Unti-unting naglalapit
ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya’t walang takot
Ang saya at pagsinta’y
Tila walang kapantay
inaabangan ang bawat pagtagpo
Walang mintis ang tuwa
sating dalawa
Hinamak ang lahat
Unti unting nawawala
Ang iyong mga salita
Dahan dahang naglalaho
Ang lahat ng pangako
Napapansing lumalayo
ang 'iyong tingin
Di na alam ang dapat kong gawin
Tuluyan ka na bang mawawala sa 'kin
Ang tamis at aruga
na laganap sa simula
ngayo'y nabaon na
Sa puso't isip na mapait
'di na maibabalik
Sa unang araw.
Ang pait at ang sakit
na dati'y wala naman
ngayon ay hindi na mailagan
Ang tanong na walang sagot
luha ang nadudulot
sa ating mga mata
Hahanap-hanapin
ang mga bulong sa gabi
Ulit-ulitin
ang bawat kwento at sikreto natin
Hanggang wala na
ang luha sa puso ko
Hanggang sa muli
tayo rin magtatagpo.
Home »
Latest OPM Songs
,
OPM Songs
,
UDD
,
Unti Unti
,
Unti-unti
,
Unti-unti by Up Dharma Down
,
Unti-unti Lyrics
,
Up Dharma Down
» Up Dharma Down - Unti-unti Lyrics
Up Dharma Down - Unti-unti Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 3:46:00 PM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment