Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Denise Barbacena - Aking Tadhana Lyrics

Noong dumadaan, di namamalayan
Naglalakad sa dilim, nananatiling nakapikit
Ngunit namulat nang makilala ka
Nalimot na pangarap
Nabuhay nang kahawak ka

Ikaw ang bukas na aking hinihintay
Ika’y hantungan na aking ilalakbay
Kahit malayo man at may mga hadlang
Palaging may paraan, hindi titigil hanggang
Ika’y maging aking tadhana

Tadhana…

Nagsisilbing gabay ang iyong kamay
Mahawakan sa habangbuhay
Gagawin ang lahat di lang mawalay
Tala’y natatanaw, buwan at araw
Mundo man ang agwat
Dahil sa’yo posible ang lahat

Ikaw ang bukas na aking hinihintay
Ika’y hantungan na aking ilalakbay
Kahit malayo man at may mga hadlang
Palaging may paraan, hindi titigil hanggang
Ika’y maging aking tadhana

Ohhh…

Ika’y maging aking…
Ikaw lang ang tanging…

Tadhana
Tadhana…

6cyclemind ft. Karla Estrada - Di Na Atin Lyrics

Lumipas ang panahon
Ikaw pa rin ang nakabaon
Nakatanim sa isip ko
Nakatira sa puso ko
Minu-minuto minumulto
Gabi-gabing binabangungot
Araw-araw na lang bang ganito
Binubuhay ang alaala mo

Alam namang hindi na atin
Pigilan ang damdamin
Hindi ko yata kakayanin
Alam namang hindi na pwede
Kahit anong diskarte
Hindi na yata papalain

Lumipas ang panahon
Ikaw pa rin ang nakabaon
Nakatanim sa isip ko
Nakatira sa puso ko
Minu-minuto minumulto
Gabi-gabing binabangungot
Araw-araw na lang bang ganito
Binubuhay ang alaala mo

Alam namang hindi na atin
Pigilan ang damdamin
Hindi ko yata kakayanin
Alam namang hindi na pwede
Kahit anong diskarte
Hindi na yata papalain

Kalimutan ang lahat
Paano ang emosyon
Paano ang mga bagay na magpapaalala
Magpapaalala
Kalimutan ang lahat
Paano ang panahon
Ang sitwasyon na biglang magpapaalala
Magpapaalala

Alam namang hindi na atin
Pigilan ang damdamin
Hindi ko yata kakayanin
Alam namang hindi na pwede
Kahit anong diskarte
Hindi na yata papalain

Alam namang hindi na atin
Di na atin
Di na atin
Alam namang hindi na atin
Di na atin
Hindi ka akin

There's ERA - Ako Kanta Ikaw Lyrics

‘Di makatagal
Bawat minuto ay tila…
Pinahaba ng husto
Oras nga ay ginto
‘Pag ‘di ka kasama
Ako’y nalulungkot
Umaayaw, ayoko na…

Nasaan ka na, nasaan ka?
Hinahanap kita
Saan ka pupunta?

‘Pag ‘di ka kasama nag-iiba
Ang oras mabagal, tulog ay wala
Nalulumbay, hinahanap ang iyong kamay
Ako, ang kanta, at ikaw
Ako, ang kanta, at ikaw

‘Di nakakasawa
‘Pag na’sa piling mo
Kahit nakatunganga
Masaya pa rin ako

Nasaan ka na, nasaan ka?
Hinahanap parin kita
Saan ka na pupunta?

‘Pag ‘di ka kasama nag-iiba
Ang oras mabagal, tulog ay wala
Nalulumbay, hinahanap ang iyong kamay
Pag ‘di ka kasama nag-iiba
Ang oras mabagal, tulog ay wala
Nalulumbay, hinahanap ang iyong kamay
Ako, ang kanta, at ikaw
Ako, ang kanta, at ikaw

‘Pag ‘di ka kasama nag-iiba
Ang oras mabagal, tulog ay wala
Nalulumbay, hinahanap ang iyong kamay
‘Pag ‘di ka kasama nag-iiba
Ang oras mabagal, tulog ay wala
Nalulumbay, hinahanap ang iyong kamay
Ako, ang kanta, at ikaw
Ako, ang kanta, at ikaw
Ako, ang kanta, at ikaw
Ako, ang kanta, at ikaw

Northdrive - Pangako Lyrics

Ang bawat tanong meron ding sagot
Nawawala ito pagdating sa iyo
At binagsak ba ng tadhana
Ang mga bagay na pinagdarasal mo

Lakasan mo lang ang ‘yong loob
Sasagutin ko ang mga tanong mo

Pinabayaan ka na ba ng panahon
Kinalimutan ka na ba ng kahapon
Tinalikuran ka na ba, marami mang pinagdaraanan
Hinding hindi kita pababayaan
Pangako

Nasasaktan ako pag ika’y napapaso
Nawawala ito pag ikaw lang at ako
At ginuhit ba ang ‘yong kapalaran
Asahan mong maguguhit ko ito

Lakasan mo lang ang ‘yong loob
Sasagutin ko ang mga tanong mo

Pinabayaan ka na ba ng panahon
Kinalimutan ka na ba ng kahapon
Tinalikuran ka na ba, marami mang pinagdaraanan
Hinding hindi kita pababayaan
Pangako… pangako

Lakasan mo lang ang ‘yong loob
Sasagutin ko ang mga tanong mo

Pinabayaan ka na ba ng panahon
Kinalimutan ka na ba ng kahapon
Tinalikuran ka na ba, malalim ang pinagdaraanan
Hinding hindi kita pababayaan

Pinabayaan ka na ba ng panahon
Kinalimutan ka na ba ng kahapon
Tinalikuran ka na ba, malalim ang pinagdaraanan
Hinding hindi kita pababayaan

Oh hinding hindi kita pababayaan
Pangako… pangako