino Madrid
Mixed and mastered by Marlon Barnuevo at G-String Studio
Video by Peter Manabat of Amber Studios PH

Davey Langit ft. Kritiko - Ang Hirap Maging Mahirap (Music Video)


Composed by: Kenneth Reodica
Interpreted by: Davey Langit feat. Kritiko

PRODUCTION TEAM
Director: Matanguihan, Patrick Jude Pesigan
Production Manager: Cordero, Ivan
Production Assistants: John Paul Ivan, Francisco Kitkat Manzano
Director of Photography: Jasper John V. Ello
Gaffer: Jomelvic Ferrer
Camera Operator: Van Christian, Esperanza
Production Designer: Lloyd Christian Salanatin
Key grip: Jose Roño

GLAM TEAM
Hair & Makeup Artist: Jenjen Cabriana
Stylist: Rodel Brinas

ABS-CBN Music
Executive Producer: London Angeles
Executive in Charge: Roxy Liquigan
Supervising Producer: Jeff Victoria

ABS-CBN Music - Advertising and Promotions
AdPromo Head: Jeff Victoria
Promo Specialists:
Mela Ballano
Christiaan Cajocson
Clarissa Evaristo
Franz Garcia
JP Guan
London Angeles
Social Media Specialist: Naomi Enriquez

ABS-CBN Music - Digital Content and Production
Head, Star Songs and New Media: Atty Marivic Benedicto
Digital Content Producer: Jean Gonzales and Ice Almazan
Head, Digital Content and Production: William Garcia
Graphic Design Team: Andrew Castillo, Christine Cheng

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Davey Langit ft. Kritiko - Ang Hirap Maging Mahirap (Lyric Video)


Ang Hirap Maging Mahirap
Interpreter: Davey Langit featuring Kritiko
Composer / Songwriter: Kenneth Reodica
Arrangement & Bass Guitars: Angelo Villegas
Drums: Michael Alba
Davey Langit’s Vocal Production / Supervision: Marlon Barnuevo at GString Studio, QC
Kritiko’s vocals recorded at The Purple Room Studios
Mixed & Mastered by Mark Villar at Hit Productions
Guitarist and Producer: Mike Villegas
Supervising Producer: Jonathan Manalo
Lyric Video Edit by Jaliza Baluyut
Illustrated by Elijah Tan

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Davey Langit ft. Kritiko - Ang Hirap Maging Mahirap Lyrics

Intro:
(Ang hirap maging mahirap)
(Ang hirap maging mahirap)

Verse:
Ako nga pala si Toto
Simpleng batang may pangarap
Lumaki sa kalye, edad ko’y mag te-trese

Himig ko ang mga busina
Ng mga kotseng dumaraan
Sabay laro ng patintero kay kamatayan

Pre-Chorus:
Nung umpisa hindi ko pa maintindihan
Ngunit nung tumagal, aking naramdaman

Chorus:
Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya’y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba ‘to magwawakas?
Ang hirap maging mahirap

Verse:
Hanggang sa ako ay tumanda
Mata’y unti-unting namulat
Tingnan ang bawat kalsada
Kaliwa’t kanan ang bakas ng lumalaban

Mairaos lang ang isang araw
Para sa pamilyang kong gutom na at uhaw
Handang gawin lahat mali man ang aking galaw

(Pre-chorus)
(Chorus)

Bridge:
Ang hirap mabuhay sa mundo
Kung saan binabase lahat
Sa kapirasong papel na may imprenta
Ayokong magreklamo pero tila tinapak-tapak-tapakan pagkatao

limitado, delikado, apektado, sigurado
Bawat kwento sintunado, bawat oras singkupado
Ayoko na, tama na, gusto kong magbago pero
Tila ba merong nakaabang bang bang bang bang!

