Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Kristoffer Martin - Sa Piling Mo Lyrics

Kahit na ano pang problemang magdaan
sa buhay kong ito na mayroong pagkukulang
mga panahong dumaan at lumipas na
Di ko alam kung saan magsisimula
Suliranin ng buhay na aking dinadala
Parang larawan na tila di ko maipinta
Sana'y muling lumitaw ang katotohanan
sa mga bagay na hindi ko maintindihan

Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Sa piling mo makakayanan ko lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo, di ako palilinlang
Puso't isipan aking ipaglalaban
Basta't ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay
Para sa'yo...

Anumang pagsubok ang aking tatahakin
Taas noo buong tapang kong susuungin
May kaagapay na hindi na dapat mangamba
kahit ano pa ang sabihin ng iba
Dati'y sumuko dahil puso'y sugatan
Galos ng kahapon ay aking napaglabanan
Dahil ako ay kumapit sayong mga bisig
Alang alang sa ngalan ng pag ibig

Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Sa piling mo makakayanan ko lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo, di ako palilinlang
Puso't isipan aking ipaglalaban
Basta't ako ay may kasama
Alam kong meron pang pag-asa
Basta't ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay para sa'yo...

Para sa'yo...
Para sa'yo...

Julie Anne San Jose - Magic Ng Pasko Lyrics

Ang ligayang hanap ng puso maaring magkatotoo
Dahil may bituing nagniningning handa kang dinggin
Kailangan lang maniwala lahat ay magagawa
At walang imposible lahat pwedeng pwede

Maniwala sa magic ng pasko
Ang wish mo’y magkakatotoo
Dahil ang magic ng pasko
Alam na ang hiling ng puso mo

Libreng mangarap, maniwala, lahat ay posible
Kaya ang magic na sagot sa’yong hiling
Ngayong pasko’y yakapin natin…

Maniwala sa magic ng pasko
Ang wish mo’y magkakatotoo
Dahil ang magic ng pasko
Alam na ang hiling ng puso mo

Yan ang Magic ng Pasko

Mike Regalado - Di Kita Iiwan Lyrics

Paikot-ikot sa mundong mapaglaro
Palaisipan kung saan tayo patungo
Problema ay daan daang dadaan
Parang nakadapa sa ilalim ng mga tala

Wag na wag kang titiklop
Kay tagal mong naghintay

Chorus:
Tara na tuloy lang tayo
Sige lang ako’y naghihintay sayo
Tumalon, sumigaw, wag kang mag-alala
Ako’y nandito na
Tumalon, sumigaw, wag kang mag-alala
Di kita iiwan

Di mo ba napapansin
Sa sulok lang nakatingin
Hanggang kailan ka maghihintay sinta
Masdan mo’ng aking mata
Di mo ba nakikita
Wag na wag kang titiklop
Kay tagal mong naghintay

(Chorus)

Wag na wag kang titiklop
Kay tagal mong naghintay

(Chorus)

Di kita iiwan…

Daryl Ong - Ngayon Hanggang Wakas Lyrics

Ang pag-ibig kahit di mo hanapin pa
Ay kusang dumarating kung para sa isat-isa
Dati rati ang puso ay nag-iisa
Ngayon ay kapiling ka at di na magwawalay pa

Nag akala na di na darating ang isang katulad mo
Ngayon kapiling ka at laging narito

Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad
Isang pag-ibig na kailan man ay hindi magwawakas
Habangbuhay ka na iibigin ng buong tapat
Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas

Ipapangako na hindi ka mag-iisa
Palaging kasama mo ganyan ako sayo sinta
Hindi ko kaya sa akin ay mawalay ka
At sana bawat saglit palagi ay kapiling ka

Nag akala na di na darating ang isang katulad mo
Ngayon kapiling ka at laging narito

Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad
Isang pag-ibig na kailan man ay hindi magwawakas
Habangbuhay ka na iibigin ng buong tapat
Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas

Ang puso't kaluluwa ay para lang sa'yo
Palagi ay ikaw ang iibigin ko

Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad
Isang pag-ibig na kailan man ay hindi magwawakas
Habangbuhay ka na iibigin nang buong tapat
Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas

Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas