Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Mark Atienza - Walang Kibo Lyrics

Hindi ko pa masabi
Ang aking nararamdaman
Hindi ako mapakali
Kapag ika’y nandyan

Gusto ko na sanang lumapit
Pero hindi ko magawa
Gusto ko na sanang sabihin
Pero ako’y natutulala

Hahayaan ko na lang bang lumipas ang panahon
Na wala pang nangyayari dahil sa maling desisyon
Ikaw lang naman ang tanging hinahanap ko
Pero pa’no
Kung ako’y walang kibo
Walang kibo

Hindi ko pa masabi
Kahit nasa harap na kita
Hindi ko pa maamin
Dahil takot akong ika’y mawala

Gusto ko na sanang lumapit
Pero hindi ko magawa
Gusto ko na sanang sabihin
Pero ako’y natutulala

Hahayaan ko na lang bang lumipas ang panahon
Na wala pang nangyayari dahil sa maling desisyon
Ikaw lang naman ang tanging hinahanap ko
Pero pa’no
Kung ako’y walang kibo
Walang kibo

Walang kibo
Walang kibo
Walang kibo
Walang kibo
Nagdurugo, nagdurugo
Ang aking puso

Walang kibo (walang kibo, oh)
Walang kibo
Walang kibo (oh)
Walang kibo

Nagdurugo (nagdurugo)
Ang aking puso

Hahayaan ko na lang bang lumipas ang panahon
Na wala pang nangyayari dahil sa maling desisyon
Ikaw lang naman ang tanging pinangarap ko
Pero pa’no (pero pa’no)
Pero pa’no (pero pa’no)
Pero pa’no…
Kung ako’y walang kibo
Walang kibo…
Walang kibo (walang kibo)
Walang kibo (walang kibo)

Mark Atienza - Walang Kibo (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Walang Kibo" by Mark Atienza.

Composed by Mark Anthony Atienza
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Mark Anthony Atienza
Mixed and mastered by Mark Anthony Atienza
Recorded, mixed and mastered at Mark Atienza's Home Studio

Unique Salonga - Huwag Ka Sanang Magagalit (Official Music Video)


The official music video of "Huwag Ka Sanang Magagalit" by Unique Salonga

Executive Producers: Kean Edward U. Cipriano, Lara Serena O. Cipriano

Director: Unique Salonga
Assistant Director: Rovan M. Cipriano
Director of Photography: Zen Flores
Editor / VFX Supervisor / BTS: Edsel Gabriel de Guzman
Production Manager / Producer: Rovan M. Cipriano
Production Assistant / Safety Officer: Martin Riggs Nunez
Gaffer / Cam Operator: Marvin Pacua
Lazy Susan Operators: Bryan B. Paraiso, Reymond M. Gusi
Production House: O/C Productions and Entertainment Inc.

Zild - Luha Ng Lupa Lyrics

Luha ng lupa
Binubuhos ang mga basura natin
Unti-unting nawawala ang lahat ng ‘to
Nakalimutan magising
Luha ng ulap
Binubuhos ang mga sinunog natin
Poot at galit lang ang naramdaman
Nagkunwari na lang na walang alam

Ulap at lupa nagtatampo sa atin
Sabi ng bata hanggang kailan ang amin

Luha ng puno
Kinakalbo upang tumaas ang tubo
Hinahayaan lang maubos ang lahat
Nakalimutan magmasid
Sabi ng lupa
Makikinig po ba kayo sa akin
O dadating ang oras na wala na ‘ko
Tao na ang pagkain niyo

Ulap at lupa nagtatampo sa atin
Sabi ng bata hanggang kailan ang amin
Gusto ko lang huminga sa purong hangin
Gising na ma, wala na tayong pagkain

Luha ng lupa
Naririnig mo ba
Umiiyak ang mga ibon
Ngayong gising ka na
Mahahabol pa ba
Ang panahon para mabuhay pa

Zild - Luha Ng Lupa (Official Music Video)


Official video for 'Luha Ng Lupa'

Shot by: Shaira Luna
Assisted by: Lance Luna
Video Montage and Editing: Daniel Aguilar

Special thanks:
Shanne Dandan
Xian Guevarra of YACAP
YACAP for the footages
Rico B. of Balcony Entertainment

Music credits:
Written, produced, and performed by Zild
Slide guitar - Noel Mendez
Drums - Chuck Menor
Backup vocals - Shanne Dandan & Hannah Wenceslao
Mixing & mastering - Emil Dela Rosa

Simpatiko PH - Sana'y Sinabi Lyrics

Nakaupo, nag-iisip ng kung anu-ano
‘Di ko malaman kung bakit nagkaganito

Ok lang bang sabihin
Oh kailan aaminin
Oh kailan bang magigising
Sa ‘yong piling
Aaminin ko na ba
Na minamahal ko siya
Oh itatago na lang
Aking nararamdaman

Aaminin ko na ba
Na hindi ko kayang mag-isa

Naglalakad ang isipan ko'y litong-lito
‘Di ko malaman kung bakit nagkaganito

Ok lang bang sabihin
Oh kailan aaminin
Oh kailan bang magigising
Sa ‘yong piling

Aaminin ko na ba
Na minamahal ko siya
Oh itatago na lang
Aking nararamdaman

Aaminin ko na ba
Na hindi ko kayang mag-isa

Sana sinabi ko na nga
[Sana'y sinabi ko na nga]
Kahit na magmukhang tanga
Ngayon tuloy ay nagsisisi
Ngayon tuloy iyak at pawi
Meron na siyang iba
Meron na siyang iba

Aaminin ko na ba
Na minamahal ko siya
Oh itatago na lang
Aking nararamdaman

Aaminin ko na ba
Na hindi ko kayang mag-isa
Aaminin ko na ba
Na minamahal ko siya
Oh itatago na lang
Aking nararamdaman

Aaminin ko na ba
Na hindi ko kayang mag-isa
Mag-isa…

Simpatiko PH - Sana'y Sinabi (Official Lyric Video)


Words by Vanez Aspa and Perlin Huberit
Music by Vanez Aspa and Perlin Huberit
Publisher: Viva Music Publishing, Inc.
Arranged by Perlin Huberit
Producer: Simpatiko PH
Recorded, mixed and mastered by Henry Alburo at Polysonic Records