Ohh
Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya’y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba, kailan ba, kailan magwawakas?
Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya’y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba ‘to magwawakas?
Ang hirap maging mahirap

Rap:
Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo
Hindi mo na alam kung ano ba’ng mali at totoo
Sakit sagad na sa buto kailan ba ‘to mahihinto
Meron pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto
Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo
Hindi mo na alam kung sino ba’ng mali at totoo
Sakit sagad na sa buto kailan ba ‘to mahihinto
Meron pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto

Ako nga pala si Toto
Simpleng batang may pangarap

Davey Langit - Dungo Lyrics

Nagbayag ka nga inuray
Nagbayag ka nga inuray
Inkararag ka
Inkararag ka
Ti ammok haan kan nga sumangpet ditoy biyag kon
Ti ammok haanen mapasamak
Inkararag ka
Inkararag ka

Tatta nga aradtoy kan
Haan kan palubusan
Manipud tatta

Aginggana malpas ti awan patinggana, patinggana
Aginggana malpas ti awan patinggana, sika latta ti
Dungdungwen

Sango ti amin nga gagayyem, ken pamilya
Sango ni Apo nga nangited
Ikarik kenka
Ikarik kenka
Panawen man iti sayaat
Panawen man iti rigat
Innaldaw ka nga pilyen
Ikarik kenka
Ikarik kenka

Awan, awan sabali

Aginggana malpas ti awan patinggana, patinggana
Aginggana malpas ti awan patinggana, sika latta ti
Dungdungwen

Nagbayag ka nga inuray
Nagbayag ka nga inuray

Davey Langit - Dungo (Lyric Video)


Watch the official lyric video of "Dungo" by Davey Langit!

Written by Davey Langit
Guitars by Davey Langit
Arranged by Marlon Barnuevo
Mixed and mastered by Marlon Barnuevo

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Davey Langit - Simula Ng Dulo (Music Video)


SIMULA NG DULO
Composed by Davey Langit & Therese Marie Villarte
Interpreted by Davey Langit

DIRECTOR: RHED SANDICO
TALENTS: MICHELLE VITO & ENZO PINEDA
PRODUCER: NAILEN GARALDE
CINEMATOGRAPHY: BAM AZAGRA
PRODCUTION DESIGNER: NOLA SALDAÑA
EDITOR: CHRIS D. NADEO / ALYSSA FELICIANO
COLORIST: TWINIE NOCHE
ONLINE EDITOR: JAYR BOLANTE
PRODUCTION COORDINATOR: JEFF VICTORIA
PRODCUTION ASSOCIATE: RON ALOS
SETMAN: AGIE DE LEON
MAKE UP ARTIST: IYA GUECO
HAIR STYLIST: RENZO LUSTERIO
LAIYA GUECO
RENZO LUSTERIO
ARLENE BULACTIAL
STYLIST: JOWI GUZMAN OF STYLIST INC.

Copyright 2019 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Davey Langit - Simula Ng Dulo Lyrics

Nakabalot sa'kin ang 'yong bisig
Pero 'di mo ako yakap yakap
Nakabaling sa'kin nang magising
Pero di mo ako hanap hanap

Meron ba 'kong dapat malaman?
Baka naman pwede nating pag usapan
Hindi ko pa kayang aminin sa sarili
Huwag munang sabihin na

Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng ating dulo

Huwag ka munang umatras
Puting bandila'y wag mo munang itaas
At bitawan ang mga kinatatakutan kong salitang
Nasa dulo ng 'yong dila, huwag mong ibulalas

Magsinungaling ka sa'kin
Ulit ulitin mong sabihing ako'y mahal mo pa-paniwalaan ko kahit 'di
na totoo
Kahit alam ko nang

Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng dulo

Unti unting bumibitaw
Lumuluwag na ang 'yong kapit at damdamin mo'y malayo
Lingunin mo naman ako at ang mga plano at pangako na ngayo'y
iiwanan mo
Ganun pa man, wala pa ring katulad ang iyong ganda
Kahit nagpapaalam na't nagsasabi na

Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng ating dulo